DIS oras ng gabi nang pumasok si Tygo sa master’s bedroom at nakitang wala si Clio doon. Baka gusto ng asawa na mapag-isa muna kaya hindi rin niya pipilitin. He prepared for bed and realized na boring pala kung walang cartoons at walang tawa ni Clio ang naririnig niya.
He lay on his back and stared at the ceiling."I miss her. f**k! I cannot believe I miss her."
Kinuha niya ang unan na ginagamit ng asawa at sinamyo ito hanggang sa makatulog siya.
Gumising siya ng maaga at dumiretso sa kusina, nagbabakasakaling makita ang asawa ron. Pero si Sandra lang ang andon.
"Hindi pa gising ang alaga mo, Sandra?" tanong niya.
Umiling ang babae. "Kahapon pa po nagkukulong si Ma'am Clio sa kwarto niya. Hindi rin siya kumain kagabi kahit anong pilit ko, Sir. Susubukan ko hong pilitin siya ngayon."
"Bakit daw?" nagtatakang tanong niya.
Nagkibit-balikat ang babae. Hindi ko rin alam, Sir. Sabi lang niya sa akin na gusto niyang mapag-isa."
Pumunta siya sa kwarto ng asawa at sinubukan niyang buksan ngunit naka-lock ang pinto. Kumatok siya ng ilang beses pero walang sumasagot. Dali-dali siyang pumunta ng sa master's bedroom at kinuha ang spare key. Laking gulat niya nang mabuksan ang silid ng asawa.
“What the - ” His eyes widened as he saw the transformation of her room - from plain boring one to a mini-jungle.
Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala na ito pala ang sinasabi ni Jeff. He smirked when he thought that Clio could hide this from him. But he would let her think that she really did hide this from him.
"Clio," tawag niya pero walang sumsagot.
Nakita niya ang babae na nakahiga sa isang hammock at naka headphones kaya pala hindi siya naririnig. Lumapit siya sa babae at nakitang nakakunot-noo ito habang hawak ang isang notebook at ballpen.
Kinuha niya ang notebook at binasa ang sulat kamay nitong parang bata.
'I HATE ME! I HATE ME! I HATE ME!' Halos mapuno ang buong notebook sa tatlong malalaking salita. Nagtataka siya kung ano ang puno't dulo nito kaya lumuhod siya sa harapan ng babae at ginising ito.
"Clio..." Inalog niya ang balikat ng babae. Muntik na ring mapasigaw ang asawa sa gulat nang makita siya. "Bakit ka nagkulong rito?" tanong niya.
Namamaga ang mga mata nito at halatang galing sa iyak. Pero para talaga itong puppy na nagmamakaawa at the same time parang batang inosente na napagalitan.
Tahimik na tumulo ang mga luha ng asawa at dali-dali niyang pinahid ang mga ito. He gathered her in his arms. "Shhh... sige tahan na..." She embraced him tightly that he could hardly breathe. Inestima niya ang balanse nilang dalawa bago niya kargahin ang babae patungo sa kama nito.
Nakita niyang pumasok rin si Sandra na dala-dala ang pagkain. Sumenyas siya sa yaya na ilapag ito sa kama at umalis. Clio was still sobbing heavily and he was alarmed at this rate.
"Clio, you can tell me what happened," he asked.
Nasisinok na ang babae sa kaiiyak. Pero mas malakas pa ang kalam ng sikmura nito kaya wala siyang ibang choice kung hindi subuan ang asawa. Mabuti nalang talaga at hindi ito umayaw. Pagkatapos kumain ay sumandal si Clio sa kaniya at umiyak na naman.
He embraced her and caressed her back while whispering, "I'm here..."
"Tygo," she said in between sobs,"Sorry...hik...hik...hindi ko alam. I...hik...hate...hik...myself...hik..."
"Shhh... ano ba ang nangyari?" Hinaplos niya ang likod nito.
"Ta-tapes..." she replied tiredly. Umiyak ito hanggang sa nakatulog ulit.
Inihiga siya ni Tygo sa kama, kinuha ang headphones na nakasabit sa leeg at inayos ang posisyon nito.
"What tapes?" bulong niya bago lumabas ng kwarto. Bumalik siya sa master's bedroom at nakita sa may VHS players ang limang tapes. He frowned, trying to think ano ang laman ng mga iyon.
He sat on the bed and watched the tapes one by one in horrific fascination. He tried to remember if he saw these but could not grasp from his memory if he did.
He sighed heavily as his shoulders became stooped. His wife saw who she really was before her accident.
Then he heard a terrifying shriek.
Tumakbo siya sa kwarto ni Clio at nakita ang asawa na gumulong-gulong sa kama at hawak nito ang ulo nito.
"Ang sakiiiiiiiiiiiiiiiiittttttt..." sigaw nito.
Biglang kumabog ang puso ni Tygo habang tiningan ang babae na nasasaktan. He shouted for Sandra at tinanong ang babae kung ano ang dapat gawin kapag inaatake si Clio ng sakit sa ulo.
Napatingin ang babae sa kaniya. "Sir, pagkatapos po ng operasyon ay hindi ko pa po siya nakitang nagkakaganyan."
Fuck!
Kinuha ni Tygo ang phone at tumawag ng emergency.