14 - I think I Love You (1)

1020 Words
"Tygo, are you going to work?" tanong ni Clio habang tinitingnan ang lalaki na nag-aayos sa sarili. Maaga siyang nagising kanina ngunit tulog pa si Tygo kaya ‘di na niya ito ginambala at dumiretso na siya sa kusina para kumain. Natagalan siguro siya sa pakikipagkuwentuhan kay Sandra at nagbibihis na ang lalaki nang makabalik siya para suriin ang lalaki.   Tumango ang asawa., "Yes."   She pouted a lil bit. "Can I go with you?"   Napahinto ang lalaki sa ginagawa. “Next time nalang kasi may meetings ako ngayon.”   "Okay." Kibit balikat niya at tiningnan ulit ang lalaki habang namimili ito ng necktie.   "Sa tingin mo, anong magandang isusuot ko ngayon?" Hawak nito ang limang neckties na iba’t-iba ang kulay at disenyo.   Lumapit si Clio at pinili ang isang red and black. Tumango ang lalaki at isinuot ito. Naaaliw siyang panoorin ang mga kamay ng lalaki na inaayos ang necktie. Napangiti siya at napakagat-labi.   "Gusto mong ikaw ang umayos nito?" malumanay na tanong ni Tygo sa kaniya.   Tumingin siya sa mga mata ng lalaki at hindi niya alam kung bakit may lumundag sa puso niya. Aalis sana siya ng hilahin ni Tygo ang kaniyang mga kamay at ipinatong sa dibdib nito.   "Hi-hindi ko alam kung paano.” She ran her fingers through her short hair. . Nagpakawala ng matamis na ngiti ang lalaki. “Halika, tuturuan kita.”   Nanindig ang mga balahibo ni Clio sa batok nang marinig ang medyo paos na boses ng asawa. She really did not understand why she felt hot all over. May lagnat kaya siya? "O-okay," sagot niya.   "Unahin mo ito..."   Tila nahihipnotismo siya sa kamay ng asawa na nakapatong at gumagabay sa kaniya. Dinagdagan pa ng boses nitong paos na tila nanghihikayat sa kaniya na gumawa ng bagay na hindi dapat.   "Tapos na," nakangiting balita niya.   Nagulat siya ng halikan ng lalaki ang magkabilang kamay niya. Her eyes widened as she saw him gave butterfly kisses on her palms. Babawiin sana niya ang kaniyang mga kamay ngunit hinila siya nito at ibinaba ang mga labi ng asawa sa kaniyang mga labi.   Napapikit si Clio sa ginawa ni Tygo. This was the first time that he did this to her early in the morning. ‘Yong mga sharing of kisses kasi nila were more of night time activities kaya nakakapanibago talaga ito.   "You taste like minty candy," she gasped when he released her.   He chuckled."And you taste like cream. Kumain ka ng cake ngayong agahan?"   Namumula siya at na conscious kasi hindi pa nakapag toothbrush. She patted his shoulders and tried to arrange his collar. "Ayan, okay na. Guwapo ka na masyado."   "His eyebrow arched.   "Totoo." She placed her hands on his shoulders and tiptoed to kiss his clean-shaven chin.   "Hmmm..." He savored the few moments with her before asking, "Anong itinerary mo ngayon?"   "Ano ‘yan?"   "Ahh, anong gagawin mo sa araw na 'to?"   "Classes with Mr. Carlise, tapos sasama siguro ako kay yaya na mag grocery mamayang hapon," nakangiting balita niya. Hinagod niya ang dibdib ng lalaki. "Akala ko kasi hindi ka masyadong busy ngayon – pupuntahan sana kita."   Tinapik ni Tygo ang pisngi niya. "Sorry talaga."   "Next time na lang," she replied and then together they went out of the room.   Sinamahan ni Clio si Tygo habang nag-aalmusal ang lalaki. Mabuti na lang talaga at wala ang dalawang babaen ayaw niyang makita. Kung hindi, baka gagawa na naman siya ng alibi upang ‘di magtagpo ang landas nilang tatlo.   Nasa mood si Clio nsng ihatid niyia si Tygo hanggang makasakay ang lalaki sa sasakyan. Nung nakita niya na wala na ang kotse ay tumakbo siya papuntang hardin para kausapin ang kanilang hardinero.   "Manong Jeff, good morning, okay na po ba ‘yong last batch ng mga tanim?"   "Morning Ma'am Clio, opo, iaakyat ko na lang mamaya sa bintana sa kwarto niyo po," sagot ng matanda. "Magpapatulong po ako kay Sandra, Ma'am."   "Basta manong Jeff, huwag mong sasabihan si Mama Martha ha baka kasi hindi pumayag," mahinang sabi niya rito.   Nag thumbs ang matanda. "No problem, Ma'am."   Dahil ipinatanggal ng mother-in-law niya ang mga tanim niya kaya nagdesisyon siyang ipasok sa loob ng kwarto niya ang kaniyang secret garden. Hindi naman siguro bawal ang ginawa niya, ‘diba?  Wala namang pakialam si Tygo kung ano ang ginagawa niya sa sariling silid kaya feeling niya ay sign ‘to na pumapayag ang lalaki.   She smirked because she was keeping a secret in his own house.   Sinimulan niya ang proyekto dalawang linggo na ang nakakaraan. Hinati niya ang kaniyang napakalaking silid sa dalawa at nilagyan ito ng indoor garden. Silang tatlo ni Manong Jeff at Yaya Sandra ang mano-manong nagtrabaho para i-accomodate ang gusto ni Clio. Mabuti nalang talaga at malaki ang kaalaman ng hardinero at hindi eksklusibo sa pagbubungkal at pagtatanim kundi pati na ang gumawa ng indoor garden.   Clio was in good spirits as she went inside to take her lectures and quizzes. Excited kasi siyang makita ang proyekto niya kaya she did not mind the hours of classes. "Wow, ang ganda ng pagkagawa niyo," manghang bigkas niya nang masilayan ang kaniyang kwarto na tila jungle.    She spent some time in her rooms before transferring to the master's bedroom. Sinigurado talaga niyang naka-lock ang kwarto niya kasi baka may makapasok at makita ang kaniyang lihim na hardin. At si Sandra lang talaga ang pwedeng maglinis don at wala nang iba.   She sat on their bed and sighed, "Medyo boring na..." Tumayo siya ulit at naghanap ng paglilibangan. Nahagip ng mga mata niya ang limang VHS na nakapatong sa tokador. Hindi niya nakita ang mga ito kanina ah.   "Clio 1," mahinang basa niya. "Ako to ah." Kinuha niya ang ibang tapes at napakunot-noo ng makita ang titles ng mga ito: Clio 2, Clio 3, Clio 4 at Clio 5.   “These seem interesting.” She tried to remember how to operate the VHS player. May konting excitement din siya kasi baka mga escapades nila nina Tygo ‘to. At least may malalaman siya tungkol sa sarili niya.   And what she saw made her wish na sana hindi niya pinindot ang 'play' button.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD