HINDI pa rin makuhang mag-sink kay Clio Xanthe na kasal na siya sa estrangherong ‘to.
Masyadong halata sa aura nito na galit - kinamumuhian siya nito kaya ayawn niyang kausapin ang lalaki habang nagmamaneho ito. Pero at least hindi siya nakatikim ng sampal o mura sa bago niyang asawa. Napatahaplos siya sa kaniyang pisngi at medyo na guilty kasi natutuwa siyang umalis sa bahay ng mga Vivocente.
“Wow ang ganda.” Nanalaki ang mga mata niya nang makita ang isang napakalaking bahay nang pumasok ang sasakyan nila sa isang malaking gate. Napatuwid siya ng upo at napadungaw sa bintana.
Katulad ng bahay ng mga magulang niya, halatang matagal na at ilang henerasyon na rin ang nakatira rito. Pero kung ikukumpara sa kayumangging bahay ng mga Vivocente, ito naman ay tila gawa sa puting marmol. Parang nakikita niya sa mga pictures ng ancient Greece. Marami ring puno sa malawak na kapaligiran.
It was so breathtakingly beautiful that she could not contain her excitement that she forgot about her apprehensions. She smiled at Tygo. “Bahay mo?”
"Natin," koreksyon ni Tygo.
"Ang ganda talaga.” She put her hand on her chest and sighed dreamily.
Tygo’s voice was neutral. “You told me many times before that you wanted to marry me because of my house.”
Napanganga si Clio habang nakatingin sa seryosong mukha ng lalaki. Isa bang dahilang ang pagpapakasal dahil sa isang bahay? Napakamot siya sa ulo. “Pasensya ka na kasi hindi ko matandaan.”
Biglang namula ang mga pinsgi ni Tygo kaya napatikom siya. She crossed her hands and dugged her fingernails on her knuckles until she felt pain. Hindi niya kasi kabisado ang lalaki at baka mapagbuhatan siya ng kamay kaya ibinaling niya ang atensyon sa labas ng bintana hanggang sa npahinton sila sa harapan ng bahay.
Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at ipinatong ang kamay sa pinto upang hanapin ang kaniyang balanse. She was too tensed now that she was facing the grandeur of the house. May lalaking mabilis na lumapit at kinuha ang mga gamit nila mula sa likod ng sasakyan.
Napa-igik siya nang tumabi si Tygo sa kaniya. “Welcome sa Nils residence.”
"Hmmm..." She could not bring herself to utter a word so she looked at him instead. Martin Tygo was a very handsome man and he smelled very nice too.
Pero hindi niya alam kung bakit may halong kirot ang nadarama niya nang titigan ang napangasawa. Tila may humihila sa kaniya mula sa balon ng nakaraan na nagdudulot sa kaniya ng sakit habang nakikita ang lalaking nasa harapan.
What had she done in the past to see him hate her even on their wedding day?
"How dare you insult me?" Medyo paos ang boses nito.
"Ha?" Tiningnan niya ang namumulang mukha ng asawa. Napaatras siya sa tindi ng galit sa kulay abo na mga mata nito. Hinawakan ni Tygo ang kwintas niya at hinablot ito ng marahas. The string broke and the pearls went bouncing on the ground.
Tila nag slow motion ang oras at naririnig niya pa ang isa-isang pagtalbog ng mga perlas sa lupa. Every movement and every sound were maximized that made her heart clenched. Napatingin siya sa lalaki. “Why? You gave me this, right?”
“Ang kapal talaga ng mukha mo, Clio.” Napakuyom si Tygo. "Hindi ko ibinigay iyan sayo.Regalo ko ‘yan kay Daphne Valera sa engagement namin at ninakaw mo ‘yan mula sa kaniya."
Namilog ang mga mata niya at instinct na lumuhod siya sa lupa upang kunin ang mga nagkalat na perlas. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya kapag nababanggit lang ang pangalan ng sister-in-law niya.
"Tumayo ka nga diyan," galit na saway nito. "I don't have the time to dally with your stupidity. Let's get inside."
She clasped the pearls in her hands and followed him inside the house. Napahinto sila nang makita ang isang babae na nasa fifties na nakatayo sa harapan nila. Naalala niya ang kaniyang ina kaya medyo nanginig na naman ang kalamnan niya.
"Mama," bati ni Tygo, "andito na si Clio."
"Good morning po, Mama," magalang na bati niya.
Pinandilatan siya ng babae."I don’t acknowledge you as my daughter-in-law kaya you can stop calling me, Mama."
Pati pa naman dito? Baka kapareho ito ng ina niya na nananakit. Kailan ba siya makakatagpo ng tao na hindi galit sa kaniya?
Lumingon ang babae sa asawa niya. "Wala na akong magagawa sa kasal mo Martin Tygo pero tandaan mo ito, hindi ako titira rito sa bahay kung andito ang babaeng iyan."
"Mama..." Sinubukan ni Tygo na lapitan ang ina pero hindi natinag si Martha Nils.
"Doon muna ako sa bahay natin sa Ashtonia," pahayag nito. "I can't stand being in a room with her."
Nag-walk out si Martha Nils at nakita niyang walang nagawa si Tygo kundi tingnan lang ang ina na umalis.
Clio, still clamping the pearls in her hand, softly said, "Another one."
Tumaas ang kilay ni Tygo. "Another what?"
Tumingin siya sa asawa at matipid na ngumiti. "Another person that I hurt."