CLIO Xanthe fell in love with the place since she settled here two weeks ago. Of all the places, she loved the gardens the most. At dito siya palaging nagtatambay kasi hindi siya kumportableng makita o makasama si Tygo sa loob. At least hindi siya pinapakialaman ng lalaki at masyado itong busy sa trabaho kaya madalas itong wala sa bahay.
Nakaupo siya sa swing at pasipol-sipol habang tinitingnan ang mga samu’t-saring bulaklak. She leaned on her arm and closed her eyes, remembering her wedding day. It was blissful in the sense that she would not see her parents anymore. Was she not normal because she did not like to go back the Vivocente residence?
“Pero baka katulad si Tygo ni Mama at Papa.” Napahaplos siya sa kaniyang pisngi. “Baka naghahanap lang siya ng tiyempo para saktan ako.”
Ano ba kasi ang nagawa niya noon at bakit tila galit ang halos ng nakasalamuha niya sa kaniya? Why would they not tell her anything?
Napabuntong-hininga siya habang dinuduyan ang sarili. “Sana andito si Yaya Sandra at Marcu.”
Tumayo siya at pakanta-kanta habang pumasok sa bahay. Napangiti siya sa mga naglilinis na katulong at patalon-talon pa siyang umakyat ng hagdan. In her excitement, she sat on the stair rail and laughingly slid down. Si Marcu ang nagturo sa kaniya ng larong ‘to at kahit nasampal siya ng ilang beses ng ina dahil dito ay hindi pa rin ito naging hadlang bakit ‘di siya nag-enjoy na gawin ulit ‘to.
“Ma’am, baka mapano ho kayo.” Nag-alala ang isang katulong nang makita siyang bumalik sa hagdanan at umupo na naman sa stair rail.
“But I enjoy it,” she happily muttered as she slid down again.
"Clio!" Narinig niyang may sumigaw sa pangalan niya nung nakatapak na siya sa lupa. Lumingon siya at nakita si Tygo.
Patay!
"Ahmm...ano...ka-kasi..." Paano ba niya i-explain rito na nag-eenjoy siya? Tumingin siya kay Tygo at nakita niyang namumula ang mukha nito. Napa atras siya ng bahagya kasi inihanda na niya ang sarili at baka ito na ang unang pagkakataon na makakatikim siya ng sampal mula rito.
At dahil sa ginawa niya ay napalingon siya sa likuran nito. May kasama palang babae ang asawa niya. Tiningnan niya ang hitsura at napagtantong ito ang babaeng inuuwi ni Tygo. At sa tuwing nandito ang babae ay nararamdaman niyang may tumutusok sa puso niya.
"Clio, mag-ingat ka lang," mahinahong sabi ng asawa.
"Oo...oo.” She sighed in relief.
"Sa study room muna kami," sabi nito bago lumakad palayo.
"Hello," bati ng babae sa kaniya bago sumunod kay Tygo.
Tumango lang siya pero hindi nag reply. Matangkad ang babae, maputi at mahaba ang buhok. Napasuklay si Clio sa bob-cut style niya kasi gusto talaga niya ang mahabang buhok. Slim ang pangangatawan nito at tila anghel - ‘yong tipong nakikita niya sa pintura sa mga simbahan - ang mukha nito.
"Para siyang fairy..." may paghangang bulong niya sa sarili. Pero bakit sumasakit ang puso niya kapag nakikita ang babae? "May heart problem ba ako?" nagtatakang tanong niya sa sarili.
Dali-dali siyang tumawag sa clinic ng isa sa mga doctors niya. Memorize niya ang ilan sa mga numbers nito dahil sa utos ng kaniyang ina. Matapos siyang magpa-appointment in an hour, patakbo niyang binuksana ng study room. Nakita niya si Tygo at ang babae na magkatabi. Nakayuko ang mga ito at may tinitingan na papeles.
Napasapo siya sa kaniyang dibdib. Heto na naman ang puso niya.
"Oh Clio..." gulat na sabi nito.
"Pwede bang lumabas?" mahinang tanong niya.
"Hmm..." Nakataas ang isang kiloy nito.
"Pasyal lang..." Tipid na ngiti niya.
Bumuntong-hininga si Tygo."Sabihan mo si Derek na samahan ka."
"Sa-salamat." Ngiti niya bago umalis.
The doctor examined her and told her that she was alright. Pero kung disturbed talaga siya, pwede niyang isulat sa isang journal ang mga panahong nakakaramdam siya ng chest pains.
Alas siete na ng gabi nang makauwi siya sa bahay. Halata sa putla niyang mukha ang sorpresa nang madatnan ang asawang nasa bahay pa rin. Busy kasi ito masyado in the past few weeks at dis oras na ng gabi ito umuuwi.
"Kamusta ang araw mo?" tanong ng asawa.
"It went well, thank you," polite niyang sagot at nilingon ang kapaligiran. Wala na ang babae. Dahan-dahan siyang lumakad papuntang hagdanan.
"Kumain ka na ba?" tanong nito nung nilampasan niya.
She looked back and nodded. "Tapos na, thank you."
Aalis na sana siya nang marinig niyang nagsalita ito, "Would you like to have a cup of coffee or tea with me?"
Bigla siyang kinabahan at inisip kung ano ba ang gusto ni Tygo mula sa kaniya. Pero naalala niya ang sinabi ng mama niya na dapat sundin ang kagustuhan ng mga kabiyak. So Clio nodded and followed him to the study room and watched him casually plopped on the sofa.
When he saw her still standing, he gestured that she sat beside him. She tiptoed, afraid that he would get angry if her clumsiness would surface. Her heart beat so fast when she felt her skirts brushed his thighs. It was the first time that she was this close to him since the wedding day.
"I heard from Derek na galing kayo ng doctor," casual na sabi ni Tygo.
Bago siya sumagot ay bumukas ang pinto ng study room at pumasok ang matandang katulong na si Lydia. Tiningnan niya ang matanda na inilapag ang tray ng mga pagkain at inumin sa coffee table. Ngumiti siya rito pero tiningnan lang siya nito na walang emosyon. Kahit mahal niya ang bahay ni Tygo ay nararamdaman pa rin niyang hindi siya welcome ng mga tao rito.
"Earth to Clio," sabi ng asawa. Tinanong pala siya ulit ni Tygo pero na mesmerized siya sa tasa ng tsaa kaya hindi niya ito nasagot.
"Hmmm..." She flushed before she answered, "May chest problems kasi ako nitong mga nakaraang araw at hindi ako makatulog minsan."
Tumaas ang mga kilay ng lalaki. "Why didn't you tell me?"
"Busy ka kasi at ayoko namang istorbohin ka," sagot niya bago humigop ng tsaa.
"At ano ang sabi ng doctor?"
"Na okay lang ako pero kapag naramdaman ko ulit ay isusulat ko sa isang journal," walang emosyong sabi niya habang nakatingin sa pastries.
Napansin ito ni Tygo. "Why won't you get one Clio? Paborito mo yang chocolate éclairs."
"Talaga?" sorpresang tanong niya. She picked one and gently took a bite.
"Hindi mo gusto ang chocolate éclairs?" nagtatakang tanong ng asawa.
"Hindi pa ako naka try nito." Ngumuya siya ng dahan-dahan. "Mocha flavored cupcakes lang ang favorite. Pero..." Sumubo ulit siya. "Hmmm...ang sarap nito."
Tygo chuckled at her expression. He remembered that his wife was gaga over chocolate desserts in the past. She would kill for those chocolate flavored food. And seeing her eating the éclair for the first time in years made him felt things. Feelings that he should disregard. Clio knew how to manipulate people. What if she was still controlling albeit unconsciously?
"Bago ko malimutan, I want you to hold a party here in five days," anunsyo ni Tygo. "Malaki naman ang bahay at pwede tayong maka accommodate ng thirty to fifty guests."
Namilog ang mga mata ni Clio sa pahayag ng asawa. Una, hindi siya magaling makihalubilo sa ibang tao. Nasa kwarto lang siya kapag may bisita o party sa residensya ng mga Vivocente. “Pe-pero, Tygo…”
"Kaya mo yan," he calmly said.
Napalunok siya ng tsaa. Her heart was hammering about her husband's assignment."Tygo...I ca-can't..."
"You can't or you won't?" His brows arched.
"Hindi ko alam kung paano..." she almost whispered.
Tipid na ngiti ang ibinigay ng lalaki, "Kaya mo iyan. Magpatulong ka kay Derek sa mga kailangan mo. You were so good at parties before."
Kumunot ang noo niya sa turan ng lalaki. At hindi niya alam kung bakit napabuntong hininga ito at may inis na sabi, "Look Clio, I'll be honest with you. I don't like this marriage as much as you don't. Ayokong magpakasal lalo na sa ‘yo."
Hindi niya alam kung bakit parang may punyal na tumusok sa puso niya sa mga binitawang kataga ng asawa. Napaimpit nalang siya at hinayaan ang lalaki na magpatuloy.
"Your family's empire is in dire straits that even Bastien cannot fix them. Nagpakasal ako sayo – despite of everything that you did, kasi hiling ito ng ama ko."
Pumiyok ang boses niya. "Sabihin mo sa ‘kin, Tygo kung ano ba ang ginawa ko noon?"
But he ignored her and relentlessly said, "May amnesia ka pero sa totoo lang hindi ko alam kung nilalaro mo lang kami or not. But if it's true na you can't remember things then please help yourself to learn things. Don't be a doormat for goodness' sake!"
Kinuyom niya ang mga palad niya at matigas ang tinig. "What did I do wrong? Why are people hating me?"
"Because you're a lucky b***h that you cannot remember the things you did in the past. And no matter how you feign innocence, people whom you hurt knew what you truly were," he hissed.
Nanlamig ang buong katawan ni Clio. Nakita niyang napatiim-bagang at namumula si Tygo sa galit at biglang natakot siya na baka pagbuhatan siya nito ng kamay. She felt that her hands were starting to tremble. She needed to get out from the room as soon as possible.
"So-sorry..." she croaked. She straightened her spine and tried her best to look him directly in the eye/ "Tell me what to do to have your forgiveness?"
"Bring back the dead," he muttered.
Namutla siya. “W-what do you mean?”
Napasuklay ito sa buhok gamit ang sariling mga daliri. "Sorry. This isn't fair to you..."
She bowed her head. "Sorry! I'll try my best na maging successful ang party. And thank you for telling me what you feel.”
He took a step towards her but she stepped back in instinct. With a slight nod, she turned and walked out from the room.
Napatingin si Tygo sa pinto at bumulong, "Damn..."