5 - Wedding of Tygo & Clio (2)

530 Words
HE wanted to regret his decision in marrying her.    Naihagis ng kaniyang ina ang isang antique na flower vase nang mabalitaan nito ang desisyon niyang pakasalan si Clio.    “I don’t want her to be my daughter-in-law,” galit na pahayag nito. “Maghanap ka ng ibang paraan, Martin Tygo!”   Napahilamos siya sa mukha. “Mama, I did my best pero ito lang talaga ang pupuwede.”   Nangingilid ang mga luha sa mga mata nito. “I hate that girl.”   Kaya heto ngayon si Martin Tygo, napapbuntong hininga habang tiningnan ang kabuoan ng bahay ng mga Vivocente bago pumasok sa loob upang sunduin si Clio Xanthe. Ang kaniyang asawa.    Ano ba ang nagawa niya sa kaniyang past life upang mabigyan ng ganitong klase ng pagsubok?   Binuksan ni Arthur ang pinto at mahinang bumati sa kaniya. Tinapik niya ang balikat ng matanda. “Andiyan na ba si Clio?”   “Nasa salas na po sila, Sir Tygo.” Arthur guided him inside.   Nakita niya ang kaniyang father-in-law at nagkausap muna sila ng konti bago siya pumunta sa salas. The Vivocentes were actually good to him and treated him like a family since he was a kid. They still treated him cordially after the scandal. But there was something different in their treatment of him when they learned that he wanted to marry Clio. Hindi niya talaga ma pin-point kung ano.Siguro akala ang mga ito na baka si Clio ang gagamitin niyang instrumento sa paghihiganti. Kaya nagsinungaling siya at sinabi niya kay Donovan na ngayon lang niya nakita ang will ng kaniyang ama na dapat matulungan ang mga Vivocente sa humihinang negosyo nito simula ng scandal. He seemed to believe it and thanked his goodwill.   Pero hindi niya alam na interes ng mga Nils ang iniisip niya. Ginawa niya ang sakripisyong ‘to para hindi maibigay ang malaking porsyento ng shares ng mga Nils sa mga Vivocente. Kaya sigurong inilihim niya rin ang pagpapakasal kay Bastien, Clio’s older brother and his best friend. Alam ni Tygo na gigisahin siya ni Bastien lalo na’t tungkol kay Clio ang issue.  Tumango siya sa direksyon ni Clio at halos ayaw niya tingnan ang babaeng napangasawa. Nalaman kasi niya na tila kumukulo ang dugo niya nang napatitig siya rito kanina. Dali-dali siyang nagpaalam sa mag-asawa at tila masaya naman ito nang ihatid sila sa labas.    He could not blame them though. Problema kasi ng mga ito si Clio noon. And even though he did not really want to voice it out, he knew that Clio Xanthe would bring more problems in the future.    But was he ready for it?   Nilingon niya ito habang tahimik ang kanilang paglalakbay. Nakita niyang medyo nanginginig ang mga kamay nito. “Cold?”    Tuwid na nakaupo si Clio at nakatangin sa labas ng bintana. Nagulat ito nang tanunigin niya at napataas ang mga kilay nito.   "You're shaking, giniginaw ka ba?"    Napansin niyang nagkuyom ito ng kamao at pilit na takpan ang nanginginig na boses. "N-no."   "Why are you shaking then?" He nonchalantly asked while driving.   Her black eyes were guarded and she did not say anything at all.    "Are you nervous of me?" Siniplatan niya ito.   Muntik na niyang hindi marinig ang sagot nitong, “Oo.”   "Clio?" tawag niya rito. "Hmmm...?" Hindi siya nilingon ng babae.   "This is not going to be a loving relationship, tandaan mo ‘yan." Nagtagis ang bagang niya at napahigpit ang hawaka niya sa manibela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD