9 - Heartburn (2)

1874 Words
LUTANG si Clio buong magdamag at pangiti-ngiti pa siya kay Tygo dahil natupad ang hiling niyang lumipat si Sandra at Marcu sa Nils residence. She was too ecstatic that she smilingly asked Tygo, “Do you want to sleep here tonight?” Napalunok ang lalaki. “Huh?” Her smile widened, showing her pearly white teeth. “Babalik ka na ba sa kuwarto mo?  You can have it na.” “Ayaw mo ng matulog sa master’s bedroom?” Nakataas ang kilay ng asawa habang kumuha ng damit mula sa closet nito. She plopped on the bed and looked at Tygo. “I can sleep with yaya or with Marcu tonight.” Biglang napaubo ang lalaki at nilingon siya. “Dito ka na matulog.” She pouted. “Ba’t ayaw mo sa kwarto mo? Malaki naman at maganda.” “Basta matulog ka rito,” inis na sabi nito at padabog na lumabas ng kuwarto. “Tsk!” Inirapan niya ang pinto. “Bahala ka sa buhay mo.” Nasa mood pa rin si Clio kinabukasan lalo na’t kasama niya si Sandra at Marcu sa agahan. "Ma'am Clio,may masaya kaming balita," excited na sabi ni Sandra habang ipinaghanda siya ng paborito niyang almusal. "Ano?" tanong niya habang tinikman ang sunny side up. This was really perfect! Ilang buwan na rin niyang hindi natikman ang ginawa ng yaya.  "Natanggap ako sa scholarship, Ma'am," sagot ni Marcu. Namilog ang mga mata niya. "Yong sinabi mong eskwelahan para sa pagpapalipad ng eroplano?" Tumango ang lalaki. "’Diba sa ibang lugar yon? Malayo sa Paradise City?" biglang nasambit niya. Medyo nagkatinginan ang mag-ina bago sumagot si Marcu, "Huwag kang mag-alala, Ma'am Clio, lagi akong bibisita rito." "Alam na ni Maricel ‘to?" tukoy niya sa nobya ni Marcu. Ngumiti ang lalaki. "Pareho kaming nakatanngap ng scholarship.” Nabitawan niya ang kubyertos sa gulat. Pumalakpak pa siya. "Woah! Gusto rin niyang magpalipad ng eroplano? Woah..." "Hayaan mo ma'am, lagi kaming bibisita rito," suhestyon ni Marcu. "Kailan ang alis mo?" "Sa isang linggo po." "Sandra, iiwan na ako ni Marcu," malakas na reklamo niya. "Hindi na ako ang first love niya!" At bago pa makasagot ang dalawa ay biglang lumitaw si Tygo sa paningin niya. Medyo dumilim ang mukha nito pagkakita sa kanila. "Oh Clio, bakit dito ka nag-agahan?" seryosong tanong nito. "Ah, na miss ko na kasi ang luto ni yaya," patay malisyang sagot niya. "Sa kusina talaga kaming tatlo kumakain sa dating bahay.” Na feel niya na medyo na tense ang dalawa sa sinabi niya. "Ah, Sir Tygo, kain po tayo," alok ni Sandra. Tumango ito. "Salamat Sandra. Pakisabi nalang kay Lydia na kape lang ang gusto ko." Tatalikod na sana si Tygo nang bigla siyang lingunin."Clio, may bisita tayo ngayon." "Okay," sagot niya at tiningnan lang ang lalaking lumakad palayo. "Ma'am Clio, hindi po ba kayo sinasaktan ni Sir Tygo?" nag-aalalang tanong ni Marcu. "Hindi naman," kampanteng sagot niya. "Akala ko nga na tulad siya ni papa at mama pero hindi pala." "Mabuti naman kung ganon," buntong-hininga ni Sandra. "Ma'am Clio, gusto mo bang pasyal tayo ngayong araw sa motor ko?" tanong ni Marcu. "Sige!" excited niyang sagot. "Tutal wala naman akong klase ngayon." Nagpaalam siya kay Tygo at napansin niyang mas lalo itong nakasimangot lalo na nung malaman nito na motorsiklo lang ni Marcu ang gagamitin nila. Pero mas nangibabaw ang excitement ni Clio kaysa pagkabahala sa reaksyon ng asawa. At saka aalis na si Marcu next week kaya susulitin niya ang oras. Binisita nila si Maricel at masaya silang tatlong namasyal sa isang themed park. Botong-boto talaga siya nobya ni Marcu. Maganda, matalino at ubod pa ng bait.  Bandang alas singko ng hapon na siyang inihatid ni Marcu sa bahay bago nito ihahatid si Maricel pauwi. Pero sure siya na magdi-date pa ang dalawa kaya siya nalang mag-isa ang pumasok sa loob. At laking gulat niya nang makita ang babae ni Tygo sa hapag kainan na bumati sa kaniya. Malapit niyang mabitawan ang dala niyang paper bag nang biglang may tumusok sa kaniyang puso at napasapo siya sa dibdib. "Okay ka lang ba Clio?" Nakatingin si Tygo sa kamay niyang nakapatong sa kaniyang dibdib. "Oo..." impit niya. "Si Valerie nga pala ang secretary ko," pakilala ni Tygo. "Pinapunta ko siya rito ngayon kasi may inasikaso kami." "Hmm..." "Kumain ka na ba?" tanong ni Tygo. "Hindi pa," sagot niya. "Halika na at makapag-hapunan ka na," alok nito. "Babalik lang ako."Dali-dali siyang lumabas ng dining room at patakbong umakyat sa kwarto. "Maganda talaga siya," maktol niya habang hinubad ang damit. Kinuha niya ang isang costume na binili niya kanina sa themed park at isinuot. Tumingin siya sa salamin at at napangiti. Babagay daw sa kaniya ang costume sabi ng tindera kanina lalo na sa bobcut hairstyle niya at pang 1920s ang pigura ng katawan niya. Feathers ang costume na kulay violet, at perlas lang ang strap nito at micro-mini ang haba. May kasama pa itong sombrero na mukhang wig na gawa rin sa feathers. "Pero masyadong malaki ang dibdib ko at parang kita na ang n*****s ko," hingal na sabi niya, "at medyo masikip sa balakang at puwet." Hindi na siya nagsuot ng sapatos at nakapaa lang siyang bumaba at pumasok sa dining area. "Clio!" Napaubo ng husto si Tygo nang nakita siya. Biglang napatayo si Valerie. "Sir, bukas ko nalang ho idadaan dito ang ibang papeles na pipirmahan mo pa." At nang tumango si Tygo ay dali-dali itong lumakad palabas ng hapag-kainan. Ngumiti lang ito sa kaniya at sinabing, "Ang ganda ho ng damit niyo ma'am Clio." Gusto niyang tumawa sa reaksyon ni Valerie at ni Tygo. Lalo na ni Tygo na ubo ng ubo pa rin. Nilapitan niya ito at sinapo ang leeg. Muntik na ring napalundag ang lalaki pagdaiti ng kaniyang palad sa balat nito. Kinuha niya ang basong tubig na nasa kabilang dako at sa may gilid ni Tygo. Hindi niya namalayang bumabangga ang dibdib niya sa mukha nito. Napaubo ulit si Tygo. "Salamat." Tinanggap nito ang baso mula sa kaniya. Umupo siya at nagsimulang kumain. Napapansin niya na si Tygo ay palaging sumusulyap sa kaniya at minsan ay bumubuka ang bibig nito na para bang may sasabihin. "Ang sarap ng pagkain Tygo," manghang sabi niya habang ngumunguya. "Akala ko naghapunan ka na kasama ni Marcu," neutral na pahayag nito. "Ayokong maging hadlang sa date ng M&Ms.” She smirked. "Huh?" "Kasi Maricel ang pangalan ng girlfriend ni Marcu. Dalawa na silang letter M kaya M&Ms," natatawang sabi niya. Tumaas ang kilay ng asawa at tila lumiwanag ang mukha nito. "May girlfriend si Marcu? At kayong tatlo ang magkasama buong hapon?" "Oo.” Ngumunguya pa rin siya at wala siyang pakialam kung nahuhulog ang mga butil mula sa bibig niya. "Aalis na kasi silang dalawa next week. Mag-aaral ng pagpapalipad ng eroplano." "Talaga ha.” Narinig niyang parang excited si Tygo sa balita. "Hmmm..." "Clio, saan mo binili ang damit na iyan?" malumanay na tanong nito. "Sa themed park kanina," sagot niya. Busog na siya at napasandal sa upuan habang hinipo ang tiyan. "Sabi ng tindera na bagay daw sa akin pero ang sikip." Ngumiti ng tipid ang lalaki at tumayo ito at inilahad ang kamay. "Halika, samahan mo akong uminom ng kape sa office." Tinanggap niya ang palad nito at hinila siya patayo. Hindi binitawan ni Tygo ang kamay niya habang naglalakad sila papuntang opisina. "Tatawagan mo ba si Lydia?" "Hindi na, may coffee maker naman ako rito," ngisi ng lalaki, "Gusto mo bang turuan kita pano magtimpla ng paborito kong kape?" "Sige sige," excited niyang sagot. Tinuruan siya ni Tygo kung ano ang klaseng kape ang gusto nito at kung paano gumamit ng coffee maker. Nang mag offer ito sa kaniya ay umiling siya. Nahagip ang paningin niya sa iba't-ibang bote na naka display sa isang sulok. "May ganiyan rin si papa sa study room niya," bigkas niya, "pero hindi ko pa natitikman." "Ahhh...gusto mong tikman?" tanong ni Tygo habang humihigop ito ng kape. "Pumili ka ng isa." "Talaga?" pumunta siya at kumuha ng isa. Nakakita siya ng baso at pinuno niya ito. "Clio, konti lang baka hindi mo kaya," mungkahi ng asawa pero hindi siya nakinig. Walang sabi-sabing nilagok niya ang isang baso. Namilog ang kaniyang mga mata at napanganga. "Haaak haaaaak." Pilit na i-ubo ng kaniyang sistema ang nalasahan. "Haaaak! Ang pa-it...ang anghang..." Lumapit si Tygo sa kaniya at tawa ito ng tawa."Sinabi ko naman sa ‘yo, ‘diba?" "Haaaaak..." Napapaluha talaga siya. Hinila siya nito at pinaupo sa sofa at binigyan siya ng tubig. "Sinabi ko naman sayo na konti lang." Napapikit siya at napasandal sa sofa. Hinding-hindi na niya hahawakan ang mga boteng ganoon ang hitsura. Naramadaman niyang tumabi si Tygo sa kaniya at sinalat ang noo at leeg niya. "Hmmm..." bigla siyang napaungol sa sorpresa. "Medyo nahilo ako." "Tsk-tsk! Sige na, ihahatid na kita sa kwarto," natatawa pa ring sabi ni Tygo. Hinila siya nito at nang sumuray siya ng konti ay hindi nag-atubili ang lalaki na kargahin siya papunta ng master’s bedroom. Inilapag siya nito sa kama. Ito ang kumuha ng headcap niya at hinaplos ang itim niyang buhok. "Mmagpahinga ka na.” Dumilat ang isa niyang mata, "Tygo?" "Hmmm...?" “Masikip…” She tugged her clothes. Namumula ang mukha ni Tygo na tinulungan si Clio na tanggalin ang saplot nito. Uminit ang kaniyang pisngi ng haplusin niya ang leeg at dibdib ng asawa. He groaned when she groaned. “Matulog ka na.” Tila si Tygo ang nahihirapang huminga.  Umatras ang lalaki at akmang aalis ng tawagin niya ito. “Tygo, may napanood ako sa TV.” "Ano?" "Hinalikan ng lalaki ang babae nung kargahin niya ito sa kwarto,” kuwento niya. She softly gaze at his lips. “Hahalikan mo rin ba ako?” Natameme si Tygo. "Nahalikan na ako noon pero ayoko kasi ang sakit..." Naputol ang sinabi niya nang dinampian siya ng halik ni Tygo sa labi. "Masakit ba?" Umiling siya. "Isa pa please." Inilapit ni Tygo ang mga labi nito sa kaniya ng limang segundo bago ito umatras. Tiningnan siya nito. "Masakit ba?" "Hindi." Inangat niya ang mukha at paulit-ulit na binigyan ng smack ang mga labi ng asawa. "Bakit may dila ‘yong iba?" Hinawakan ni Tygo ang magkabilang pisngi niya at inilapit nito ang mukha. "Ganito ba?" He gently traced the tip of his tongue on the shape of her lips. She unconsciously groaned and opened her mouth/ "Tygo, medyo makiliti eh. Hindi masakit..." She tried to imitate him at umungol ang lalaki kaya tinanong niya, "Masakit ba Tygo?" "Hmmm..." He smiled and slowly nipped her lower lip. "Ito?" Umiling siya at napangiti. "Kiliti pa rin." She nipped his upper lip and breathed, "Masakit ba?" Tumawa ang lalaki. "Magpahinga ka na, Clio." Umatras ito pero hinila niya ang ulo ng asawa at inulan ng halik ang mga labi. "Hindi ba pwedeng gawin natin ito ngayong gabi?" "Magpahinga ka na," bulong nito habang sinusuklian siya nito ng mga halik."Pero promise, bibigyan kita ng goodnight kiss simula ngayong gabi." "Talaga?" Nangingislap ang kaniyang mga mata sa antisipasyon. "Yup," sagot ng lalaki. "Okay.” Isang last na smack ang ginawa niya bago humiga ulit sa kama. "Good night, Tygo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD