10 - Visitor (1)

1365 Words
"MAMA!" bulas ni Tygo nang makita ang inang pumasok sa opisina niya isang hapon ng Sabado. Nagulat siya kasi hindi ito nagsabi na darating sa bahay.   "Martin Tygo, nagdesisyon akong dito muna titira sa bahay," balita ni Martha. Tumingin ito sa paligid at nang hindi makita ang asawa niya ay tumikhim ito, "Ikaw lang ba ang nandito?"   "Oo, hinatid kasi ni Clio at Derek si Marcu sa airport," sagot niya.   Napakunot-noo ang ina. "Marcu?"   "Anak ni Sandra, yaya ni Clio," tipid niyang sagot. Magtatanong sana siya sa ina kung bakit nag desisyon itong tumira ulit sa bahay nang may pumasok na isang babae. Matangkad, balingkinitan ang katawan, light brown ang buhok na nakapusod at maganda ang hugis ng mukha na medyo natabunan ng malaking eyeglasses. . Familiar sa kaniya ito pero hindi niya mawari kung saan niya nakita ang babae.   "Hello Martin," mahinhin na bati nito.   Tumango lang siya at inilpat ang tingin sa ina.   "Martin kasama ko si Odessa," balita ni Martha. "Dito muna si Odessa titira sa atin."   "Ho?" Gusto niyang umubo pero nilunok niya lang ang mainit na kape. Ngayon niya natandaan kung sino ang babaeng kasama ng ina. Nakita niya ito sa isa sa mga reunion sa side ni Martha, sampung taon na ang nakaraan.    "At gusto kong pakitunguhan mo siya ng mabuti kasi siya ang kursunada kong maging asawa mo since hindi naman kayo nagkatuluyan ni Daphne," sagot ng ina.   "Tita," mahinang bulas ng dalaga.   "Mama!" Napaubo na nga siya ng tuluyan. "May asawa na po ako. Plus Odessa is practically my cousin." Martha waved her hand carelessly. “Cousins marry cousins, you know, Martin. And I do not consider Clio as your wife. A current nuisance, probably, but not as the next generation’s mistress. She does not have the capabilities.”   "Mama, you cannot do anything about it," medyo matigas na ang tono niya. "She's my wife and she will remain my wife."   "Let's see, iho. Let’s see." His mother smirked before she got up and went away. "Come, iha. Ipapakita ko sa iyo ang room mo."   Napasabunot ng buhok niya si Tygo at napaungol. Three women under the same house? This was going to be a disaster - no a catastrophe. Hindi nga niya alam kung papaano kontrolin si Clio ang ina pa kaya?   'God, ano ba ang nagawa ko at pinarusahan niyo ako ng ganito?' Hindi niya mapigilang maghimutok habang kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang assistant.. Tinanong niya kay Derek kung malapit na ba sila ni Clio sa bahay. Dali-dali siyang lumabas nang sumagot ito na nasa may gate na sila.   He sighed in relief when he saw the black car stopped in front of him. Lumabas si Derek at sumakay siya sa driver’s seat.    "Tygo!" Namilog ang mga mata ni Clio nang magsuot siya ng seat belt.  "May pupuntahan ka? Puwedeng sumama?"   He pinched her cheek gently. "May pupuntahan tayo. Kamusta ang lakad niyo?"   Kuwento ng kuwento si Clio habang nagmamaneho siya. Hindi niya mawari pa rin kung bakit may konting kirot – konti lang talaga naman – siyang nadarama kapag nababanggit nito si Marcu. Alam niyang may girlfriend na ang lalaki at malaki ang agwat ng edad ni Clio rito pero hindi niya alam kung bakit –   'Heart burn lang ito,' sabi niya sa sarili, 'hindi pa ako masyadong nakakain sa tamang oras ngayong araw.'   Huminto sila sa isang cafe at pumasok sa loob.   "Sir Martin, long time no see po." Malaking pagkakangiti ng isang medyo may edad na babae.   "Kamusta na, Sol?" bati niya rito. "Maganda ka pa rin ha."   Tumawa ang babae. "Welcome po sir, andito pa rin po ang dating lugar niyo po noong college."   "Talaga?" gulat na tanong niya. "Sige doon kami uupo."   Inakay niya si Clio sa isang medyo secluded na corner. Ito ang isa sa mga date places nila ni Daphne noong early relationship nila. At actually nadala rin niya dito si Clio noon nang ilang beses.   "Ang ganda ng lugar Tygo pero wala masyadong tao," bulong ni Clio sa kaniya habang tumingin-tingin sa paligid.   "School holiday kasi," sagot niya.   "Sir Martin, same pa rin ba ang order niyo?"   "Alam mo pa rin ba, Sol?"   "Memorize pa po," natatawang sabi nito. Lumingon ito kay Clio. "At kayo po, Ma'am, ano po ang ord –" Biglang naputol ang salita nito nang tingnang mabuti si Clio. Lumipat ang tingin ni Sol sa kaniya at pabalik naman kay Clio.    "My wife," tipid niyang sabi.   Namilog ang mga mata ng babae at unconsciously na napakamot ito. Alam ni Tygo ang ibig sabihin nito. He suddenly remembered na isa rin ito sa mga witnesses sa mga outbursts ni Clio noon. Yes, nagwala rin ang aswa rito sa café noong magselos ito sa isa sa mga girlfriends niya. At hindi lang nagwala kundi may mga damages pa itong nagawa sa tindahan. At siempre siya at ang mga magulang ng babae ang nag damage control.   "Pa-pareho pa rin ho ba ang order niyo, Ma'am?" Medyo na utal si Sol ng tanungin si Clio.   Napatingin naman si Clio sa kaniya at nagtataka ang mga mata.   "Oo Sol, same order pa rin."   "Sige Sir, gagawin naming super super special ang orders niyo." Pilit na ngiting tumalikod ito.   "Nakapunta na tayo rito noon?" tanong ni Clio sa kaniya.   "Yup," tipid na sagot niya at pilit na iwaglit ang topic. Ayaw niya kasing umiba ang mood niya.   'Bakit ba kasi dito mo siya dinala?' away ng utak niya.   "Clio, may sasabihin ako sayong mahalaga," seryosong bungad niya.   "Hmmm...?"   "Nasa bahay si Mama Martha."   Nakita niyang napaupo ng matuwid si Clio. "Oh..."   "At kasama niya si Odessa."   "Who's Odessa?"   "Distant relative," komento niya.   "Sa bahay sila titira?"   "Oo," ang sagot niya.   Tahimik silang dalawa at tila ba ini-estimate nila ang sitwasyon. Papaano ba silang dalawa lulusot nito? Magababago rin ba ang pakikitungo nila sa isa't-isa?   "Kaya ba dinala mo ako rito kasi hindi mo alam kung ano ang sasabihin ko?" inosenteng tanong ni Clio.   Hinawakan niya ang kamay ng asawa na nakapatong sa lamesa at pinisil ito. Magsasalita sana siya nang dumating si Sol dala ang mga orders nila.   "Wow! Ang lalaki ng cupcakes at ang milkshake..." manghang bulas ng asawa.   "Hindi po namin nalimutan ang favorite orders niyo, Ma’am," sagot ni Sol.   "Talaga? I'm sure masarap ang mga ‘to," excited na sagot ni Clio.   Sana ma-icapture ni Tygo ang mga sandaling iyon lalo na ang first reaction nii Clio sa pagkakita ng orders niya. Para itong bata na ngayon lang nakakita ng chocolate cupcake na intricate yung designs. Unconsciously, namangha si Tygo sa actuations ng asawa. Such pure innocence.    Watching her eating so much with gusto was heavenly.   Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at pinicturan ang babae. Nang tumingin ito sa kaniya ay nagbigay ito ng napakatamis na ngiti at muntik nang huminto ang hininga niya sa ginawa ng asawa.   "Tygo, ang sarappp..." May kumikislap ang mga mata nito. "Payag na ako."   "Sa ano?"   "Sa pagtira nila sa bahay," Humagikhik ito. “Pagkain lang talaga kapalit ng mga pagpayag ko.”   Dahil nasa mood silang dalawa ay kahit anong mga bagay ang pinag-usapan nila. Sometimes, he challenged her to read some simple words found inside the café. At kahit namumula man si Clio ay sinusubukan talaga nitong magbasa. At sa bawat bigkas ng maling salita ay katumbas noon ang isang punyal ng sakit at awa na tila tumutusok sa puso ni Tygo.   Pagkatapos nilang kumain ay namasyal muna sila sa isang parke at pinanood ang mga taong nag eehersisyo sa gabi, ang iba naman ay ipinaparada ang mga alagang aso at ang iba ay magkapares na umuupo lang sa damuhan.   Nakaupo si Clio habang nakahiga at nakapatong ang ulo ni Tygo sa asawa.   "Tygo, napano ito?" tanong ng babae habang hinahaplos ang peklat sa kanang bahagi ng kilay niya.   "Nabunggo ako sa isang pader," sagot niya. Hindi niya kayang sabihin dito na consequences ito sa isa sa mga outbursts ni Clio. Minsan noong magselos ito sa isa sa kaniyang mga girlfriends ay parang sss itong umatake at pinagsasabunot nito ang babae. Nang dumating siya sa eksena at awatin niya si Clio ay siya naman ang napag diskitahan nito – kalmot, kagat at kung anu-ano pa.   "Hmmm..." Tahimik ang babae sa pag trace ng peklat niya.   "Clio," sabi niya habang nakatingala sa mukha ng babae, "may hihilingin ako sa ‘yo."   "Ano?"   "Kahit anong gagawin ni Mama sayo ay huwag mo siyang papatulan..."   "Anong gagawin niya sa akin?" nagtatakang tanong nito.   "Ahhh...ahmm..." Papaano niya ipapaliwanag dito? "Ano...perfectionist kasi si mama Martha kaya huwag mo na lang intindihin ang mga sasabihin niya, okay?"   "Okay..." She softly replied and then gave him a kiss on the tip of his nose.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD