"THIS is Mr. Carlise, your tutor," pakilala ni Tygo. Nakita niyang medyo namutla ang asawa at kinagat nito ang ibabang labi.
"Tu...tutor?" bulong nito.
"Good day, Clio Xanthe," nakangiting bati ng lalaki pero naksimangot pa rin si Clio.
"Pwede niyong gamitin itong office bilang classroom. Pupunta rito si Mr. Carlise tatlong beses sa isang linggo," pahayag ni Tygo, hoping to put an ease on Clio. Pero nakita niyang mas namutla ang asawa. Kaya tinapik niya ang balikat nito at bumulong, “Clio, okay ka lang?”
"Pero, nasaan si Sandra at Marcu?" Malalaki ang mga matang nakatingin ito sa kaniya.
Napataas ang mga kilay niya. "Papunta na sila rito ngayong hapon. Do your studies first before you can see them."
Lumiwanag ang mukha nito nang marinig ang katiyakang lilipat na dito ang mga taong hinahanap. “O-okay…” Umupo ito sa pinakamalapit na silya at patingin-tingin sa paligid habang hinihintay ang tutor magsimula.
Umupo rin si Tygo sa swivel chair niya at inilabas ang kaniyang laptop upang magtrabaho rin. He decided to work from home lalo na’t first day of class ni Clio ngayon. Although nagkausap na sila nung mga nakaraang araw tungkol sa mga subjects at grading system, gusto niya pa ring makita kung paano i-handle ng matandang lalaki ang pagtuturo nito sa asawa.
Napa-angat siya ng ulo nang marinig niya ang matamis na hagikhik ng asawa. Napangiti rin siya ng konti. Mabuti naman at naging komportable si Clio sa bago niyang guro. Tama nga ang desisyon niya na kunin si Mr. Carlise. Rekomendasyon rin naman ang matanda sa mga espesyalista ni Clio lalo na’t marunong ito sa mga may kaso ng dyslexia.
Pero napansin niya rin na parating lumilingon si Clio sa kaniya. Para bang batang takot mawala ang magulang o guardian during school time. And when she was assured that Tygo was still there, she unceremoniously focused her attention to her tutor.
He would discuss later with Mr. Carlise the best recourse for Clio's education. Gusto niya ang the best para sa babae at walang problema ang pera. Alam niyang matalino talaga si Clio. In fact, she was part of the top ten in class since elementary days. Malamang na maging numero uno ito kung hindi nga lang ito obsessed sa kaniya, mahilig mag cutting classes at palaging sumunod-sunod sa kaniya. If he rememberd correctly, hard science ang kurso ni Clio noon.
'Naka graduate kaya siya?' biglang naisip ng lalaki.
Clio Xanthe Vivocente was very beautiful, intelligent and rich. She had the best qualities but she was obsessed with Martin Tygo Nils. Very lethal combination na nauuwi sa pambu-bully ng babae sa iba.
“But she could not even decipher the number 5 and letter S,” he muttered as his fingers tapped on the keyboard.
Nasa charts nakatuon ang mga mata niya pero nasa asawa ang isipan niya. Would he marry Clio if he knew that she was like this now? Ito rin ba ang dahilan kung bakit itinago ng mga Vivocente sa kaniya ang totoong estado ni Clio?
He pinched the bridge of his nose. Clio Xanthe was his wife now even if he liked it or not.
Mabilis ang paglipas ng oras at pasensyoso talaga si Mr. Carlise sa pagtuturo sa basics kay Clio habang nakaupo naman si Tygo at binabasa ang mga reports, na hindi naman talaga niya binasa. Hanggang nakarinig sila ng busina ng sasakyan at isang motorbike.
"Andito na sila!" excited na tili ni Clio.
Mr. Carlise checked his watch and decided to end the session. Walang lingon-lingong lumabas ang babae. Tinanong niya ang matandang lalaki ukol sa asawa at masayang ibinalita naman nito ang performance ni Clio.
Tumayo at patay malisya si Tygo na tumingin sa bintana habang nakikinig sa mga pinagsasabi ni Mr. Carlise. May sasabihin sana siya sa kausap nang nakuha ang atensyon niya sa asawang tumakbo at yumakap sa isang makisig na lalaki. Niyakap si Clio ng lalaki at iniko-ikot habang tumitili naman si Clio at napapangiti si Sandra habang tinitingnan silang dalawa.
Kilala niya si Sandra pero hindi niya kilala ang lalaki – siguro ito iyong sinasabing Marcu. This was Marcu, that skinny brat of Sandra? Time really flew so fast that he almost forgot the existence of this young man. Tantiya ni Tygo, hindi lalampas ng bente ang edad ng lalaki pero matured na ang pangangatawa nito at may histura rin.
Tygo's gaze flew towards his wife as Clio put her arm around the man again and saw that one of her breasts brushed slightly against his bicep.
"Damn," he muttered.
"Sir?" biglang napatanong si Mr. Carlise.
Pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Nothing, please continue..." At ilang minuto pang nagsalita ang tutor bago ito umalis. Lumingon ulit si Tygo sa kinaroroonan ng asawa at mga bagong dating pero wala na ang mga ito.
Naisuklay niya ang kaniyang mga daliri sa buhok. And he felt something tugged his heart. Napasinghap siya. What the heck was this? Was he jealous?
No!
Dali-dali niyang binuksan ang drawer sa kaniyang mesa at tiningnan ang mga medisina. Nilunok niya ang antacids at naging mabuti ang kaniyang pakiramdam in less than two minutes. "Ah, just as I thought – heartburn lang pala," he mumbled, "at hindi ako nagseselos!"