HINDI nakaya ni Clio ang kalam ng sikmura kaya pumasok siya sa kwarto ni Tygo at humingi ng sorry.
"Sa kanila ka mag-sorry, Clio," seryosong sagot nito.
Sinamahan pa siya ng asawa sa harapan ni Odessa at sa biyenan upang humingi ng paumanhin sa mga nagawa niya kanina. Imporante sa kaniya ang makakain kaya lulunukin niya kung ano mang pride ang nakatago sa katawan niya. Natuto rin siya sa nangyari sa kaniya sa piling ng mga magulang nung pilitin siyang magpakasal kay Tygo. They almost starved her to death and they beat Marcu in front of her.
What if ganun si Tygo?
Saan siya pupulutin nito kung katulad nga si Tygo ng mga magulang niya? She did not want to go home. And Bastien was somewhere in Japan right now with his own family. Sandra could not help her at all.
She had no one at all. And she could not even remember her past.
“What are you going to tell them again, Clio?” Tygo’s voice were neutral.
“So-sorry.” Napalunok siya at pilit na umiwas ng tingin sa dalawang babaeng nasa harapan.
“It’s alright.” Matamis na ngiti ang ibinigay ni Odessa. “Don’t do it again, alright?”
“Tygo, pagsabihan mo ang asawa mo kung hindi ako ang tatawag sa mga Vivocente at ipapakuha ko ‘tong anak nila.” Martha’s face was void of any expression.
Clio gasped and her eyes were stormy as she glanced at Tygo. Her husband’s expression was the same as his mother’s.
“I’m going to say this once again.” Tygo’s voice was calm. “Clio is my wife and I’ll be the one to discipline her if needed.”
Martha scoffed but did not say anything at all.
Papasok siya ng kaniyang sariling silid nang tawagin siya ni Tygo. Napakunot-noo siya. “What?”
“Hindi ka matutulog sa master’s bedroom?” tanong nito.
Nakapamaywang siyang sagutin ang lalaki, “No!” And she went inside and locked the door.
“Kain na kayo, Ma’am Clio,” malumanay na tawag ni Sandra sa kaniya habang nakaupo ito sa kama at dala ang tray.
Umupo siya sa sahig at kinuha ang isang mangkok ng sabaw at inubos itong inumin. The taste was heaven on her tongue. She really felt that she was on the heavens at the moment. Gutom na talaga siya.
Napatingin siya sa kaniyang yaya na tahimik na nakatitig sa kaniya. Tila awa at takot ang makikita sa mukha nito. Kaya hindi napigilan ni Clio na mapaluha. “Yaya, sorry. I tried to be a good girl para magustuha nila ako. I really try.”
Hinaplos nito ang mukha niya. “Mabait naman po kayo, Ma’am Clio.”
Umiling siya. “Odessa is a mean person. Ba’t ba palagi niya akong inaaway?”
They spent the whole night crying for what happened and what was to come. Clio’s heart clenched because she exchanged her pride with corn soup and bread.
Kinabukasan, dumiretso siya ng hardin para tingnan ang mga tanim nang makita niya ang biyenan. Napaatras siya bigla sa gulat. Hindi na kasi ito pumayag na pupunta pa siya sa hardin at ipinakuha nito kay Jeff ang mga naitanim niyang gulay at pinalitan ng ornamental plants.
Gusto niyang magwala nang makitang wala na ang pinaghirapan niya pero nangako siya kay Tygo na huwag pansinin ang ina kaya napakuyom na lang siya sa galit. Pumasok siya sa bahay at napakamot sa ulo dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Wala na siyang hardin at wala rin siyang klase ngayon. Hindi siya kinakausap ni Lydia, ayaw ng biyenan sa kaniya, busy si Tygo at pumunta ng bayan si Sandra. Lalong ayaw niyang magtagpo ang landas nilang dalawa ni Odessa.
“Boring,” she sighed as she walked along the corridors in the big house. She spent time opening and closing some rooms in the second floor and when she did not find anything to interest her, she decided to go to the attic.
Napaubo siya nang buksan ang pinto ng atic. Kinuha niya ang mga puting kumot na nakatakip sa mga bagay-bagay habang ubo siya ng ubo. Muntik na siyang malunod sa alikabok at napakapit siya sa isang malaking kahon. Na-outbalance siya at natumba ang hinawakan hanggang sa nagkalat ang mga itim na parihabang bagay.
“What’s this” Napapaubo pa rin siya. Kinuha niya at naninigkit ang mga matang binasa niya ang label nito, “V.H.S.” Napakunot-noo siya nang makita ang daming ganitong bagay na nagkalat mula sa karton. “Ano ba ‘tong V.H.S.?”
She took a couple of it and left the room. Palakad-lakad siya sa corridor habang tinitingnan maigi ang label ng isang VHS. "Ma...Mar..tin..s ten..tee eytch. B..day." Siguro nga malayo pa ang susuungin niya para mapagtantong Martin’s tenth birthday ang ibig sabihin nito.
“Ma’am Clio, andiyan pala kayo,” bati sa kaniya ng isang katulong na nakalimutan niya ang pangalan. “Ipinapatanong ni Sir Tygo kung nakapag merienda na kayo.”
Namilog ang mga mata niya. “Andito na si Tygo?”
Ngumiti ang babae. “Opo. Dumiretso ho ata sa kwarto niya. Nag snacks na po kayo?”
She waived her hand. “Salamat pero mamaya na.”
Binuksan niya ang pinto ng master’s bedroom at nakita niya ang asawang nakaupo sa isang sofa at nagbabasa ng malaking libro. Umangat ang mukha nito nang makita siyang hinihingal.
"Tygo, ano 'to?" Lumapit siya rito at ipinakita niya ang VHS.
Kumunot ang noo nito at kinuha ang VHS sa kamay niya. "Saan mo 'to nakita?"
"Sa attic."
"Ba't ka nakarating don?" Hinagod siya nito ng tingin. “Ang dumi-dumi mo na, oh.” Kinuha nito ang isang agiw na nakapatong sa buhok niya.
"Bored na ako eh," sagot niya, "tapos na rin ang assignments ko."
Itinuro ang puting label, "Ano ang ibig sabihin ng B-day?"
Ngumiti ang lalaki. "Birthday meaning niyan."
"Talaga? So birthday mo nakalagay diyan?"
Tumango si Tygo. "Parang movie ito Clio. Alam mo ba ano ang CD or DVD? Or nakapanood ka ba ng sine?"
Umiling siya.
Napa 'tsk' si Tygo bago nagsalita, "Nakapanood ka na ba ng palabas sa TV?"
Tumango siya.
"Parang ito ‘yong laman ng VHS pero kailangang ipasok muna sa player para mapanood mo."
"Nood tayo," bigla niyang bulas.
Ngumiti si Tygo bago siya tiningnan ulit mula ulo hanggang paa. “Maligo ka while isi-set up ko ang mga ito. How about it?”
She pouted for a while before she nodded and ran towards her own room. She spent ten minutes preparing herself before going back again to Tygo’s room.
Nakita niya si Tygo na busy masyado sa pag-set up. “Matagal pa ba ‘yan?”
“Sana gumana pa mga ‘to.” He frowned a little bit before he untangled some wires.
“Bakit nakatago ang mga ‘to, Tygo?” tanong niya habang kumukuha ng VHS at inilagay sa isang supot.
"Feeling ko naka CD or DVD na ang iba. Akala ko nga natapon na lahat ang mga ‘to,” sagot ng asawa habang nakayuko at tila may kinukulikat sa isang malaking parihabang bagay.
Humiga siya sa kama at pinanood ang lalaki habang busy sa pag-set up. She was amazed at how his muscles from his back moved. Her pupils dilated as she saw his biceps were well formed in his sando.
Napalunok siya. “Tygo, bat ang init ng kuwarto mo?”
Lumingon ang lalaki sa kaniya. “Talaga?” Tumayo ito at kinuha ang remote para i-adjust ang aircon. “How about that?”
Napatingin siya sa dibdib ng lalaki. “O-okay na.”
Bumalik si Tygo sa pag set up at ilang mga minuto pa ang ginugol nito bago nagsalita, “Let’s see if it plays.”
Namangha si Clio sa nakita sa screen. May mga batang naglalaro sa isang malaking bakuran. Feeling niya dito sa bahay ginanap ang birthday party kasi may mga ilang features rin namang nakikita niya pa ngayon.
"Si Bastien.” Sabay turo nito sa isang batang lalaking sobrang bibo.
Tiningnan niya at natawa siya nang madapa ang kuya niya sa malapit sa lamesa na puno ng pagkain. Pero mas nahagip ang atensyon niya sa isang batang babaeng mataas ang buhok at hawak nito ang braso ng batang Tygo.
Napngiti ang asawa. "Ikaw ‘yan."
Namilog ang mga mata niya at ibinalik ang paningin sa screen.
May inaaway na isang batang babae ang anim na taong gulang na Clio habang tila tuko siya sa pagkakahawak sa braso ng batang Tygo. Niyakap niya si Tygo sabay sumigaw sa nakakabinging boses, “Akin lang si Tygo! Asawa ko siyaaaaaaa!”
"Oh my God." She actually never expected that girl was her.
Tumawa ang kabiyak.
"Clio Xanthe, ano ba ‘yang pinagsasabi mo?" Natatawang saway sa kaniya ng kaniyang ina.
"Pumayag si Tyko na papakasalan niya raw ako." Nakangiting sagot ng bata.
Pero umiling ang sampung taong gulang na lalaki. “I did not!”
“You did!” She hugged him tighter. “You did!”
"Kisssssss!" kantiyaw ni Bastien.
Yumakap si Clio at nag tiptoe para halikan ang pisngi ng lalaki. Pero umatras si Tygo at natumba silang dalawa. Nagtawanan ang lahat.
"Nakakahiya." Medyo napingiwi siya sa nakita. Kahit wala siyang maalala at kahit minsan wala siyang hiya sa mga ginagawa ngayon, pero hindi niya alam kung bakit ito ang una niyang nabanggit pagkakita sa batang Clio.
Biglang tumikhim ang asawa at pilit na patayin ang mga tawa nito. Tumingin ito sa kaniya at napaubo. "Give yourself some slack. You were just six years old.”
Nagkibit-balikat siya. "Well...anyway, turuan mo ako kung pano gagamitin ang player kasi gutso ko pa ring panoorin ang mga ‘to kahit wala ka.”
"Ayaw mong tapusin ang birthday video ko?" tanong nito.
"No,thank you," nakangiwing sagot niya.
Tiningnan siya ni Tygo at tumango ito. Iniject nito ang tape at pinalitan ito ng ibang mga videos ng summer outings, school programs, recitals (mga videos na wala ang batang Clio sa paligid).
Napatawa ang asawa nang may pinasok na tape at nakitang isang educational program pala sa pagbasa: Apple's Reading for Kids.
"Clio panoorin mo 'to at baka makatulong sayo," parang proud pang sabi ng asawa. "Buhay pa pala ‘to. I remember me and Bastien used to watch this at minsan kasama ka."
Excited rin naman si Clio at sabay silang sumasagot sa mga clues at iba pang mga questions.
Buong araw sila nanood at doon na rin sila sa kwarto ni Tygo nananghalian. Medyo inaantok siya bandang alas tres at hindi namalayang nakatulog pala siya ng mahimbing.
Malungkot na napangiti si Tygo nang makita siyang mahinang naghihilik. "Iba ka na talaga," bulong ng lalaki habang inayos ang posisyon ni Clio sa kama. Hinaplos nito ang buhok niya at tumabi sa kaniya. Hindi alam ng lalaki kung bakit kinuha nito ang kamay ni Clio at marahan hinalikan bago pumikit.