"ANG tanga-tanga mo,” galit na bigkas ni Odessa kay Clio, isang hapon nang makita siya nito sa may kusina. "Hindi iba sabi ni Tita na tawagan mo ang flowershop at mag order ka katulad noong sa brochure?"
Nagkibit-balikat lang siya. Hindi niya alam kung bakit pinagdidiskitahan siya ng babaeng ‘to sa simula nang tumira ito sa bahay. Hindi na nga siya lumalapit rito kasi nag promise siya kay Tygo na huwag lang papatulan. Alam niya na regarding sa mother nito ang promise niya pero bisita Odessa ng mama at extension na rin ng pangako niya ang babae.
"Nakalimutan ko," sagot niya. Ayaw niyang sabihin rito na nahihirapan siyang magbasa baka kasi gamitin ito ng babae para awayin na naman siya.
"Gaga ka talaga!" Medyo mataas na ang tinig nito.
"Eh bakit hindi ikaw ang tumawag since alam mo pala." Uminit na rin ang ulo niya. “Bakit pa palagi mo akong inaaway, ha? Hindi kita kilala."
Namilog ang mga mata nito at namumula na sa galit. Hindi talaga alam ni Clio kung ano ang ipinag puputok ng butse nito. Nasaktan ba niya ang babae noon gaya ng mga nagawa niya sa iba? Pero deep inside her, wala talaga siyang feeling kahit 0.01% na nagkatagpo ang landas nila.
"Well, hindi mo maalala?" Nakangisi ito. "Mabuti naman. You once called me and threatened me na huwag akong ilusyunada kay Martin Tygo."
"Huh?" Kahit gut feeling ay wala talaga siyang naramdaman sa babaeng ito. Nagkibit-balikat na naman siya at aakmang tatalikod nang hilahin ng babae ang kamay niya. "Ano ba?"
"Huwag kang bastos!" Nanlilisik ang mga luntiang mga mata nito. "Kinakausap pa kita. You're a b***h, a slut and most of all a cunt!"
Sa totoo lang, alam niya ang mga salita kasi narinig na rin niya ito sa TV noon pero hindi niya alam masyado ang ibig sabihin lalo na ang cunt. Pero nagtimpi pa rin siya kasi nangako siya kay Tygo. She just smirked at the angry woman before she turned her back.
Pero hindi pa siya naka full turn nang hilahin ng babae ang buhok niya. Mas mataas si Odessa kaya easy lang para rito ang abutin kahit bob cut niya. Napa-aray siya sa sakit pero mas hinigpitan ng babae ang pagkahawak sa buhok niya.
Pilit siyang tumingala at gustong makawala pero hindi niya masyadong maabot ang mukha nito para sampalin. Kaya walang ibang choice si Clio kung hindi suntukin ang tiyan ng babae. Napa 'oomph' si Odessa at napakapit sa bandang puson nito.
“Masakit ba?” tanong niya rito bago siya nagpakawala ng isang matunog na sampal na tila nag-echo sa kabahayan. Hindi pa siya nakontento at kinalmot din niya ang mukha ng babae.
"Ma'am Clio!" singhap ni Lydia.
Lumingon siya at nakita niyang andon din si Sandra na namutla pagkakita sa kaniyang ginawa. Dali-dali siyan niyakap nito habang nawala bigla si Lyrida.
"Ma'am Odessa, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Sandra sa babaeng naka-upo ito sa sahig at sapo-sapo pa rin ang tiyan.
"Mukha ba akong okay, bruha?" sagot ng babae sa yaya niya.
Akma sana niyang sasabunutan ang babae nang dumating si Lydia at ang mother in law niya. Lumingon ito kay Odessa at napatingin sa kaniya. Dire-direchong sumugod ito sa kaniya at sinampal siya ng dalawang beses.
"Estupida!" galit na singhal nito bago nagpakawala na naman ng isang sampal. "Ingrata!"
Niyakap siya ng mahigpit ni Sandra at narinig niyang humihikbi ito ng mahina. Pero tumingin lang siya ng diretso sa mga mata ng kaniyang biyenan. Nakita niya ang kaniyang mga magulang sa babae at inaamin niyang may konting takot siyang naramdaman.
Paano kung sasabihin ni Mama Martha sa mga magulang niya ang nangyari? Paano kung kukunin siya ng mga magulang?
"Umalis ka sa harapan ko!" Namumula at halata ang ugat sa leeg ng kaniyang biyenan.
Dali-dali siyang umalis at pumuta sa sariling silid. Doon lang siya at hindi na lumabas hanggang sa hapunan. Medyo kumalam na ang sikmura niya pero tiniis niya kasi ayaw niyang makita ang mother in law niya at si Odessa.
Nakaupo lang siya sa kama at nakatingin sa kawalan nang pumasok si Tygo sa kwarto. Bigla siyang kinabahan at napaupo ng tuwid. Lumuhod ito sa harapan niya at galit na nagtanong, "Anong ginawa mo?"
Nakita niya ang pagkamuhi sa kulay pilak na mga mata ng asawa. Hinawakan nito ang kaniyang balikat at niyugyog ang mga ito. "Anong ginawa mo?, Clio" mataas na ang boses nito.
"You’re hurting me..." Her teeth chattered.
Agad siyang binitiwan ni Tygo si Clio at napasuklay sa buhok nito. "God! Clio, may pasa sa mukha si Odessa."
She sniffed but did not reply. May takot kasing bumabalot sa puso niya nang maramdaman ang poot ng asawa. Inihanda niya ang sarili na baka ito na ang unang pagkakataong mapag buhatan siya nito ng kamay.
Bumukas ang pinto at pumasok si Sandra na may dalang tray. Tumayo si Tygo at inutusan si Sandra, "Hanggang sa hindi humihingi si Clio ng kapatawaran kay Odessa ay hindi siya kakain ng hapunan."
Namutla ang yaya niya nang harapin siya. Alam rin nito ang iniisip niya: kapareho ni Tygo si Donovoan Vivocente.