GABI nang bumaba silang dalawa mula sa master’s bedroom para samahan si Martha at Odessa sa hapunan. Nakita niyang nakabahis ang babae at inaamin niyang maganda ito sa suot na pula at nakalugay ang mahabang tila gintong buhok. Ano kaya ang ginawa nito sa mukha kasi hindi na halata ang pasa na ibingay niya rito.
“I remember you when I went to the mall this afternoon.” Nakangiting inabot nito kay Tygo ang isang nakabalot na regalo.
"See how thoughtful Odessa is, Martin Tygo?" nakangising tanong ng ina. "Buksan mo na."
"Mamaya nalang, Mama, pagkatapos ng hapunan," seryosong sabi ng asawa.
Kinuha niya ang kamay ng lalaki at pinisil. “Buksan mo na. Excited ako..."
Ibinigay ng lalaki ang regalo sa kaniya. "Ikaw na ang magbukas."
"Tygo!" singhap ni Odessa.
Pero mas excited si Clio sa regalo ng babae kaysa makinig dito. Pinunit niya ang plain wrapper at napa 'ooh' nang makita ang isang malaking libro.
"Ano ‘yan?" tanong ni Tygo.
"Libro..."
"Sige nga basahin mo ang cover," encouraged nito.
Napatingin siya sa paligid at kahit nahihiya sa mother-in-law at kay Odessa ay susubukan niya pa rin. Kumunot ang noo niya habang iniintindi ang mga letra. Mabuti nalang at malaki at hindi masyadong sumasayaw tingnan.
"Small Rowad..."
"Road," correction ni Tygo.
"To..."
"To.” Tumango ang lalaki.
"Fa...fayloo...faylooreh..."
"Failure." Correction ulit.
"Failure," bigkas niya.
"Sige kaya mo 'yan," urged ng asawa niya.
"Heeg...haa...way..."
"Highway."
"To..."
"To."
"Sook..kake..kess.” Tila napipilipit ang dila niya.
"Success," supplement naman ng lalaki. "Sige nga ulitin mo lahat."
Tumango siya at dahan-dahang binasa, "Small Road to Failure, Highway to Success."
"Ang galing," proud na bati ni Tygo sa attempt niya.
"How pathetic.” Iismid ng kaniyang biyenan.
"Pero Tita, okay naman ang pagturo ni Tygo kay Clio," may paghangang sabi nito.
"Mabait naman talaga iyang anak ko.” Neutral ang boses nito. “Tyring to be a good man kahit ilang beses ginagago ng ibang babae diyan.”
Napataas ang kilay ni Clio kasi baka nakalimutan ng mga ito na nasa harapan lang ang lalaki. Sasagot sana siya nang maramdaman niyang pinisil ni Tygo ang kaniyang kamay. Tumingin siya sa lalaki pero konting ngiti lang ibinigay nito sa kaniya.
"Sana nagustuhan mo ang libro Tygo, isa si Dennise Witherby sa mga favorite authors ko," nakangiting sabi ni Odessa.
"Oo salamat, hindi ko pa nga nabasa ito." Kinuha ni Tygo mula sa kaniya an libro. "If you like reading motivational books, may mga libro naman sa study, pwede kang kumuha roon."
"Perfect.” Namumula pang pa cute ni Odessa. "You're very generous, Tygo, and very patient too."
Hindi alam ni Clio kung bakit napatingin siya kay Odessa at sinabing, "And I'm a slut, b***h and cunt, ‘diba sabi mo?"
"Clio!" shock na tawag ni mama Martha.
"Clio, mag sorry ka kay Odessa," utos ni Tygo sa matigas na tinig.
Kumunot ang noo niya. "Why? What did I say?"
"Clio Xanthe!" Mataas na rin ang boses ng lalaki. "Apologize now or you won't continue your dinner!"
"Bakit ayaw niyo kasing sabihin sakin kung ano ang mali ko?" matigas na rin ang tinig niya pero tahimik lang sila.
Tumayo siya at dali-daling umalis sa komedor. Narining niyang tinawag siya ni Tygo pero hindi na siya lumingon. Pumunta siya ng kusina at mabilis na pinagbubuksan ang mga cabinet doon at kapag may nakita siyang pwedeng kainin ay kinuha niya.
"Ma'am Clio, ano ho ang nangyayari sayo?" singhap ni Lydia.
"Umalis ka diyan.” Away niya sa matanda nang pilit nitong kunin ang mga pagkain sa kamay niya.
"Ma'am, bakit ho kayo humahakot ng pagkain?" biglang nagtanong si Sandra nang makapasok ito sa kusina.
"Yaya, i-abot mo ‘yang basket please.” Tukoy niya sa basket na katabi ni Sandra.
Dali-dali niyang kinuha mula sa mga kamay nito ang basket at pinuno ng pagkaing galing sa ref at iba pang cupboards. Umalis siya at patakbong tinungo ang sariling kwarto. Mabilis ding nakasunod si Sandra sa kaniya. Inilapag ni Clio ang basket sa sahig bago tinakbo ang pinto at ini-lock ito.
"Ma'am Clio," bulong ni Sandra nang makita siyang bumalik sa kama at niyayakap ang basket.
"Sandra, katulad siya ni Papa.” Gusto niyang umiyak pero walang luhang lumabas. "Gugutumin niya ako. Ayokong kumain ng papel...gugutumin niya ako..."
"Ma'am Clio." Lumuhod ang matanda at hinahaplos ang mukha niya. "Huminahon kayo, Ma'am..."
"Katulad siya ni Papa, Sandra..."
May kumatok sa pintuan at nanigas bigla ang kalamnan ni Clio. Alam niya kung sino at feeling niya bumabalik ang mga pangyayari noon.
"Clio, mag-usap tayo. Buksan mo 'tong pinto," utos ni Tygo.
"Ma'am Clio, kakausapin ka ni Sir," pang aamo ni Sandra sa kaniya.
"Gugutumin niya ako..."
"Clio!" sigaw ulit mula sa labas ng pinto.
Matapos ang ilang katok ay biglang tumahimik ang paligid. Siguro sumuko na ang asawa at ayaw na siyang kausapin nito.
“Is he gone?” she whispered. Pero biglang bumukas ang pinto at napatili siya.
"Clio, ano bang..." Narinig niyang napahinto ang asawa ng makita siyang yakap-yakap ang basket ng pagkain. Tumingala siya ng konti at nakita niyang may hawak na susi ang lalaki.
"Sandra, mag-uusap muna kami please," tango nito sa kaniyang yaya.
"Sandra, huwag..." bulong niya rito.
"Sir, ano ho kasi..." Medyo tensed na rin ang yaya.
"I won't hurt her Sandra," assured na sabi ni Tygo. Tumango lang ang babae at walang imik na lumabas sa kwarto.
Tiningnan siya ni Tygo at lumuhod ito sa harapan niya. Akala niya ay kukunin ng lalaki ang basket kaya napakapit siya sa hawak at yumuko.
"Marami ka yatang dalang pagkain Clio," malumanay na sabi nito.
Hindi siya umimik.
"Gusto mo bang bigyan ako?"
Nagmulat siya ng mata at nakitang nakaluhod pa rin ito sa kaniyang harapan. Inirapan niya ito, "Tapos ka ng kumain, ‘diba?"
Ngumiti ang lalaki ng konti. "Mas masarap ata ‘yang dala mo. May cake pa oh. ‘Diba order natin 'yan noong isang araw?"
"Pagkain ang pag-uusapan natin?" walang tonong tanong niya.
Muntik nang maumid ang dila ni Tygo pero nakontrol nito ang tinig. "Bakit mo sinabi kay Odessa 'yong mga sinabi mo?"
Tumaas ang kilay niya. "Siya naman ang may sabi sa ‘kin kahapon..."
"I don't think na makakaya niyang sabihin iyan Clio," malumanay pa rin ang tinig nito. "Napanood mo ba sa TV?"
"Tygo anong ibig sabihin non?"
"Ahh...mga bad words 'yon Clio," sagot nito. "Dapat hindi sinasabi iyan."
"Eh, tinawag niya akong ganon eh," aniya.
"Clio..." Parang may warning sa tono nito.
"Tygo, hindi ka naniniwala sa akin kasi mahilig akong magsinungaling sayo noon?" prangkang tanong niya.
Medyo napalunok ang lalaki.
“Nag-sorry na nga ako sa kanila kagabi, ‘diba? Bakit, hindi naman siya humingi ng paumanhin ng insultuhin niya ako ng maraming beses.” Ngumiti siya ng mapakla na tila walang ganang kausapin ang lalaki. Pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa basket hanggang sa makaramdam siya ng sakit. "Ayoko ng humingi ng tawad sa mga pagkakasala niya, Tygo. Bahal na kung ikukulong mo ako rito o kahit na hindi mo ako papakainin…”
Napaatras ang lalaki. "Shi..ahem...Clio, hindi kita ginugutom. Sorry na kung 'yan ang feeling mo."
Tumingin ulit siya sa lalaki na walang emosyon.
"Sa ‘yo na ang basket. At para ma prove ko na hindi kita ikukulong dito ay doon tayo matutulog sa master's bedroom."
"Bakit?" She snorted.
"Kasi kapag kasama tayo sa isang room ay proof iyan na hindi kita ikukulong. Alangan namang dalawa tayong makukulong sa kwarto?"
Tiningnan niya ulit si Tygo at tinimbang ang mga sinabi nito. Oo nga naman, kung silang dalawa ang nasa loob ng kwarto, ay papaano siya ikukulong nito kung hindi ito makasamang ma lock?
"Hmm..." Tumayo siya at iniwan ang lalaking nakaluhod. Dumiretso siya sa master's bedroom, inilapag ang basket sa bedside table nito at humiga sa kama. Narinig niyang sumunod ang lalaki sa kaniya at napapailing nalang kapag tinitingan siya.
"Gusto mo bang manood ng TV?"
"No thank you." Umiling siya.
"Gusto mo bang basahan kita ng fairy tales na libro?" Malumanay pa rin ang tinig ng lalaki.
Medyo napukaw ang interes niya. "Okay."
Kumuha ito ng libro sa bookshelf na nasa loob ng kwarto rin at humiga ito sa kama katabi siya.
"Gusto mo ba ‘yong tungkol sa mga prinsesa?"
"’Yong mga hinahalikan ng prinsipe?" tanong niya.
"Maraming ganoong kwento," nakangiting sabi ng asawa.
Walang emosyon rin siyang sumagot, "Okay."
"Once upon a time..." panimula ni Tygo.
"Tygo?"
"Hmmm?"
"Walang good night kiss ngayon kasi galit ako sayo," prangkang sabi niya.
Nakaawang ang bibig ng asawa at tila hindi alam ang sasabihin. Si Clio pa mismo ang nagsara ng bibig ng lalaki at sinabi niyang, "Sige ipagpatuloy mo na ang pagbabasa."