8 - The Notebook (1)

1126 Words
2 Months later   PALAKAD-LAKAD si Clio sa napakalaking harding ng mga Nils habang pinapanood ang mga bagong tubong gulay. Tinuruan siya ni Jeff, ang hardinero, kung paano magtanim. Nagustuhan niya ang bagong libangan lalo na’t marunong na siyang magbungkal gamit ang iba't-ibang klaseng mga garden tools, magtanim ng seeds at seedlings, kunin ang mga d**o at gumamit ng organic fertilizers. Tinuruan pa nga siya ni Jeff paano gumawa ng compost.   "Come my little darlings, grow and multiply," she chuckled. ‘Diba sabi ni Tygo sa kaniya noon na kailangan niyang matuto at dapat hindi siya maging doormat? Kaya feeling ni Clio ay achievement na talaga ito.   Lumuhod siya at nagsimulang magbungkal sa isang bakanteng garden bed para i-translpant niya ang talong. She was having a peaceful bliss as her hands connected to the earth. At least naging stable ang emosyon niya kung ihahambing sa mga nakaraang linggo.   Tatlong linggo ng nasa China si Tygo at hindi siya kinausap nito  ni minsan. Naalala niya tuloy ang mga nangyari sa gabing party. Nahihiya talaga siyang malaman ng ibang tao na hindi siya gaanong marunong magbasa. Pero mas nakakatakot ang nangyari sa kaniya sa mga kamay ni Arnold..   "Kadiri ang bibig niya, yuck!" bulong niya habang inilipat ang talong sa garden bed.   Hindi niya alam kung bakit ba nilalapitan siya ng kamalasan. Simula nang magkaroon siya ng muwang, konti lang ang mga tagapagtanggol niya. Tila ba kakambal ng pait at sakit ang kasama niya simula sa kaniyang pagkamulat. She was used to pain that she was tired of defending herself anymore.   “Tygo…” She bit her lower lip as she remembered how he bursted into the room. She remembered how he put first aid on her and how his fingers caressed her head.    Parang may paru-parong pumatong sa kaniyang puso sa kasiyahang baka si Tygo ang super-hero niya kagaya ng mga prinsipeng iniligtas ang mga prinsesa sa mga napanood niyang cartoons. At hindi niya alam kung bakit may tumibok sa puso niya noong hinubad niya ang kaniyang damit sa harapan nito. She knew it was bad. Sinampal siya ng kaniyang ina ng dalawang beses noong naghubad siya sa harapan nito upang magbihis.   "Huwag kang maghuhubad sa harap ng mga tao ano ka ba Clio?" galit na sabi ng ina. "Bakit po hind pupuwede?" inosenteng sagot niya. "Sabihin niyo po sa ‘kin mama."   Slap!   Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Huwag mo itong gagawin ulit kahit kalian."   Pero may iba kay Tygo eh na hindi niya mawari. Alam niyang kinamumuhian siya nito. Sabi pa nga ni Tygo na hihiwalayan siya nito kapag nakakita ito ng tiyempo.    "Huwag naman sana." Biglang nanginig si Clio sa takot. Tygo always seemed to loathe her but he never raised his hand on her. Sa katanuyangan nga, mas takot siyang bumalik sa piling ng mga magulang.    Maybe that was one of the reasons why she had this reckless streak when he was around because deep inside, she trusted him.   Trust.   Ang salitang tila ipinagdamot ng tadhana sa kaniya. Hindi naman talaga siya pinagkakatiwalaan ng ibang tao kahit ng kapatid niya at ng yaya niya. How much more si Tygo, ‘diba? She did not even trust herself anymore. So, should she just give it to others lightly?   Pero baka iba talaga ang asawa niya…   Hindi lang niya talaga maintindihan kung bakit may chest pains siya kapag kasama ni Tygo ‘yong babae. “Ano nga ba ang pangalan non? Heather?” bulong niya habang pinahid ang pawis sa kaniyang noo. “Maganda siya pero ang baho ng perfume niya. Sana malunod si Tygo sa baho niya."   Hindi niya alam kung bakit ba inuuwi ni Tygo ang babaeng ‘yon. Magkukulong sila sa office ni Tygo ng ilang oras. At minsan pinagsabihan pa siya ng asawa na hindi siya puwedeng umistorbo sa dalawa. Ang ipinagpuputok ng butse niya ang minsa’y nakakasalo pa nila ang babae sa hapag-kainan.   Hindi niya alam kung bakit nanggigigil siya sa tuwing binibigyan siya ng napakatamis ng ngiti ng babae. At kadalasa’y tinatrato siya nitong parang isang bata o kaya inosenteng tao.   "Mukha ba akong bata ha?" tanong niya sa mga talong.   Nawala nga ang alaala niya at minsan ay para siyang bata umasta pero alam niya pa rin na matanda na siya. She was a full grown up woman!   "Siguro mangkukulam ang babaeng iyon." Napalakas ang boses niyang bulas sa mga halaman. Pero hindi umimik ang talong kaya nagpatuloy nalang siya paglipat nito mula sa punla hanggang sa garden bed.   Her heart strings seemed to be pulled one by one every single time that woman visited. Kaya isinusulat niya sa kaniyang journal ang bawat okasyon na bumibisita ang babae sa bahay. Baka may maitulong ang doktor sa bruhang ‘yon. Pero sabi ng doktor wala namang problema sa puso niya.   "Peromy heart stings from to time." Nalilito na siya sa mga medical jargons na ginagamit ng doktor. Actually, hindi niya talaga alam kung ano ang mga pinagsasabi ng mga doktor niya. Nababagot na kasi siya sa mga hospitals, clinics at everytime she saw a doctor ay wala na siyang pakialam sa mga pinagsasabi ng mga ito.   "Sabihan mo ang asawa mo na bumisita siya sa akin bukas," he simply said.   "But he's in China right now, "she announced.   "When he arrives back home then. Just rest and don't put pressure on yourself, alright?" he smiled.   She grinned back. "Okay."   "Maganda siguro ang China," bulong niya. Malapit lang ba ito sa Japan? Nasa Japan kasi si Bastien. Kumunot ang noo niya ng maalala ulit ang kaniyang kapatid. Wala na silang kontak sa isa't-isa sa loob ng anim na buwan. At medyo masakit isipin na baka nakalimutan na siya ng hero niya noon.   She never attempted to call him anyway because she forgot about his phone number. And when she asked her mother, Lara would just scoff at her.   "Ma'am Clio, hinanap po kayo ni Lydia," anunsyo ni Jeff.   "Ay butiking walang paa!" napasigaw siya sa gulat at nabitawan ang hawak na seedling. "Manong Jeff naman."   "Pasensya na ho ma'am," sabi ng matanda.   "Importante raw?" tanong niya habang pinulot ang halamang nahulog.   "Wala pong sinabi ma'am," sagot ng lalaki. "Ako nalang ho ang magpapatuloy niyan."   "Okay." Nakingiti niyang inihabilin ang kaniyang mga bagong babies kay Jeff at patakbong pumasok sa bahay.   Nakita siya ni Lydia sa hallway at sinabi, "Nasa opisina po si Sir Tygo ma'am."   "Andito na siya?" Dali-dali siyang tumakbo papuntang opisina. Malakas masyado ang pagkabukas niya sa pinto at napatalon si Tygo sa kinauupuan nito.   "You're looking for me?" she declared.   Hindi niya nakita ang asawa ng ilang linggo at excited talaga siyang masilayan ang mukha nito. Pero hindi masaya si Tygo nang makita niya. Pinandilatan nito ang kaniyang karumihan.   "Welcome back! How's China," she said breathlessly.   He clasped his hands behind his back and his posture was rigid. Clio straightened her back as she ran her fingers through her jeans, attempting to brush off the dirt from the garden.   Hinagod ulit ng lalaki ang kaniyang kabuoan bago galit na sinabing, "Why the hell didn't you tell me that you can hardly read and write?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD