7 - The Party (2)

1168 Words
HER movements were so fast that Tgyo didn't have time to react. Hinagod niya ang kabuoan ng asawa at napalunok bigla. Curvy si Clio seven years ago. He always preferred plump women pero never siyang nagkagusto sa babae.   Years were unsure how to treat her figure. Although she lost a lot of weight that she looked closer to a walking stick, he realized that her hips, butt and bust were the only ones left with more meat on her. Those body parts really looked heavy on her slender frame.   Pumasok siya sa banyo at kinuha ang isang first-aid kit bago bumalik sa kama. He saw that Clio sat cross legged while watching the photo frame on the bedside table.    "Steady," bulong niya bago pinahiran ang malapit na matuyong dugo sa leeg niya. Ang puti puti ni Clio, parang perlas sa kaputian at kakinisan. She reminded him of Snow White, skin as white as snow, lips as red as blood and hair as black as a raven.   "Itaas mo yung buhok mo," mahinang request niya. He also noticed that her neck was swan like and it really looked graceful under his gaze. He continued to trace the blood until he reached her right ear. "Ginawa niya 'to sayo?" malumanay na tanong niya.    Naramandaman niya ang panginginig nito bago tumango. “Oo.”   "Huwag mo na siyang hayaang lumapit sa ‘yo. Call me when you see him again, okay?” he insisted.   She whispered, "I'm so sorry if I spoiled your party, Tygo."   Tahimik lang siya habang nag-concentrate sa pagbibigay ng paunang lunas. Her hair strands continued to fall as he wiped cleaned her injured ear. Her bob cut was getting in his way, so he used his free hand to brush the tendrils away. Pagkatapos lagyan ng gauze ang tainga ng asawa, hinaplos muna niya ang mukha nito kasi medyo namumula bago dinama niya ulit ang maliit na bukol sa ulo niya. "Ano 'to?"   "Peklat sa operasyon," sagot ni Clio habang dinama rin ang bukol sa ulo. "May bald spots ba ako? Gusto kong tingnan minsan pero hindi ko alam ang tamang anggulo ng salamin."   He cupped her head gently and pushed it towards his chest. He looked down on her head as he felt her bumps. "Wala namang bald spots. Kung hindi ko nakapa ay hindi ko malalaman."   Umatras si Clio at ngumiti. "Mabuti naman."   "Kailan ka na operahan?" tanong niya bigla.   She shrugged. "I can't remember."   Tumayo ang lalaki at kumuha ng puting T-shirt sa closet bago ito ibinigay kay Clio."Suotin mo ito at pwede kang matulog dito. Huwag ka nang bumalik sa party. Ako na ang bahala."   She smiled and nodded. And she took off her bra –   "Anong ginagawa mo?" Napalunok si Tygo.   "Hindi ako makatulog kapag nagsusuot ng bra," she explained.   At doon na realize ni Tygo na puno pa rin ng kapilyuhan si Clio bagama't hindi sinasadya. Yumuko siya at napalunok nang makita ang magandang hugis ng boobs ni Clio.   It was his first time to see them actually. He clenched his hands and a pulse on his forehead ticked.   "Magpahinga ka na." Lumipat siya sa asawa at hinalikan ang noo nito bago lumabas.   He went out in a flash afraid that if he stayed longer he would do something more he would despise in the future. What made him kiss her in the first place? What made him offer his bed to her? Where would he sleep tonight if that nymph was occupying his haven?   "Damn," he muttered as went back to the party.   Eksaktong alas nuebe y media ng umaga kinabukasan nang nakapasok si Tygo sa bahay ni Arnold Zembrani. At nang makita siya ng lalaki ay awtomatikong napaatras ito. Walang sabi-sabing sinuntok ni Tygo ang lalaki at napaluhod ito.   "Alam mo naman siguro Arnold kung para saan iyan." Nagtitimpi siya sa galit. "Tao kitang inimbeta sa pamamahay ko pero ahas kang umalis." Napahawak ang lalaki sa panga. "Pasensya na talaga, Tygo. Nadala lang ako ng emosyon at ng alak kagabi."   Umupo si Tygo sa sofa at tiningnan ang nakaluhod pa ring lalaki. "Naiintindihan ko kung bakit galit ka kay Clio. Marami tayong hindi masaya sa mga kagagahan niya pero alalahanin mo rin na ang mga Vivocente at Nils ang nagpapasok sayo sa isang mas tanyag pa na unibersidad bilang pampalubag loob."   Tumango lang ang lalaki.   "Mabuti nalang at pumunta ako ng library sa panahong iyon kasi may kinuha ako," siwalat ni Tygo. "iniisip ko tuloy kung ano ang gagawin mo kapag hindi ako nakapunta roon."   "Harmless lang talaga Tygo," nanginginig na si Arnold.   "Harmless?" Nanlilisik ang mata niya sa galit. "Harmless!" at nagpakawala siya ng isang napakalakas na sampal.   "So-sorry na talaga Tygo," umiiyak na si Arnold.   "Gusto mo bang sabihin ko sa mga Howards ang ginawa mo?" tanong niya.   Nanlaki ang mga mata ni Arnold. Hindi nito alam kung ano ang gagawin kapang sinabihan ni Tygo ang pamilya ng fiancé ng lalaki. Nanginginig na si Arnold sa takot at pinagsisihan ang padalos-dalos na aksyon kagabi.   Seryoso si Tygo. "Pwes layuan mo si Clio. Huwag kang nang magpakita sa kaniya."   Tumango ang lalaki habang hawak-hawak ang dumudugong bibig.   "Huwag kang mag-alala, Arnold, financer pa rin ako sa balak mong bagong negosyo," pormal na sabi niya."Walang kinalaman ang lahat ng ito sa negosyo. Personal na dahilan ang pinunta ko rito,  naiintindihan mo ba?"   Utal na tumango-tango ang lalaki. "Sa-salamat talaga Tygo. Pasensya ka na ulit." "Quits na kayo ni Clio sa aspetong ito." Nagpakawala siya ng hininga at tumayo. Sa totoo lang naawa siya sa lalaki kasi hindi naman talaga madali ang pinagdaanan niya sa kamay ni Clio. Mabait si Arnold, matalino at magaling sa negosyo. Malas lang talaga niya kasi nakilala siya ni Clio noon.   Pero hindi niya matanggap na sinaktan ni Arnold ang asawa kagabi. Asawa niya pa rin si Clio. At po-protektahan niya ang kaniyang pamilya.   "Arnold bago ko makalimutan." Lumingon ulit siya sa lalaki. "Kung may nalaman ka pang mga taong sinaktan o pinaglaruan ni Clio noon – sabihan mo sila na asawa ko na siya. At gusto ko silang kausapin ng masinsinan."   Napatunganga lang si Arnold habang pinanood ang pag-alis ni Martin Tygo Nils. Hinahangaan niya talaga ito noon pang college years at malaki ang utang na loob niya rito – lalo na ito ang pumunta sa director ng university para makiusap na hindi siya i-expell. Pero nung na kick out pa rin siya ay ito mismo ang naging backer niya para makapsok siya sa ibang eskwelahan. Si Tygo at si Sebastien Vivocente, ang kuya ni Clio, ang nagtiwala sa kaniyang kakayahan. Ang mga ito pa ang nagpapasok sa kaniya sa kompanya ng Nils.   Malaki ang utang na loob niya rito. Alam naman niya na mali ang nagawa kagabi. First time niyang magbuhat ng kamay sa isang babae at hindi siya proud roon.   Masuwerte pa rin si Clio kasi natupad nito ang pinangarap noon – ang maging Mrs. Martin Tygo Nils. At ang malas ni Tygo dahil sa isang babaeng tulad ni Clio ito nagpakasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD