DUMIRESTO si Tygo sa kumpanya pagkatapos niyang makabalik sa Namerna. Successful ang business venture niya sa China at dapat maligaya siya sa balitang ito pero walang kasihayan ang nadarama niya. At hindi niya alam kung bakit.
"Sir, good morning," gulat na bati ng isa sa mga managers niya.
Gusto niyang tumawa sa hitsura ng lalaki na para bang nagimabal nang makita sa kaniya. Kaya tango at tipid na ngiti lang ang isinukli niya rito.
"Welcome back, Sir Tygo," nakangiting bati ng sekretarya niya.
"Kamusta rito, Val?" tanong niya habang pumasok sa opisina.
"Sir, regarding po sa merging ng Empire Phoenix at XFT..." At idinetalye nito ang report.
Diligent talaga itong si Valerie mag update sa kaniya kung ano ang takbo ng kumpanya sa loob ng tatlong linggong andon siya sa China. May tiwala naman siya sa Vice President, ang pinsan niya, pero gusto pa rin niyang malaman ang mga pasikot-sikot na nangyari sa kumanpanya na hindi na i-report ng ibang mga opisyal sa kaniya. Si Valerie ang espiya niya at napatunayan nito ang loyalty sa kaniya sa loob ng ilang taon. He simply trusted her.
"Ano ulit?" tanong niya.
"Tumawag po ang sekretarya ni Dr. Cordova tungkol po sa cardio results ni Mrs.Nils," sagot nito.
"Kay Mama?" Tumaas ang kilay niya. Hindi naman kasi tumatawag ang mga doktor ng ina regarding sa medical results nito.
"Kay Mrs. Clio Xanthe Nils po," sagot ni Valerie.
"Oh. Ibigay mo sa ‘kin ang address at tawagan mo rin sila kung pwede bang maka singit ako ng alas tres y media," utos niya sa babae bago niya binasa ang mga papeles sa desk.
He never realized that the time flew fast until his secretary reminded him of his appointment with Dr. Cordova. The mere mention of the doctor's name sent him to a spiral of unwanted thoughts towards his wife.
"Damn," buntong hininga niya. Pumikit siya at pinindot ang nose bridge niya habang pilit niyang alisin sa isipan ang histura ni Clio na nakahubad.
That night, an urge to mark her with kisses came as fast as a bullet train. He was battling with reason and passion to get back to her and show her who's the boss in the house. But he was scared about the lust he felt for her that he never went back to his room again.
'Is she sleeping in my room?' isip niya. Simula ng gabing ‘yon, lumipat na siya ng barracks kasi sa hindi malamang dahilan, natakot siyang hindi niya mapigilan ang sarili at baka makuha niya ang asawa. It should never happen because he hated her after all. He placed his face on his palms and groaned, "Oh God, I still can remember her smell."
Dali-dali siyang tumayo at nagligpit bago lumabas ng building. Dumiretso siya sa clinic ng doktor ni Clio. Nagtataka siya kung bakit napakalapad ng ngiti nito ng makita siya.
"Gusto talaga kitang makita two weeks ago pero sabi ni Clio nasa China ka raw," Dr. Cordova guided him to a chair.. "Welcome back.".
"Salamat. Ngayong umaga lang ako sinabihan ng sekretarya ko," kalma niyang sabi nang makaupo na siya.
"May mga interesting findings ako sa asawa mo. Sigurado akong hindi maiintindihan ni Clio ang mga ito kahit na ipapaliwanag ko sa kaniya,” saysay ng matandang lalaki.
Binigay nito ang isang notebook at nang buksan ni Tygo ay napakunot noo siya.
“What the heck is this penmanship?” he muttered as he flipped through the first few pages. Parang four year old na bata ang sumulat. Mukhang mas maganda pa ang sulat-kamay ng isang bata kaysa nabasa niya.
He glanced at the doctor and the man in front of him smiled. "That is your wife's report."
Tiningnan ulit ni Tygo ang mga notes bago inangat uli ang mukha. "Ha? Pero hindi ko maintindihan. Code po ba ang mga ito?"
The doctor tried not to widen his smile as he replied, "Mr. Nils, iyan rin ang reaksyon ko nung una kong makita ang journal. Until I let Clio explained it to me."
"At - ?"
"Base sa interview ko, nahihirapan talaga siya sa pagsusulat ang pagbabasa. Although I know a little of her amnesia case, I still called some of her specialists and I was surprised by what they told me."
"Alam ko hong nawala ang memorya niya pero hindi ko alam na hindi pala siya marunong sumulat at magbasa. Is this like regression or something?" tanong niya sa doktor habang tinitingnan ulit ang mga scribbles ng asawa.
"I'm not good in explaining things when it comes to personality theories. What I learned from her other specialists, was nag rupture ang brain tumor niya. She died during the operation but they managed to get her back," Dr. Cordova neutrally said.
“I didn’t k-know…” Biglang namutla si Tygo at biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan. Ba’t hindi sinabi ng mga Vivocente ‘to sa kaniya before the wedding?
"Na coma siya for eight months," patuloy ng doktor. "They decided for euthanasia but she got well.”
Walang nakakaalam sa kanila kung ano ang nangyari kay Clio seven years ago. To be honest, almost everyone assumed -including the other family members of the Vivocente family- that they hid Clio in another country. In time, nakalimutan na rin ng mga nakakarami ang existence ng babae.
They actually never knew that she died for a couple of minutes. Pero kung namatay si Clio noon, ano kaya ang magiging reaksyon nilang lahat?
"Mr. Nils, masasabi nating milagro talaga noong nagkamalay siya. The brain is very tricky and yet they are surprised she was like a newborn baby."
"Like regression?" Tygo took an interest in Psychology back in his university days.
"Hindi ko alam kung paano i-label ang kaso ni Clio," prankang sagot ni Dr. Cordova. "The interesting thing was she became a slow learner after she regained consciousness. Dalawang taon ang ginugol nila bago siya makalakad at makapag salita. Another couple of years before she was able to write letters."
Tygo traced the letters on the notes, remembering Clio of the past who wrote him cheesy love poems. Ngayon hindi na alam ng asawa kung paano sumulat ng tamang ABCs.
Doctor Cordove looked at him, wondering as a husband why he never knew about this. But the man in front of him tried not to be nosy. “Actually, Clio came to me because she said she was suffering from chest pains.”
Tumango siya. “I remember her telling me na bumisita siya rito. She said it was all okay.”
The doctor handed him another piece of paper. “Na transcribed ko kung ano ang nakasulat sa journal based sa interview ko sa kaniya.”
March 1
Andito na naman si Tygo kasama ang babae. Ika-apat na 'to ngayong buawan. Masakit ang dibdib ko.
March 5
Andito na naman yung babae. Nasa loob sila ng office ni Tygo. Biglang sumakit ang dibdib ko.
March 8
Alas nuebe ng gabi at pumunta ang babae rito para kausapin si Tygo. Masakit ang dibdib ko.
March 12
Dinala ulit ni Tygo ang babae. Sabi niya na dito raw kakain ang babae. Ayoko ang ibinibigay na tingin niya kay Tygo. My chest hurts.
March 16
Ngayong gabi ay party at nasa kwarto na ako ni Tygo. Biglang sumakit ang dibdib ko kapag naalala ko ang babae. May ibinulong si Tygo sa kaniya at tumawa pa ang babae. Maganda siya ngayon, kulay green ang suot niyang damit. Elegante siyang tingnan. Sigurado ako na magugustuhan siya ni mama.
March 21
May chest pain na naman ako. Napapansin ko na inaatake ako ng kirot sa puso kapag bumibisita ang babae. Andito na naman siya kaninang alas sais ng umaga. Naglalakad ako sa corridor at binati niya ako. I ignored her. Gusto kong umiyak sa sakit na nadarama noong nakita ko silang dalawa sa hapag-kainan. At saka, her perfume makes me dizzy. I hope Tygo drowns in her bad smell.
March 30
Sabi ni Tygo ay pupunta siya ng China. Gusto ko sanang pumunta rin roon kasama niya kasi I never remember going out from Paradise City. Pero feeling ko na kasama na naman niya ang mabahong babaeng iyon. My chest hurts remembering her and him. Feeling ko talaga mangkukulam ang babaeng iyon. Baka kaya isinumpa niya ako?
"You understand why I told you that her heart is healthy?" the doctor asked.
Namula si Tygo at tumango kasi hindi kayang bigkasin sa doktor ang mga hinala niya.
"She's plainly jealous of a certain woman who spends time with you," the doctor supplied.
"Wala akong ibang babae, doc. Pero base sa mga petsa, si Valerie, ang aking secretary, 'tong tinutukoy ni Clio rito. Bago ako lumipad ng China ay halos araw-araw kami nag o-overtime at minsan ay napapadalaw si Valerie sa bahay kapag importante talaga," Tygo softly said. Bigla niyang naalala na masyado siyang busy or galit sa presensya ni Clio kaya hindi niya naipakilala ang asawa sa sekretarya niya.
"Base sa mga notes ay hindi niya alam na nagseselos siya. I don't know about her other medical results pero normal naman ang cardio niya."
Umalis siya ng clinic na hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman sa balitang natanggap. There were many questions lurking in his mind but he knew that they could wait. He was still tired from his China trip and the news was not a light issue also.
"Tawagan mo si Clio," utos niya kay Lydia pagdating sa bahay. "Nasa office ako."
He was pacing back and forth after thirty minutes that his wife didn't show up. What the hell was wrong? He wanted to get out when he heard footsteps running towards the study.
Slam!
"You're looking for me?" she exclaimed.
Tiningnan niya ang hitsura ng asawa. Marumi ang T-shirt at jeans nito, magulo ang buhok at may bahid na putik sa mukha. She reminded him of a messy child whom he met years ago.
"Welcome back! How's China?" she asked breathlessly.
He wanted to open his arms and embrace her but instead he clasped his hands behind his back. He wanted to tell her that everything will be alright but instead he blurted, "Why the hell didn't you tell me that you can hardly read and write?"
Namilog ang mga inosenteng mata ni Clio. "Pa-paano mo nalaman?"
Uminit ang mukha ni Tygo. "Ano ka ba, Clio? Siempre malalaman at malalaman ko rin ang lahat."
"Nakalimutan ko lang," bulong nito.
"Papaano mo malilimutan ang importanteng bagay na iyan? And to think I gave you a huge responsibility at the party," he proclaimed.
"Naging okay naman ‘diba? Nagpatulong ako kay mama at sweet rin si Derek," sagot nito.
'Derek was sweet?' he angrily thought.
"Three days from now, may tutor ka na," agad na desisyon ni Tygo.
Biglang namutla ang asawa. "Tu-tutor? Ayoko! Gusto kong mag-aral sa isang eskwelahan."
"Papasok ka rin naman sa skwelahan. Home schooling nga lang at ang teacher mo ay ang tutor mo," Tygo explained.
"No, I don't want a tutor.” She stomped her right foot in emphasis.
"Hindi mo mababago ang desisyon ko tungkol rito Clio," pinal na sabi niya. "I know what's best for you."
She puckered her lips as she thought of something. His wife, even when she lost all of her memories, still got the spunk that he knew. And he was glad that Clio was not able to realize that.
Bumuntong hininga ang babae. "Sige na nga pero may deal ako sa ‘yo."
Tumaas ang kilay niya. "Ano?"
"Patirahin mo si Marcu at Sandra rito," walang kiyemeng sagot ng asawa.
He almost forgot about her nanny. Plano naman talaga niyang kunin ang yaya nito kaso naging busy siya sa trabaho. Pero hahayaan niyang isipin ng asawa na nakipag-negotiate talaga ‘to sa kaniya.
Ngumiti siya at sinagot ang asawa ng, "It's a deal!"