12 - Two Million Sorry (3)

1465 Words
NAPATINGIN si Tygo sa grandfather clock at napakunot-noo nang hindi pa nagpapakita si Clio. Hindi naman siya bobo para hindi mahalata na umiiwas ang asawa sa mga magulang nito kaya hindi niya pinipilit. The weirder thing was, her parents did not look for her after how many hours he had been in the house.    He gently massaged his nape after feeling some tension over his conversation with Bastien earlier.   "Bro, bakit?" tanging tanong ng lalaki nang magka-usap sila sa study room.   He just shrugged his shoulders as he looked around. It was here when he first saw his wife after seven years. Akala niya noon na para kay Duke ang mga colorful set up ng silid at mga pambatang learning tools na kahit saan nakalagay at nakasabit. It was meant for Clio Xanthe.   "Are you up for revenge?" prangkang tanong ulit ni Bastien.   Tiningnan niya ang kaibigan."Sinunod ko lang ang nakasaad sa testamento ni Papa. Besides, naging okay naman ang estado ng kumpanya niyo simula nung maikasal kaming dalawa, right?”   Bumuntong hininga si Bastien. "”Sumunod naman kami sa kasunduan natin. We never brought her name whenever you're around, we never even brought her to public..."   "Why?" Curious talaga siya kung bakit tinago nila si Clio for seven years.   Samu't-saring emosyon ang makikita sa mukha ni Bastien bago ito sumagot, "She's too vulnerable. People take advantage of that."   "Hmm…” He tought of what happened in his library when Arnold harassed Clio.   "Kaya hinihiling ko bilang kaibigan mo, huwag mong saktan si Clio Xanthe.” May sumamo sa tinig ni Bastien. "Hindi ko naman hiningi na patawarin mo siya kasi masyadong malaki talaga ang danyos na nagawa niya."   "Bro, alam mo namang hindi ako nagbubuhat ng kamay sa mga babae," tipid niyang tanong.   "Hindi ko rin hinihingi sa ‘yo na mahalin mo siya. Just look after her," sagot nito, "and if you find the love of your life, please make the divorce clean."   Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit sa mga pinagsasabi mo, bro."   Bastien sadly smiled. "I'm just being practical. I know na napipilitan kayong dalawa lalo na sa parte mo. If ever hindi mo na kaya, iuwi mo na lang siya sa akin."   Alam naman ni Martin Tygo na Bastien really loved his sister noon pa man. Nasosorpresa pa rin siya makarinig ng katagang pagmamahal mua rito. Hindi kasi siya maka relate ng sibling love kasi nag-iisang anak lang siya.   "Promise," sagot niya.   Kaya stressed ang feeling niya ngayon kasi hindi niya alam kung ano ang posisyon niya talaga sa relationship nilang dalawa ni Clio. Though naaawa siya sa kalagayan ng asawa pero hindi parin nawawala ang feelings of hate and wariness kapag naalala ang mga nagawa ng babae.   "Tito Tygo," bati sa kaniya ng anak ni Bastien at Daphne. Naka upo ito sa hagdanan at kumakain ng ice cream.   May konting kirot sa puso niya nang masilayan ang anak ng best friend at former fiancé niya. If Clio didn't enter the picture, this child could have been his... Sigh! Pero wala nang panahon para sa mga what-ifs. This was his reality.   "Mukhang masarap yang kinakain mo Duke, ah,” nakangiting sabi niya rito.    Ngumiti ang bata at gusto niyang tumawa sa hitsura nito. May missing front tooth siya at puno ng chocolate ice cream ang mukha niya. But his golden eyes were really arresting.   "Favorite ko 'tong chocolate ice cream kasi," may kilig na tono na balita ng bata, "hindi ko matiis."   Tumabi siya kay Duke. "Katulad ka rin ng Tita Clio mo. Mahilig rin 'yon sa mga chocolates."   Namilog ang mga mata ng bata, "Talaga? She never told me that before. Ang sabi niya ang gusto niya yung mocha flavored foods."   "She told you that?" tanong niya ulit.    "Do you know na halos magkaklase kaming dalawa ni Tita Clio noon sa primary school?" Duke announced nonchalantly.   His eyebrow raised.  "I didn't know that."   “Hindi siya marunong magbasa at minsan pinagtatawanan siya ng ibang bata. She was trying her best pero hindi pa rin niya kaya so I helped her," kuwento nito.   "Hmmm..."   "But then Mommy got angry when she saw Tita one day," sabi nito habang kain ng kain pa rin ng ice cream.   "Ang tindi ng memorya mo Duke," bigkas niya. He smiled. "Ang galing ko talaga sa memory, Tito. Feeling ko nga memorized ko na lahat ng bagay sa isang tingin lang..."   Photographic memory! Nasorpresa si Tygo ng mapagtanto ang gift ni Duke.   "I was so scared for Tita Clio back then." Duke looked at him with huge golden eyes that seemed to penetrate his senses. "Pero it turned out na kapatid pala siya ni Daddy kaya I'm so happy na she's my aunt."   "I'm sure na she's happy too," sabi niya. Biglang may lumapag na lamok sa kamay niya at hinampas niya ito. “May lamok.”   "Oh?" Duke looked at his arm. "Kagaya nung nangyari kay Tita Clio kanina."   Napukaw na naman ang interes niya. "Anong nangyari kanina, Duke?"   Sumubo muna ito ng ice cream bago nagsalita, "Pinatay din ni Lola ang lamok sa mukha ni Tita Clio kanina."   At first hindi niya makuha ang ibig sabihin ng bata ngunit na realize na ang mensahe nito. He turned to his nephew and asked, "Are you sure?"   Tumango ito habang tinitingnan ang kinakain. "She hit Tita’s face twice. Hindi kasi alam ni Lola na naglalaro kami ni tita ng taguan. Sure ball na patay talaga ang lamok sa lakas ng impact."   Tumayo si Martin Tygo dahil hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman sa mga sandaling iyon. He inhaled deeply. "Duke alam mo ba kung saan ang Tita Clio mo?"   Duke glanced at him. "I think she's still in her room. Pinuntahan ko siya kanina para imbitahing kumain ng ice cream. Sabi niya she's not feeling well daw. Siguro sa lamok, Tito?"   He getlntly ruffled Duke’s hair one last time and went up to Clio's bedroom. Alam niya pa rin ang pasikot-sikot nito kasi ilang beses na rin siyang nakapunta rito in the previous years.   Kumatok siya at nang hindi nito sinagot ay sinabi niyang, "Clio, alis na tayo." Napangisi siya nang marinig ang mga bakas ng paa na tila nagkukumahog sa pagkilos. At ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Tumingala si Clio sa kaniya at parang batang excited na nagsalita, "Talaga? Halika na."   Halos patakbo itong lumabas ng bahay at pumasok sa kotse. Hindi pa rin ito humarap sa mga magulang. He wanted to confront her parents pero Clio was impatient to get home. She kept on calling his name that he had no choice but to say brief goodbye to the Vivocentes before getting inside the car. He wanted to talk to her but she turned on the music louder. He smiled at her tactics on evading to talk to him.   Tumakbo ang asawa sa sarili nitong kuwarto at doon nagmukmok hanggang matapos ang hapunan. Sinabihan na niya si Sandra na alagaan si Clio at huwag piliting lumabas kung ayaw nitong makasalamuha ang iba.    Pumasok muna siya sa study at tiningan ang mga pending na mga important reports bago umakyat sa Master's bedroom bandang alas dies ng gabi. Kung nagulat man siya na nakita si Clio roon sa kama ay hindi siya nagpahalata.   Nag-ayos muna siya ng sarili bago tinabihan ang asawa habang nanonood ito ng Courage, the Cowardly Dog. Akala niya matutulog na ‘to pagkatapos ng palabas pero nagka-interes na naman ito sa isang cartoons ukol sa Fables and Parables. The Boy who Cried Wolf ang topic sa gabing ‘yon at naaaliw si Tygo habang tinitingnan ang asawang engorssed masyado sa palabas.    IIlang minuto pa ang ginugol nila sa panonood bago sila nagdesisyon na matulog na. Humiga na silang dalawa sa kalagitnaan ng kadiliman nang biglang nagsalita si Clio, "Tygo, katulad ba ako ng The Boy who Cried Wolf?" halos bulong nito.   "What made you say that?"   Her voice was soft like the pillow that he was using.  "I don't know but I can feel it..."   He sighed. He placed his arms under his head and stared at nothingness.   Clio almost whispered, "Tygo, if ever ba humingi ako ng tawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko noon – mapapatawad niyo pa ba ako?"   He did not reply.   Paano niya sasabihin dito na as of the moment ay hindi pa niya napapatawad ang babae? Paano niya sasabihin rito na dahil sa ginawa ni Clio ay hindi na maibabalik ang nakaraan?   He stared at the darkness for a while before responding, "Kung magsusulat ka ng two million sorry baka magbago pa ang isip ko."   Then he turned on his side and slept.   What Martin Tygo Nils did not know was, Clio took his words to heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD