"KUYA Bastien! Akala ko hindi ka na babalik." Maluha-luha siyang lumapit dito nang maka-tiyempong makausap ang kapatid ng mag-isa.
Niyakap siya ng mahigpit ni Bastien at nakita niyang medyo napapaluha rin ito. "Kamusta na ang paborito kong kapatid?"
Sinuklian niya ang yakap nito ng halik sa pisngi at bumulong, "Sama nalang ako sa inyo pabalik ng Japan, please."
"Clio, may asawa ka na." He ruffled her hair. "Alam mo namang bumabawi pa ako kay Daphne at Duke ngayon."
Medyo nanginig ang kalamnan ni Clio nang marinig ang pangalan ng asawa ng kuya niya. Hindi niya talaga mawari kung bakit takot siya sa babae.
"Asan si Tygo?" tanong niya.
"Kausap sina Mama at Papa sa loob," sagot ni Bastien. "Gusto mong makita si Mama?"
"Ahhh...huwag muna kasi..." Hindi niya alam kung pano lulusot dito. Sa totoo lang, hindi siya nagsusumbong sa kapatid kapag sinasaktan siya ng ina o ama. Ilang beses din siyang pinagbantaan ng mga magulang at ayaw niyang ma-stress ang kapatid sa kaniya.
"Okay ba ang trato sa ‘yo ni Tygo?" May halong pag-aalala ang tono ni Bastien. "Pinapagalitan ka ba? Teka nga, bakit pumayag kang magpakasal?"
"Eh ano kasi..." She plucked the button on his polo shirt. “Kuya, ang ganda ng butones mo. Kulay gold.”
He snorted. “Clio…”
"Tita Clio!" Isang matinis na tinig ang umalingawngaw."I miss you."
Lumundag ang puso niya nang marinig ang tinig ng kaniyang pamangkin. Kumalas siya sa yakap ng kapatid at sinalubong ang paparating na bata. "Duke! Come and hug Tita."
Lumuhod siya at inilahad ang mga kamay. Lumapit ang batang lalaki at yumakap sa kaniya ng napakahigpit. Hinalikan niya ang magkabilang pisngi nito at kiniliti ng maigi. "Ang laki laki mo na. Kamusta ang Japan? Maganda ba?"
"Opo, sobrang linis ng lugar." Namimilog ang kulay gintong mga mata nito. Sa lahat ng mga nakita niya, si Duke ang may pinakamagandang mga mata. Nakuha nito ang dark looks nilang mga Vivocente pero nakuha naman nito ang kulay ng mata sa pamilya Valera.
"Hindi ka ba inaaway ng Daddy Bastien mo?"
"Inaaway niya po ako, Tita.” The little boy pouted.
Tumawa si Bastien. "Duke, lying is not good."
"But I love Daddy and Mommy so much!" sigaw nito.
May narinig silang tumawag sa pangalan ni Bastien at Duke kaya tumayo si Clio at hinila ang kamay ng pamangkin. "Gusto mo bang maglaro tayo sa hardin?"
"Yes.” He eagerly nodded.
"Kuya, ikaw na ang bahala kay Mama." Natatawa siya kasi nakahanap siya ng tiyempo upang ‘di makaharap ang mga magulang. "Bye, bye."
"Cli-" Pero naputol ang pagtawag ni Bastien kasi tumakbo na ang dalawa papalayo.
"Tita Clio, I really hope that you can visit us in Japan. I'm going to show you around," pagmamalaking sabi nito. "I even know how to speak Nihongo now."
"Mabuti ka pa," nakangiti niyang sabi sabay kurot sa pisngi nito.
"How's your reading, Tita?" tanong ng bata. Si Duke minsan ang nagtuturo sa kaniya kung paano basahin ang mga simpleng salita. Siguro napapakamot ang ibang tao kapag nakikita silang dalawa - limang taong gulan ang nagtuturong magbasa sa isang bente singko anyos na dalaga.
"May tutor ako ngayon at tinuturuan niya ako," sagot niya.
"Nahihirapan ka pa rin ba sa pagbabasa?" He squeezed her hand gently. This little boy understood more things compared to other adults. Like her.
"Oo..."
"Makakaya mo 'yan, Tita," encouraged nito. "Tuturuan kita ng Nihongo sa future.”
"Sige.” Her smile softened at Duke’s words. Sana magiging successful si Duke paglakit nito. Sana hindi ‘to matulad sa kaniya na minamalas sa buhay. She looked at his golden eyes and asked, “Anong lalaruin natin ngayon?”
"How about hide and seek? Ako ang taya," excited na bulas ng bata.
Nagtago si Clio sa likod ng malaking kahoy and Duke found her in less than two minutes. Ngayon, siya naman ang taya. "Ready or not here I come," sigaw niya.
Muntik na siyang mapatili nang paglingon niya ay ang galit na mukha ni Laura Vivocente ang nakita.
"What are you doing, Clio?" Her mother’s black eyes were piercing her soul.
Unconsciously na umatras siya. "Naglalaro po kami ni Duke."
"May asawa ka na at may guts ka pang mag-astang bata?" her mother seethed. “How many times do I have to tell you that you’re twenty seven years old!”
"Mama..."
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Buntis ka na ba?"
Nagulat siya sa tanong nii Laura at nablanko ang isipan niya ng ilang saglit. Tinanong ulit siya nito at umiling siya.
Hindi napaghandaan ni Clio ang sarili nang nagpakawala ang ina ng isang malutong na sampal. Napaatras siya sa pwersa .Nasapo niya ang kaniyang pisngi at napatingin sa ina. "Bakit po, Mama?"
"Are you sleeping with your husband?"
Minsan natutulog siya kasama si Tygo sa iisang kama kaya tumango siya.
"Kailangan mong magkaanak sa loob ng madaling panahon.” Nagtitimpi sa galit na anunsyo nito.
"Bakit po?"
"Para may panghawakan ka, gaga," sagot ng ina. "Kung hindi ka magkakaanak ay malamang na ididiborsyo ka niya. At least may panghahawakan ka kung may anak kayo."
"Pero mama ayoko ko hong - "
Slap!
"Sa tanang buhay mo Clio Xanthe wala ka talagang nagawang maganda. Hindi ko nga alam kung bakit kami pinarurusahan ng Diyos nang maisilang ka," sagot nito, "retribution talaga ito sa pag spoil naming sayo noon."
Hindi siya makasagot kasi hindi niya naiintindihan kung ano ang mga pinagsasabi nito.
"Mama, ano po ba talaga ang nagawa ko noon?" biglang tanong niya.
Nanlilisik ang mga mata ng ina, "you hurt many people...you hurt his father..."
"Sino po?"
"Ah basta, kung hindi kayo makakagawa ni Martin Tygo ng baby ngayong taong ito ay huwag ka nang magpapakita sa mga Vivocente kahit kailan," galit na balita ng mama niya bago ito umalis.
Naiwang nakatunganga si Clio habang sapo sapo ng kaniyang pisngi. Hindi naman siya immune sa sakit kahit makailang beses siyang nasampal ng ina noon. Why would she threat her with the Vivocente name again this time? Sa totoo lang, okay lang sa kaniya na hindi makita ang mga magulang. Huwag lang ang kapatid.
"Tita Clio!” Patakbong lumapit si Duke sa kaniya at kinuha ang kaniyang kamay. “Anong ginawa ni Lola sa’yo?”
"Narinig mo ang pinag-usapan namin?" Medyo nabahala siya kasi nakita ng pamangking ang pagbubuhat-kamay ng kaniyang ina.
Umiling ang bata."Medyo malayo kasi kayo pero nakita ko si Lola na..."
"Ah ano kasi, may lamok sa pisngi ko kaya pinatay niya," bigla niyang sagot.
"Ganoon ba?" The gold in his eyes seemed to flicker as he looked at her which made Clio uncomfortable.
Sasagot sana siya nang biglang sumulpot si Daphne at tinawag si Duke upang kumain. She looked down at her nephew. “Duke, tawag ka na.”
Duke looked at her as if trying to analyze what he saw earlier. He squeezed her hand. “Sabay na tayo, Tita.”
"Ah ano kasi may pupuntahan pa ako sa kwarto ko. Ikaw lang muna. Bye bye," bilis niyang sagot at halos kumaripas siya ng takbo patungong kwarto niya.
Dumiretso siya ng banyo at nakita ang hitsura sa salamin. Napalakas talaga ng ina ang pagsampal kasi medyo namumula ang kaniyang pisngi. Makailang beses siyang naghilamos siya ng malamig na tubig hanggang sumakit ang mata niya’t ilong. She scrubbed her face roughly until she felt that her skin tingled. She then plopped on the bed and looked at the ceiling.
"Paano ba gumawa ng baby?" biglang tanong niya sa hangin.