"MARTIN Tygo, kamusta ang pagbisita mo sa mga Vivocentes kahapon?" tanong ng mama niya habang nag-aalmusal sila.
"Malaki na po ang anak nina Bastien at Daphne," sagot niya.
His mother sighed and shook her head. "Sayang si Daphne."
"Mama.” May warning sa tono niya at unconsciously napatingin kay Clio na waring may sariling mundo habang sumusubo ng tinapay.
"Tygo, kumain ka ng handa kong mango cake," sabat ni Odessa habang nilalagyan ang kaniyang plato ng cake.
Clio glanced at the cake on his plate and he smirked. He took one slice and placed it on her plate. "Tikman mo kung masarap ba."
"Ano ‘tong mga nakapatong?" nagtatakang tanong ni Clio.
"Mango bits ‘yan," sagot naman ni Odessa.
She took a small portion and ate it. Her eyes widened. "Bakit ang asim ng mangga? Hindi ko malaman kung ano ang tamang lasa nito kasi nag-aaway ang asim at tamis."
Namula si Odessa at siya naman ay gustong tumawa sa sinabi ng asawa. Kumain rin siya ng isang portion at gusto niyang iluwa kasi hindi nga masarap. Pero ngumiti siya kay Odessa. You can do better next time."
"Tama ba ako na hindi masarap?" tanong ni Clio habang iniluwa ang mango cake sa plato. Kumuha ito ng napkin at pinahid sa bibig.
"Clio Xanthe!" bulas ng ina, "Don't be rude."
"Saang banda po ako naging rude?" balik tanong ni Clio.
"You – you!” Namumula na rin sa galit ang kaniyang ina. At nang di malaman kung ano ang sasabihin ay tumingin ito sa kaniya. "Martin Tygo, disiplinahin mo ‘yang asawa mo. Ano nalang ang sasabihin ng aking mga amiga kapag narinig nila ang mga basurang lumalabas diyan sa bibig niya?"
He glanced at his wife. "First time mong kumain siguro ng mango cake kaya naninibago ka sa lasa."
But she just shrugged and focused on drinking her milk instead. Martin Tygo smiled and continued eating while listening to his mother and Odessa’s conversation about different recipes. Napag-isipan niyang magpapabili siya ng chocolate flavored cupcakes mamaya sa kaniyang secretary. Pupunta kasi rito si Valerie para magpapapirma ng mga documents. Nagplano siyang manatili sa bahay ng mga ilang araw at titingnan ang progress ni Clio sa education nito.
What a lame excuse Martin Tygo! Sigaw ng isip niya.
Pilit niyang iwaglit ang mga issues tungkol sa asawa at pagtuunan pansin ang trabaho nang makita niyang tulala si Clio habang tinitingnan ang baso ng gatas sa harapan niya.
"Clio, pupunta rito si Valerie, magpapabili ako ng cupcakes. Ano ang gusto mong flavors?" tanong niya rito kahit na nakapagdesisyon na siya na chocolate flavored ang ipapadala niya.
Tumingin ito sa kaniya nang may iba't-ibang emosyon sa mga mata. Then she sighed, "I want a baby!"
Muntik nang mahulog ang panga niya sa sinabi nito. Nabilaukan din yata ang ina niya at namilog ang mga mata ni Odessa.
Lumagok muna siya ng isang basong tubig bago niya hinarap ang asawa. "Wha-what?"
Seryoso ang mukha ni Clio na napatingin sa kaniya. "I want a baby."
Napaubo siya bigla. "Whe-when do you want to have a baby?"
Clio bit her lip before replying, "I want a baby now!"
"Clio Xanthe!" bulas ng kaniyag ina. "What nonsense are you saying? Sa hapag kainan pa mismo?"
"Shameless," bulong ni Odessa.
He sighed. "Okay, let's make a deal. We'll start making a baby when you finish your assignments."
Her dark eyes twinkled at his suggestion. She bit her lower lip before she grinned. "Really? Can we do it inside your study room?"
Gustong tumawa ng malakas ni Martin Tygo pero pinipigilan niya ang damdamin. Tumayo siya at hinatak si Clio.
"Martin Tygo, saan kayo pupunta?" shocked na tanong ng ina.
Malapad na ngiti ang ibinigay niya. "Mama, gagawa muna kami ng baby ni Clio sa study room."
"Huwag kang bulgar Martin Tygo.” Namumutla ang mukha ng kaniyang ina.”Ang aga-aga..."
"Do not disturb us," final na sabi niya at hinila niya ang asawa patungong study room.
"Clio, alam mo ba kung paano gumawa ng baby?" tanong niya sa babae ng masira niya ang pinto.
Umiling ang babae.
He smirked. Tama nga ang hinala niya na hindi nito alam ang pinagsasabi kanina.
"You study first and I'll be working here bago tayo gumawa ng baby," mungkahi niya rito.
Excited na umupo si Clio sa area nito – pinagawan niya talaga ng corner ang babae para maging kumportable ito – at siya naman ay itinuon ang atensyon sa mga emails na dapat niyang replyan. Minsan pumasok si Sandra dala-dala ang mga pagkain. Nag break silang dalawa at bumalik na naman agad sa kani-kanilang mga tungkulin. Clio's oral reading became his background music while typing on his laptop.
After a while na realize niyang naging tahimik ang paligid. Tumingala siya at nakitang nakatulog ang asawa na nakusubsob ang mukha sa children's story books. Tumayo siya at umupo sa tabi nito. Dahan-dahan niyang inayos ang posisyon nito. Pero nagulat si Clio at parang naalimpungatang tumingin sa kaniya.
"Gagawa na ba tayo ng baby?" tanong nito.
He wanted to laugh but he controlled himself. Hinila niya at kinarga si Clio. Umupo siya sa sofa at pinaupo ang babae sa kandungan niya.
"Clio, bakit gusto mong magka-baby?" tanong niya habang hinahawi ang bangs nito. Her skin was supple and she smelled like a baby.
Clio looked at him. "Sabi ni Mama Laura na kailangan tayong magkababy this year."
Napahinto siya bigla at seryosong sinabi, "Inutusan ka ng mama mo?"
Tumingin lang si Clio sa kaniya pero hindi ito sumagot.
"Kaya ba sinampal ka niya kahapon?"
Her eyes widened and Tygo could see the raging emotions there. But Clio kept her silence.
"Do you think I won't know what your mother did to you?" tanong ulit niya.
She traced the outline of his face with her fingers. "Guwapo ka pala talaga Tygo," bigkas niya.
He smirked.”Don't change the topic. May kinalaman ba ang pagsampal niya sa ‘yo kahapon sa issue tungkol sa paggawa ng babay natin?"
She pinched his nose."What if I say yes?"
He wiggled a bit until her fingers fell on his lips. He gently bit her fingers and she squirmed. Ganiyan ang posisyon nila ng ilang mga minuto bago sumagot si Tygo, "Then do you really want to have a baby with me? Alam mo ba ang kaakibat na responsibilidad?"
Umiling si Clio habang tinapik-tapik nito ang mga labi niya. He caught her pinky finger and sucked it lightly. Her eyes widened at his actuation and she wanted to grab her finger back but he trapped it with his teeth.
"Nakikiliti ako," parang kinikilig na bigkas ng babae.
Tumawa si Tygo at sinubukang sipsipin ulit ang daliri nang mahagit ng dila niya ang kakaibang korte nito. Hinila ni Tygo ang kamay ni Clio at tiningan ang pinky finger nito.
"Anong nangyari rito?" tanong niya sa crooked pinky ng asawa. Hindi niya matandaan na ganito ang hitsura ng daliri nito noon.
Namula sa hiya si Clio at pilit na itinago ang mga daliri pero pinigilan niya. He glanced at his wife and said, "Tell me what happened."
She gulped. "Inipit ni Mama sa pinto..."
Biglang dumilim ang mukha niya at pilit na pinipigilan ang galit na nadarama sa harap ni Clio.
"Huwag kang magalit Tygo," Biglang hinalikan siya ni Clio sa labi. "Sorry..." at katumbas ng isang sorry ay isang halik.
To be honest, he was really having a hard time between hating and pitying her. Pero hindi rin niya itatanggi na sa bawat haplos at halik ng babae ay tila natutunaw ang galit sa puso niya.
He glanced at her and then brought his hands on the back of her head to pull her closer. He traced the outline of her lips with his tongue. She giggled and then copied his actions. Then he bit her lower lip, trapped it between his teeth and let his tongue played on its surface.
Natatawang tinulak siya nito. "Don't do that – nakakakiliti."
She cupped his face with her hands then pressed her lips on his forehead while whispering, "Ngayon ko lang na confirm na gwapo ka pala." Then she kissed his closed eyes, the tip on his nose, his cheeks and nibbled on his chin.
"You're being playful ngayon Clio ah," nakangising sabi niya.
She squirmed and adjusted her position on his lap – making him feel uncomfortable since she hit his sensitive regions – then placed her head on his shoulder, her breath was hitting his neck.
"I saw this on TV when the man and wife were inside an office," she replied while caressing his face.
Dapat sigurong i-monitor niya ang mga pinapanood ng asawa. Hindi niya mawari kung ano kaya ang reaction ng babae kung makakapanood ito ng p**n.
"Alam mo naman sigurong dapat sa mag-asawa lang 'to ginagawa.” Sinusubokan lang niya ang lawak ng kaalaman nito.
She buried her face on his neck and she sniffed his scent. "I know. Kahit na I'm immature, kahit na nahihirapan akong magbasa, kahit na ang capacity ng utak ko ay parang bata - - nararamdaman ko naman na ang mga ganitong bagay ay dapat sa'yo ko lang ma experience. Don't ask me why pero..." Umatras ang babae ng konti at kinuha ang kaniyang kamay at ipinatong sa dibdib nito. "I feel that doing this with you is right."
He smiled genuinely at her and grabbed her head back closer to his. He gave her deep and hungry kisses, making her moan, making her clutch on his sleeves harder. Kaya napamura siya nang biglang may kumatok sa pinto.
Dumating na si Valerie.
He sighed seeing Clio's face turned red. He lifted her chin and kissed the tip of her nose. "May trabaho pa ako."
"How about making a baby?" She pouted.
He chuckled. "Let's make a deal. Tuturuan kita ng steps sa pagawa ng baby pero hindi mo ito pwedeng sabihin sa iba..."
"Secret nating dalawa?" excited na tanong ni Clio.
Tumango siya at hinalikan ulit ang asawa bago tumayo at binuksan ang pinto.
The rest of the day was spent working with his secretary. Si Clio naman ay patuloy lang sa pag-aaral sa loob rin ng study room. Wala silang imikan except kung may corrections si Tygo sa pagbabasa ni Clio. They even ate dinner inside. At nang gabi na at nagdesisyon si Valerie na umuwi ay pumanhik na si Clio sa Master's bedroom.
Lumabas si Tygo at nag drive around bago pumunta sa villa ng mga Vivocente. Out of town sina Bastien – andon sa family ni Daphne. Kaya dumiretso na siya sa office ni Donovan Vivocente. He called them earlier na kakausapin niya ang dalawa.
"I want to make things clear." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "I don't know kung ano ang nangyari sa inyong pamilya seven years ago pero asawa ko na si Clio Xanthe ngayon. And I will do anything within my power to protect her. Kaya huwag niyong subukang saktan siya ulit in any way."
"Martin," tawag ng kaniyang mother-in-law.
"I both respect your family kasi malaki talaga ang naitulong ng mga Vivocentes sa estado ng mga Nils. Kaya willing akong tulungan kayo especially magulang kayo ng asawa ko," seryosong sabi niya. "Pero ang malamang sinasaktan niyo siya even after I'm married to her is unacceptable."
"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Donovan.
"You better ask your wife about that," prangkang sagot niya.
"Laura -?"
But his mother-in-law just bit her lip and kept silent. Martin Tygo just sighed, “Another condition ko is, don’t meddle with Clio’s life now that she’s married to me. Please remember that, once you lay a finger to hurt her then I will forget that you are her family."
At umalis siya sa villa ng mga Vivocente ng walang lingon-lingon.