4 - Clio Xanthe (1)

1416 Words
"BUT I don’t understand what you're talking about, Papa," iyak ni Clio. "I want to go to school."   "Hindi mo ako makukuha sa pag-iyak mo, Clio Xanthe," giit ni Donovan. "At saka, ito ang pangarap mo noon since you were six years old."   "Papa, hindi ko alam ang kung ano nga ‘yang word na 'marriage' eh," inis na sabi niya. “I don’t even know the man.”   "This is to correct the mistakes of the past," he firmly stated.   "Eh, bakit hindi niyo sinasabi sa akin kung saan ako nagkamali noon? Bakit itinatago niya sa akin ang katotohanan?" Nakapamaywang siyang humarap sa ama.   Nagtimpi pa rin si Donovan kahit na gusto niyang pagbuhatan ng kamay ang anak niya. At may isang emosyon siyang nadama na hindi niya napagtanto noong hindi pa na aksidente si Clio.   Ang kamuhian ang sariling anak.   "Pumasok ka sa kwarto mo at pag-isipan mo ito," galit na sabi ni Donovan. “Hindi ka makakalabas hanggang sa hindi ka pumapayag.”   “Ayokong magpakasal, kahit patayin niyo pa ako ngayon!” Padabog na dumiretso si Clio sa kaniyang kuwarto.    Why would she give her life to someone through marriage? Ni hindi nga niya alam kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang ‘’marriage’. Why would two people get married in the first place? Sabi ng kaniyang ama, kailangan niyang ibangon ang pangalang Vivocente sa pamamagitan ng pagpapakasal sa Nils.   Why?    Isang salita pero maraming nakatagong sikreto. Mga sikretong hindi niya alam at ayaw ipaalam sa kaniya ng mga Vivocente. Kunsabagay, hindi naman niya naiintindihan ang maraming bagay. She did not even recognize herself anymore.   Twenty seven years old na raw siya sabi ng kaniyang ina pero nagagalit ito kasi nag-aasta daw siyang parang siete anyos. Pero baka naman siete anyos talaga siya at nagsisinungaling ang mga magulang at kapatid niya. Hindi naman kumikibo ang mga katulong kapag nagtatanong siya at hindi rin niya alam kung may ibang pamilya ba siya maliban sa ama, ina at kuya niya.   Narinig niya sa mga kasambahay na para raw siyang baby ulit. Ang kaniyang yaya Sandra ang nagpakain, nagpaligo at nag-ayos sa kaniya. Ang kaniyang pamilya naman ang nagturo kung paano siya makapaglakad at makapagsalita. Minsan nababagot na rin siya sa laging pagbisita sa mga clinics, hospitals at sa mga espesyalista. Nagsasawa na rin siya sa mga tanong kung may naalala ba siya sa kaniyang nakaraan.    “I don’t care about  my past anymore!” she seethed in anger. But in her heart she knew very well that she did. Parang isang napakalaking puzzle ang bahagi ng kaniyang nakaraan sa kaniyang pagkatao. Gusto niyang malaman ang totoo kaso tikokm ang bibig ng lahat ng kakilala niya at hindi rin siya puwedeng lumabas ng bahay kapag wala siyang kasama.    “I also want to go outside,” she whispered as she stared at the blue skies from her window. “Sana nakatira pa ako kay Kuya.”   She bit her lower lip as she remembered her happy days when she was with her brother. Kinupkop siya ni Bastien ng isang taon. Ang kapatid niya ang may malaking pasensya sa kaniyang sitwasyon. Ito mismo ang nagturo sa kaniya ng pagbabasa at pagsusulat. Inihatid din siya ntio sa special school kasi ayaw niyang magkaroon ng private tutors. Akala niya magiging ganoon ang sitwasyon niya habang-buhay pero nagbago ang lahat pagkatapos ng isang taon. Kasi nakita nito si Duke at si Daphne.   It was later found out that Bastien was the father of Daphne’s son, Duke.   Clio smiled as she remembered the gifted young boy who became her friend at the special school. Hindi naman ito palatanong kung bakit ang tanda-tanda na niya at hindi siya marunong sa simpleng ABCs at arithmetic. Siguro weird ang pagkakaibigan ng isang twenty five years old at five years old pero wala naman talaga siyang kaibigan maliban ni Marcu, anak ni Yaya Sandra.   Pero nung makita siya ni Daphne, naging galit ito at tila isang mother bear na naging over protective sa anak. Kaya hindi na makalapit si Clio sa kaniyang mismong pamangkin.   It broke her heart pero nasanay na rin siya sa mga sakit na naranasan sa loob ng pitong taon. Nakita rin niyang naging malungkot ang kaniyang kapatid kaya siya na rin mismoa ng nag-suggest na umuwi na siya sa poder ng mga magulang nila.  "Clio sana maintindihan mo na mahal kita pero mahal ko rin si Dahpne. She's my other half and I can't live without her,” sabi nito sa kaniya. “I want to spent more time with them lalo na’t andito si Duke.”   Tumango siya pero hindi niya sinabi na mas nalilito siya sa sitwasyon. Hindi siya umiyak nung mag impake siya at umupo sa sasakyan at inihatid siya ni Bastien sa main residence ng mga Vivocente. Tumulo lang ang luha niya nang humiga siya sa kama ng gabing iyon. Kasi feeling niya parang nawalan siya ng kapatid. At si Kuya Bastien lang ang nagmahal sa kaniya.   Minsan feeling niya, para siyang ghost sa pamilya Vivocente. ‘Yong alam na existing siya pero hini masyadong ina-acknowledge ang presensya niya. Kaya minsan nagbibitaw siya ng tantrums para mapansin ng mga ito pero walang reaksyon ang halos lahat ng kasalamuha niya. As if they were used to seeing her wild fits.    Then months came and she let it quietly and sadly pass her by. Hanggang sa araw ng kasal ng kapatid niya. Tumawag ang lalaki kinabukasan pagkatapos ng kasal. “Kamusta ka na Clio?"   "Okay lang ako kuya, kamusta ang kasal?" Napapaluha siya kasi gusto niyang makita ang kapatid.   "Mas maganda sana yon kung andito ka.” Malungkot ang boses ni Bastien. "I really wish that this isn't complicated," . "Saan kayo after sa wedding?” Nasasaktan din siya para sa kaniyang kuya kahit papaano. He wanted to have a complete family during his wedding pero nagdesisyon ang mga magulang nila na hindi ipapakita si Clio sa publiko.    "Sa Maldives kami mag ho-honeymoon ni Daphne," sagot nito.   "Wow Maldives! Kuya nakita ko yan sa isang libro," excited na balita niya.   "We went there ten years ago and you said it was one of your favorite places," sabi ng kuya niya.   "Talaga?" Bumuntong hininga siya. "Sana makabalik ako doon."   "You will.." Medyo tumikhim ito bago nagsalita, "By the way, medyo matatagalan ang pagbisita ko sa’yo.”   “Why?” She choked.   Tahimik ang kabilang linya at tila tinimbang ni Bastien kung papaano ibabalita sa kaniya.   “Kuya?”    “Daphne, Duke and I will live in Japan," halos pabulong na sabi nito.   "Bakit?" paos na tanong niya. “What about m-me? Don’t you love me anymore, Kuya?”   Dinig niya ang paglunok ng kapatid at tila pinipigilan nito ang luha. “Clio, listen to me, okay? I love you pero may sarili na rin akong pamilya. Hindi ko naabutan ang paglaki ni Duke at gusto kong makapiling sila para bumawi sa mga pagkukulang ko.”   “Hindi ba pwede akong sumama?” Pumatak na ang luhang kanina pa niya pinigilan.   “Hindi muna sa ngayon.” He sighed. “Magiging busy din ako ron, Clio. Ako ang naatasan na mag manage sa branch natin sa Japan.” . "Pero ang layo naman niyan, Kuya." Nanginginig na ang kaniyang kamay nang mapagtantong hindi niya makakasama ang minamahal na kapatid. "Nakita ko sa mapa ang Japan."   Bastien was sad to hear her voice in distress and he couldn't do anything about it. He only said, "Clio, tawagan mo ako kapag kailangan mo ako, ha? Memorized mo naman ang number ko, ‘diba?"   "Yep." She sniffed.   "Huwag kang mag atubiling tawagan ako," he urged her until she recited his phone number. They talked a couple of minutes before he hung up.   Alam ni Clio na hindi niya tatwagan ang kuya niya. Sinubukan niya noon pero si Daphne ang nakasagot sa phone. Takot siya nang marinig ang boses ng babae kay ibinaba niya. At ngayon, makalipas ang isang buwan, wala na si Bastien at siya na lang ang susuong sa mga problemang kakaharapiin.   Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang ama. “Ano ang desisyon mo, Clio?” Hinarap niya si Donovan at sumigaw, “Mamamatay ako sa gutom kaysa magpakasal!"   “Pwes, gusto mo ‘yan, ‘diba?” Tila yumanig ang dingding sa sobrang lakas ng pagsara ng pinto ni Donovan.    Ayaw niyang magpakasal lalo na sa lalaking ‘di niya kilala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD