GUTOM na gutom na talaga siya!
Isang araw na siyang walang kain simula nang i-lock siya sa loob ng kwarto niya kahapon. Sa banyo na siya kumuha ng tubig pang-inom at nagsimula na rin siyang kumain ng papel na nakita niya sa writing desk niya. Seryoso talaga ang mga magulang niya na ipakasal siya.
Tap! Tap!
Pumunta siya sa bintana at nakita si Marcu, anak ni Yaya Sandra, na kumaway sa kaniya. Tinuro nito na buksan niya ang bintana. Sumenyas ito na lumayo siya sa kinatatayuan niya at nang sinunod niya ito may lumipad sa bintana at lumapag sa sahig ng kwarto niya.
Kinuha niya ito at tumawa siya. Mga paborito niyang mocha cupcakes! Pumunta siya sa bintana at nagsenyas ng ‘Thank you’ kay Marcu bago niya isinara ito. Umupo siya sa kama at kinain ang mga paborito niya.
Alam niya sa kaloob-looban niya na hindi siya papabayaan ni Marcu. Responsableng tao nito sa murang edad na dise-otso. As long as she remembered, he always followed her around. When she was able to talk, he was the one who taught her some words. When she was able to walk, he showed her how to pick insects and climb trees.
At ngayon, ito ang anghel niya.
Lumipas ang tatlong araw at nag-eenjoy pa rin siya sa mga pagkaing hinahatid ni Marcu ng patago. She considered the pastries he gave her as necessity at the same time luxury. Pag labas niya rito ay gusto naman niyang tikman ang chocolates na nakatago sa fridge.
Kailan kaya siya makakalabas?
Nahinto ang pagmumuni-muni niya nang biglang bumukaas ang pinto sa kaniyang kwarto. Namilog ang mga mata niya nang makitang hila-hila ni Donovan ang kwelyo ni Marcu. Umiiyak na nakasunod si Sandra mientras galit naman ang mukha ni Laura.
"Papa?" nagtatakang tanong niya.
“Si Marcu pala ang naghahatid sa’yo ng pagkain?" Buo ang boses ng papa niya na tila nag echo sa kwarto niya. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kwelyo ng binata.
"Papa, tama na ho. Ano po bang kamalian ang ginawa ni Marcu?" Natakot bigla si Clio. Alam niya ang anyo ng ama at ang kapabilidad nito.Kung nakaya nitong saktan siya minsan, malamang pwede nitong saktan si Marcu kahit sa harapan niya.
"Simple lang ang utos ko at hindi pa magawa ng mga katulong sa pamamahay na ‘to!” Nakikita na ugat sa leeg ng ama sa tindi ng galit. “"At itong hampas lupang ito ang may ganang sumuwa sa utos ko."
"Sir, ako na ho ang humihingi na kapatawaran para sa anak ko po." Basang-basa ang mukha ni Yaya Sandra at nanginginig din ito sa takot.
"Hindi ako marunong mag tolerate ng mga pasaway sa bahay na ito, Sandra. Mamili kayo, itong anak mo ang aalis o ikaw. Pwede rin namang kayong dalawa ang lumayas sa pamamahay na 'to!" giit ng ama.
“Papa!” Napatalbog si Clio mula sa pagkakaupo. Naluluhang hinirapa niya si Donovan. "Papa, hindi nila kasalanan 'to. Ako ang nag-utos kay Marcu.”
“Ikaw na ba ang amo nila ngayon, Clio?” Pinandilatan siya ng ina. “Why would we keep useless servants?”
Tanging si Yaya Sandra at Marcu na lang ang pinagkakatiwalaan niya lalo na’t wala na ang kapatid niya. Anong mangyayari sa kaniya kapag wala na ang mga ito?
Tiningnan niya ang namumutla at tahimik na Marcu at ang umiiyak na ina nito. They did not deserve this kind of treatment after all the years that they’ve served the Vivocentes.
Dahil sa panic at konsensya kaya nagkukumahog na lumuhod si Clio sa harap ng kaniyang ama. "Papa, gagawin ko po ang lahat. Huwag niyo lang paalisin si Marcu at Yaya..." Yumuko siya at hinalikan ang mga sapatos ng ama.
Na sorpresa si Donovan sa ginawa ng anak. At lalo siyang nagalit dito. Hindi niya akalain na puwede palang suklam ang maramdaman ng isang ama sa anak. Spoiled brat si Clio noon pero hindi na naging kontralado ang personalidad nito.
She could bring catastrophe again!
"Papayag kang pakasal kay Martin Tygo Nils o aalis sila." Turo nito sa mag-ina.
"Papayag na po ako,," taghoy niya. "Please, please huwag nyo ho silang paalisin..." Nakita niya ang mga luha niya na pumapatak sa sapatos ng ama.
"Donovan, pumayag na si Clio," mahinang sabi ni Laura.
Binitawan ni Donavan ang binata at umalis sa kwarto. Tiningnan siya ni Laura at may kirot ang puso niya ng sabihin ng ina ang katagang, "Sana hindi ka nabuhay noong nasa hospital ka."
Nang maiwan silang tatlo sa silid ay lumapit si Yaya Sandra sa kaniya at niyakap siya. "S-sorry..."
"Yaya magiging okay na ang lahat. Huwag ka nang umiyak," sabi niya pero siya mismo ang humikbi.
Sana nga magiging okay ang lahat.