3 - New Beginnings (2)

832 Words
DUMIRETSO si Tygo sa kaniyang opisina nang makabalik siya sa residensya ng mga Nils. Kumuha siya ng alak at lumagok ng dalawang baso bago siya napaupo.   Fuck!   Ito na nga ba ang sinasabi niya eh. Bakit pinatagal niya pa ito ng limang taon?   Binuksan niya ang drawer sa lamesa niya at kinuha ang kaniyang journal. May naka-ipit na papel sa pagitan ng mga pahina. Para siyang napaso nang kinuha niya ang yellowish na papel.   'Bakit mo ‘to nagawa sa’kin, Papa?' isip niya.   Binuklat niya ang papel at gusto niyang magpakawala ng sangkaterbang mura.      February 19, 2XXX   Tygo, pinag-isipan ko ito ng mabuti. Pinag-isipan ko talaga ‘to lalo na’t na hospital ako last week.    Kaibigan natin ang mga Nils at pangarap ko talagang mapag-isa ang mga pamilya natin. Alam kong isa lang talaga ang paraan para matupad ‘to at Ito'y pakasalan mo si Clio. Hindi ko naman sinasabing ora mismo, nasa college ka pa at high school pa ang batang iyon. Dapat naisakatuparan mo ang hiling ko or else ibibigay ko sa mga Vivocente ang sixty percent sa shares ng kumpanya. Malaki ang utang na loob natin sa kanila noong nagsimula sa negosyo ang lolo mo. Kaya tayo nakarating sa ganitong buhay dahil sa mga Vivocente, tandaan mo ‘yan. At kabayaran na rin ‘to lalo na’t dehado sila ngayon sa negosyo.  Sorry if I'm putting you into hot waters right now pero ito lang talaga ang alam kong paraan para ma merge ang Vivocente at Nils.   Solomon Nils   PS Don’t try to cheat on me on this. I always find a way to make sure that you’d fulfill this promise even if I’m already dead.     Fuck.   Gustong magwala ni Tygo pero pinigilan niya ang sarili. Ito ang unang pagkakataong binasa niya ang liham pagkatapos ng anim na taong simula nang makita niya itong nakaipit sa journal ng kaniyang ama. Walang ibang may nakakaalam sa sulat na ‘to maliban sa kaniya at sa attorney nila.   His attorney was actually pressuring him for the past three years na hanapin si Clio at makipag-areglo na sa mga Nils. But he was stubborn and he could neve forget that Clio Xanthe was the culprit why his father died.   Until he saw her tonight.   Napayuko si Tygo at napasabunot sa sariling buhok nang bumalik ang mga alaala ng kahapon. Tila binitbit siya ng oras pabalik sa kaniyang pad, pitong taon na ang nakalipas.  He really loved Daphne Valera at ito ang babaeng inaya niya ng kasal pero naunsiyami ito dahil sa kagagawan ni Clio Xanthe. Alam niya sa mga sandaling ‘yon na hindi na babalik si Daphne sa kaniya kahit anong pagwawala niya, kahit pinagsusuntok niya ang pader ng pad at kahit binasag niya ang lahat ng pwedeng mabasag na muwebles.   His fiance was already gone. For the first time in so many years, he actually felt the stirrings of loathe for Clio.    Napatiningin siya kama at hinablot ang kubre kama. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dugo sa puting bed sheet.   “f**k!” Hinagis niya sa sahig ang bed sheet at napaupo sa kama. Parang dam na nabuksan ang mga alaala na bumalik sa kaniya. He was enjoying his being a bachelor and decided to get drunk alone when Clio showed up. Even though things were a little hazy, he was still able to remember that they fought for a little while.   And they tumbled on the bed. He fuckingly thought that she was Daphne and was actually ecstatic that his fiance gave herself for the first time to him. His mind was even hazy in the morning and thought of giving Daphne a sweet love making in the morning.   Fuck! It was Clio Xanthe all along.   Hindi siya nagsalita sa loob ng pitong taon kasi nag expect siya na si Clio mismo ang susulong sa kaniya at mag demand ng kasal lalo na at nakuha niya ang virginity ng babae. Alam niya na sa ugali ni Clio na pupuntahan siya nito kahit na pinagsabihan na ito ng kapamilya at kahit nangako ang mga Vivocente na hindi na sila magkikita pa. And she seemed to vanish as if she never existed in the first place. Tygo forced to forget what happened until his attorney bombarded him three years ago about Solomon’s wishes.   Hindi rin siya kumibo nang malamang nagkaroon pala ng relasyon si Daphne at si Sebastien pagkatapos ng scandal. Alam niyang pinagtatawanan sila ng ibang pamilya dahil parang mas kumplikado pa kaysa buhol-buhol na sinulid ang mga pangyayari sa buhay ng mga Vivocente, Nils at Valera.   Nilunok niya ang kahit anong natitirang pride at binigyan ng basbas ang dalawa. It was then that he realized that his love for Daphne was not deep enough to find her and to fight for their relationship.   “Why do this to me, Papa?” he muttered as he took his cellphone and called his attorney.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD