"UMUPO ka ng maayos diyan,” pabulong na sinita siya ng inang si Laura.
Pero patuloy parin ang panginginig ng mga kamay niya at hindi niya mapigilan kahit anong gawin niya. Natandaan niya noon na nanginginig siya dahil sa anxiety at nati-trigger ito kapag stressed talaga siya.
Kagaya ngayong araw ng kaniyang kasal.
Nakaupo siya sa salas at hinihintay ang pagdating ng groom. Technically, tapos na ang kasal kahapon. Legal kasi ang wedding by proxy sa bansang Namerna lalo na kung mataas ang estado sa lipunan. Alam din niya kung bakit ito ang pinili ng mga magulang. Kasi nahihiya ang mga ito na baka malaman ng mapapangasawa niya na hindi siya gaanong marunong bumasa at sumulat.
"Huwag mong sabihin sa kaniya ang lahat tungkol sa amnesia mo," mahinang sabi nito habang inayos ang pagkapusod ng sariling buhok.
"Bakit po, Mama?" Napakunot-noo siya.
"Ah basta. Huwag ka ng magtanong.” Inirapan siya ng ina. "Tingnan ko nga ang histura mo," striktong sabi nito habang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
Medyo kumikiliti sa kaniyang pisngi ang bobcut niya pero hindi niya hinawi ang hibla ng buhok. Pangarap niya talaga ang magkaroon ng mahabang buhok, ‘yong kapareho sa mga prinsesa sa TV. Pero ayaw ng mga magulang niya na lumagpas ng balikat ang buhok niya.
"Don't slouch," saway ni Laura.
May kinuha ito sa pouch nito at inilagay sa kaniyang leeg – kwintas na gawa sa perlas. "Nakita ko ‘to sa mga nakatagong gamit mo. Bagay naman sa pala sa pale blue sleeveless dress mo."
"Mine?" Excited na napahawak siya mahabang kwintas.
"Huwag kang masyadong magsaya diyan. He gave this to you years ago," mahina ngunit marahas na pinisil ni Laura ang kaniyang balikat. Bumawi lang ito nang makita si Arthur at Sandra na bitbit ang mga malalaking maleta.
"Andito na po pala ang mga gamit ko." Napalingon si Clio sa mga katulong.
"Oo, para hindi ka na umakyat pa sa kwarto mo," sagot ng mama niya.
May narinig silang busina ng sasakyan at ‘di mapigilan ang pagkabog ng damdamin ni Clio. Pakiramdam niyang aalis siya sa isang impyerno at lilipat sa ibang klaseng impyerno. Muntik na siyang mapatili nang biglang dumating si Donovan sa salas.
He glanced at her with a disapproving look. “Clio Xanthe, we wash our hands of you from this day. Huwag kang lumapit sa amin kung may problema ka. Malaki ka na at masyado ka na naming na spoiled.”
May mga tanong sana siya pero bumukas ang pinto. Napasinghap siya nang makita ang isang lalaking pumasok na kasunod ni Arthur.
It was him! The man who came here a few nights ago.
Napasandal lalo si Clio nang makita ulit sa malapitan ang lalaki at hindi niya mapigilang mapanganga. How come that he seemed bigger than the last time when she saw him?
Her eyes widened as she perused his entire physique. He was definitely a huge man compared to her small frame. Kulay brown na may blonde highlights ang clean cut na buhok nito. His square jaw had stubbles that made him look very different in Clio’s eyes. She bit her lower lip as she tried to put a word on what she saw.
And when she looked into his eyes, she suddenly wanted to faint. His grey eyes were piercing through her entire being that she literally shivered again.
Loathe.
That one word seemed to float around those grey pools as he stared at her.
Hinawakan ng kaniyang ina ang kamay niya at mariin itong pinisil. Gusto niyang sumigaw sa sakit pero pinigilan niya.
"Clio, ayusin mo ang sarili mo," galit na bulong ng ina.
Nakuha pa rin niyang magtanong kahit nanginginig ang buo niyang kalamnan. "Mama, who's that man?"
"Si Martin Tygo Nils," tanging sagot ng ina. “Ang asawa mo”