7 years later
"BEST wishes!" Martin Tygo Nils greeted the newlyweds.
"Salamat bro," sinagot ni Sebastien Vivocente ang pagbati ng kababata.
"Salamat Tygo," mahinang sabi ni Daphne. "Your blessing means so much to us." Niyakap siya ng bride at bumulong, "Sana mahanap mo rin ang babaeng para sayo."
Tumawa siya. "Daph, ikaw lang naman talaga ang babe ko eh." Nilingon niya si Bastien at kumunot ang noo nito kaya tumawa siya at mahinang hinampas ang balikat ng kaibigan.
"She's my babe now bro," Bastien smirked.
"Daph, you married a great man," aniya.
"I know and I'm so blessed to have him," naluluhang sagot ng bride.
Nagkuwentuhan muna sila ng konti bago tinawag ang couple para sa isang photo shoot. Nakihalubilo muna siya sa mga kakilala bago siya umalis matapos ang dalawang oras. Since mag-isa lang naman siyang pumunta ngayon sa kasal at mag-isang umuwi ay nagdesisyon siyang dumiretso sa bahay niya.
He was halfway on his trip when he noticed the big teddy bear on the back sit of his car. Damn, nakalimutan niyang ibigay ang gift niya para sa anak ni Bastien at Daphne. Tinimbang niya kung babalik pa ba siya sa reception or ihahatid ang stuffed toy sa bahay ng mga Vivocente since malapit nalang ito mula sa lokasyon niya ngayon. Pero baka andon si –
Fuck!
Wala naman siguro. Wala rin siya sa kasal kanina eh. Hindi naman sa hinahanap niya ito pero imposibleng hindi ito dadalo kasi ito lang ang nag-iisang kapatid ni Sebastien. Nagpakita man lang sana ito bilang respeto sa nakakantandang kapatid.
Okay na ring wala ito sa kasal kasi hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag nagpakita ang babae.
He clenched his teeth as he stopped at a red light. He tapped his fingers on the wheel as his mind wandered to a certain territory that he did not want.
“f**k,” bulong niya nang ipaharurot niya ang sasakyan.
Ni minsan hindi siya sinagot ni Bastien ukol sa kapatid nito sa mga panahong siya mismo ang nagkakamaling banggitin ang pangalan ng babae. Nung una, tinatanong ng ibang mga kaibigan nila ang tungkol kay Clio pero ngiti lang ang mga sagot ng mga ito. The Vivocentes were adamant to mention even the first letter of her name. Until such time na tila hindi nag-exist ang unica hija ng mga Vivocente sa kanilang mundo.
She was then forgotten by almost everyone.
Pumarada siya sa harap ng bahay ng mga Vivocente. Pitong taon na rin siyang hindi tumapak sa lugar na ‘to pero hindi nagbago sa paningin niya ang histura ng bahay kahit papaano. The house was like the Vivocente family, intimidating. Kinuha niya ang stuffed toy at lumabas ng kotse.
Tahimik na kinatok niya ang pinto gamit ang hugis dragon na knocker. They used to play on this when they were younger and tried to scare the butler and the staff away. Maingay at maliwanag dito noon pero tila sing dilim ng gabi ang kabuoan nito ngayon na nakadagdag sa stern at aloof na aura ng bahay.
Dahan-dahang bumukas ang pinto at tila nakakita ng multo ang butler ng pamilya na si Arthur. Nakita niyang hindi nasorpresa ang matanda kundi napaatras ito sa takot ng makita ang mukha niya.
Napalunok ito at napakapit sa pinto. “G-good evening po, Sir Tygo.”
Tumawa siya. "Pumiyok ba ang boses mo, Arthur?" Napansin niyang namutla ang lalaki. "Matagal na kitang hindi nakita ah. Masaya akong mabuti pa rin ang kalagayan mo."
"Salamat, Sir.” Nakabawi ito. “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Nalimutan ko kasing ibigay ang regalo ko para kay Duke." Tukoy niya sa anak ni Daphne at Bastien. "Malayo na kasi ako sa reception area kaya nagdesisyon akong dito na lang dumiretso."
Kung namutla ito kanina ay mas lalo itong pumuti ngayon – siguro konti nalang talaga at baka maging bond paper na ang kulay ng matanda. Kaya napangiti si Tygo. "Medyo mabigat ito kaya ako nalang ang magdadala nito papuntang study room. Alam ko pa rin ang daan."
Kinindatan pa niya si Arthur bago nilagpasan ito at tumuloy-tuloy sa study room. Naramdaman niyang parang nasusuka ang matanda kaya nagtanong siya, "Okay lang ba ang pakiramdam mo, Arthur?"
"Wala hong problema sir.” Mapaklang ngumiti ang matanda.
"Hindi ka naman nakainom ano?" Ngisi niya.
"Ay hindi po," mabilis na bigkas ng matanda.
He sniffed the scent of the study room as he placed the gift on the nearest sofa. The scent which brought back memories. Isa ‘to sa playroom nila noon kapag bumibisita ang mga Nils.
"Sir," tumikhim si Arhtur. "Gusto niyo po ba ng maiinom? Kape, whiskey, beer, tea..."
Sa totoo lang, gusto niyang umalis pero hindi niya alam kung bakit parang hinila siya ng kung anumang enerhiya sa loob ng study room. Pinagalitan niya ang sarili na wala na siyang dapat pag-aksayahan ng oras dito pero natagpuan niya ang sarling umupo sa sofa at sinagot ang matanda, "Kape nalang, Arthur. Black please.”
Inasahan ng matanda na tumanggi siya kaya parang nabagsakan ng kometa ang butler nang inutusan niya itong magtimpla ng kape. Gusto niyang matawa nang nahirapan itong bumawi pero pinigilan niya ang sarili at tumayo habang tiningnan ang mga libro sa shelves. Narinig niyang naisara ang pinto hudyat na nakaalis na ito.
This room was Donovan Vivocente’s office pero tinawag nila itong study room before. Kasi habang nagtatrabaho ang patriarch ng pamilya, silang mga bata ang busy sa pag-aaral o pagre-review. Pero ibang-iba na ang silid makalipas ng ilang taon.
Halatang hindi na rito nagtatrabaho si Donovan. Kasi imbes na mga leather sofas at wooden office desk, napalitan ito ng mga colorful chairs and tables, malaking writing board at maraming learning toys sa paligid. This room must be a set-up for Bastien and Daphne’s child.
Ambilis talaga lumipas ang mga taon. Parang kailan lang, sila ang naglalaro sa silid na ‘to. Ngayon, ibang henerasyon na ang gagamit dito. Parang kailang lang, si Bastien ang dragon, siya ang prinsipe at si -
"Hi," bati ng isang mahinang tinig.
Masyado siyang subsob sa mga alaala kaya hindi niya napansing bumukas ang pinto. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o magmumura sa sitwasyon. Parang pelikula o nobela lang talaga ang pagka cliché.
Clio Xanthe Vivocente.
Hinagod niya ng tingin ang nasa harap mula ulo hanggang paa. Pitong taong hindi niya nasilayan ang mukha o narinig ang boses nito.
Rumaragasa ang mga emosyong pilit niyang itago. Ito nga ba ang sinasabi niya sa sarili kanina na kailangan na hindi siya dapat nanatili rito. Sana hindi siya pumunta rito. Sana hindi niya naiwan ang teddy bear. Sana hindi nalang siya pumunta sa kasal.
Maraming mga "sana" na hindi niya ginawa. Kaya andito siya ngayon kaharap ang babaeng ayaw niyang makita.
"Hello again." Her dark eyes probed into him - which made him really uncomfortable.
She was wearing a white dress – and she really looked virginal. He noticed her bob cut hair which was plastered on her head. She was slender compared to her curvy form seven years ago.
Fuck! Naalala niya tuloy ang mga kailangang gawin ngayong nakita niya sa harapan ang babae.
"Hi," tipid na bati niya rito. Kailangan niyang umalis sa lugar na ‘to. Parang ang sikip ng kwarto, ang sikip ng damdamin niya at ang hirap huminga.
At nagsisisi siya kung bakit hindi niya mapigilang magtanong, "Bakit wala ka sa kasal?"
Namilog ang mga mata ni Clio bago nagpakawala ng isang napakatipid na ngiti. "Oh it was decided."
"Nino?" His brows arched.
She hesitated for a while before answering, "Kasi ano... may virus ako kaya nag desisyon si Mama Laura na dito lang ako. Baka daw kasi mahawa ang bride o mga bisita."
Hindi siya naniwala sa mga sinabi ng babae pero hinayaan niya lang. Tumango siya at akmang aalis nang nagsalita si Clio, "Gusto mo bang uminom ng kape o tsaa?"
Muntik niyang makalimutang inutusan niya si Arthur na pagtimplahin siya ng kape. Hindi niya kailangang uminom ng mapait ngayon para magising. Kasi andito ang babaeng nagbigay ng matinding pait sa buhay niya at ginising siya sa katotohanang galit siya rito.
Umiling siya at nilagpasan niya ito. “Pakisabi kay Arthur na aalis na ako.”
"Ahhh, teka lang ho, Sir," sabi nito.
Kunot ang noo niya ng lingunin niya si Clio. "What?"
"Ahh...hmmm...ano hong pangalan ang sasabihin ko sa kanila?" She was fidgiting and her gaze turned towards her white bunny slippers.
Napaatras siya sa tanong ng babae. "Kanino?"
Her eyes wavered a little bit as she landed her gaze on him. "Ang pangalan niyo po. Hindi ko po alam ang pangalan niyo."
He was so dumbstruck that he was rooted on his place. Hindi niya alam kung saan nanggaling pero parang tubig na uminit ang damdamin niya. Nagsimulang kumulo sa galit ang naramdaman niya sa mga oras na iyon.
"Anong kalokohan ito?" inis na sabi niya.
Napaatras si Clio ng konti at may takot sa mga matang tiningnan siya. She was unconsciously running her fingers on her white dress. "Ahhh... kasi ano..."
Naalala niya na minsan may mga ganitong laro si Clio Xanthe noon.Mahilig itong magkunwaring nagka-amnesia lalo na kapag matindi ang pagkakasala nito noon. At first they just laughed at her antics but they finally became exasperated with her immature acts. She fuckingly used to play this amnesia game for more than five times!
Clio Xanthe definitely did not change at all.
Umabante siya ng konti at gusto niyang murahin ng murahin ang babae. Pero nagtimpi pa rin siya kahit papaano. Narinig niyang may napasinghap. Nilingon niya at andon si Arthur, nanginginig ang mga kamay na dala-dala ang isang tray na may isang tasang kapeng nakapatong.
Palipat-lipat ng tingin ang matanda sa kanilang dalawa ni Clio at halatang hindi alam kung ano ang sasabihin. Tahimik silang tatlo ng ilang saglit hanggang sa napatikhim si Arthur. “Miss Clio, tinawag ho kayo ni Sandra. Naka prepare na ang tsaa at biskwit niyo po. May kasamang konting chocolate cake.”
Nag-iba ang anyo ni Clio at natuwa ito sa narinig. Nilingon siya nito. "Gusto mo bang kumain ng cake? Sabi nila kagaya raw ‘yon sa wedding cake ni Kuya. Huwag mo lang ipag-alam kay Mama at Papa na kumain ako ng chocolate cake ha."
Parang bond paper na talaga sa kaputian ang mukha ni Arthur ng marinig ang mga pinagsasabi ni Clio. Tumikihim ito. "Hmm... Miss Clio, punta na po kayo sa kwarto niyo po..."
"Ano ka ba Arthur, I'm just inviting him for a cake," sabi ni Clio.
"Sir, heto na po ang kape niyo." Sa pagkataranta, ibinigay ni Arthur ang tray kay Tygo at tumalikod ito para dali-daling i-akay si Clio na lumabas mula sa study.
Nakrainig siya ng isang malakas na singhap at nakita niya ang yaya ni Clio ang napatingin sa direksyon niya. Hinila nito papalayo si Clio palayo sa study room. "Huwag kang makipag usap sa mga estranghero Clio. Mapapagalitan ka na naman niyan kapag nalaman ng mga magulang mo."
Clio pulled her hands from her nanny’s grasp. "Curious lang naman talaga ako sa bisita kasi ngayon ko lang siya nakita at may dala siyang Teddy bear. Who's that man?"
Hinila pa rin siya ni Sandra palayo sa study area kaya hindi na alam ni Tygo kung ano ang sinagot ng yaya nito. Bumuntong-hiningna siya at hinigop ang maligamgam na kape.
He tried to remember the Clio of the past who played this kind of game.
Bumalik si Arthur at namumula na ang mga pinsgni nitong nakita siyang nakaupo sa sofa at nakapatong ang tray sa kaniyang hita. Yumuko ito. “S-Sir Tygo, salamat po sa pagdala ng regalo para kay sir Duke."
"Anong ka dramahan na naman ni Clio ‘yon? Amnesia tricks pa rin ba niya?" walang emosyong tanong niya.
Parang nakainom ng suka si Arthur sa sinabi niya. “Ano po k-kasi…”
Tumaas ang kilay niya habang hinintay ang sagot ng matanda. Pero tumikhim ng tumikhim ang butler at feeling ni Tygo ang lalamunan niya mismo ang sumakit sa ginawa ng kaharap. "Kasi ano, Arthur?"
"Ganyan na ho si Miss Clio pitong taon na," malungkot na balita ni Arthur. "Totoo na po ang amnesia niya."