TININGNAN ni Sebastien ang wrist watch niya at napakunot-noo. Wala siya sa mood mag bar hopping ngayong gabi. Paano siya magkakaroon sa mood kung napakalaking problema ang kinakaharap ng mga Vivocente ngayon?
Shit! How would they face the Nils and the Valeras now?
His sister was becoming nutter by the day. Sinubukan niyang sabihan ang mga magulang nila na baka kailangan ni Clio ng therapist kasi hindi na normal ang obsesyon niya kay Tygo. Pero hindi nakinig ang mga Vivocente kasi normal lang daw ang pagiging aggressive sa lahi nila.
Now? Ito ang resulta sa pagiging spoiled brat ng kapatid.
Umakyat siya sa second floor patungo sa kwarto niya nang may marinig siyang nahulog sa kwarto ni Clio. Sanay na siyang makita ang mga tantrums nito kaya sana niya iindahin. Pero hindi niya alam kung bakit nanindig ang balahibo niya sa batok nang mga sandaling ‘yon. Kaya nagdesisyon siyang tingnan ang kapatid sa kwarto nito.
"Clio Xanthe?" Kumatok siya sa kwarto nito.
“Tulong!”
Mabuti na lang at na pick up ni Bastien ang tila pabulong na sambit ng kapatid. Dali-dali siyang pumasok at nakitang nagkakaroon ng seizure si Clio. Pinilit niyang magpakahinahon at nilagyan ng matigas na bagay ang pagitan ng bibig ng kapatid.
Nakita niya ang cellphone ng kapatid at nag dial ng emergency number. Nakinig siya sa instructions at nagbigay ng paunang lunas habang hinintay ang ambulansya. Makalipas ang ilang saglit, natagpuan ng mga Vivocente ang kanilang sarili sa loob ng hospital. Nakaupo sila sa waiting area at halata sa mga mukha nila ang pagkalito sa mga pangyayari.
Ilang minuto ang lumipas nang may lumapit na doktor. "Are you the family of Ms. Vivocente?" Nang tumango silang lahat ay nagpatuloy ito, "Nag rupture ang tumor niya sa utak at kailangang operahan natin siya ngayon."
"B-brain tumor?" napasinghap si Laura.
Tiningnan sila ng doktor. "Based on your reactions ay hindi niyo alam na may brain tumor si Ms. Vivocente. May complain ba siya ng mga headaches, dizziness or related sa sakit sa ulo?"
Nag-isip si Bastien. "Doc, ten years old siya nung nagkaroon siya ng massive headache. Pinatingnan namin tapos migraine lang naman ang sabi ng doctor."
"Nasa genes namin ang may migraine so hindi na naming masyadong ininda ang headaches niya," sabi ni Laura.
"Since hindi ko alam ang history niya, theory ko nag develop ang tumor sa utak niya in her teens," ani ni Doctor Lopez. "Pero nag rupture ito so in a while kailangan naming operahan siya. Ang nurse na ang magbibigay sa inyo ng waivers."
"Gawin niyo ang lahat doc," Solomon voiced out for the first time as he watched the doctor went away.
Nanginginig na umupo si Laura. "My God, what's happening to us?" Niyakap ito ni Donovan pero hindi nagsalita ang ama.
"Papa, why don't you get Mama back home? Dito muna ako para sa updates. Kailangan din nating puntahan ang mga Nils," Bastien advised. "Hindi tayo aatras kahit gaano ka tindi na kahihiyan para sa mga Vivocente ‘to."
"Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga Nils nito," bulong ng ama.
Naiintindihan niya ang ibig sabihin nito. Matagal na kaibigan ng mga magulang niya ang mga Nils. At ngayon dahil sa ginawa ni Clio ay mawawala lang ba ng basta basta ang pagkakaibigan?
"Pahinga muna kayo papa," mahinang sabi niya.
Tumango si Donovan at inalayan si Laura nang umalis sila sa hospital.
Hindi alam ni Bastien kung ilang oras siyang nakaupo roon at nakatunganga. Kay dami niyang inisip at halos hindi niya alam kung ano ang unang problema ang bibigyan ng solusyon.
"Mr. Vivocente?" Tinapik siya ng nurse. "Gusto kang kausapin ni Dr. Lopez sa office niya."
Sinundan niya ang nurse hanggang makarating sa opisina ng doktor.
"Mr. Vivocente, I have to be honest with you. Critical ang kondisyon ng kapatid mo. She was clinically dead for five minutes but thank God naibalik namin siya kanina," buntong hininga ng doktor.
He could hear the ringing of bells in his ears. Pakiramdam niya na tila huminto ang puso niya nang ibalita ng doktor na namatay ang kapatid kanina.
May ipinakita sa kaniya ang doktor na resulta ng scans at nag explain sa kaniya sa complications, danger ng ruptured tumors at mga blood clots. Pero hindi na register sa utak niya ang mga pinagsasabi nito kasi ang laging sumasagi sa isipan niya ay namatay ang kapatid niya kanina.
"Doc, makaka survive po ba ang kapatid ko? Magkaka amnesia po ba siya kagaya sa mga pelikula?" He was going nuts with all the information.
The doctor only said, "Let's just hope that she can pull through this coma. Pero I have to warn you that the brain is very tricky."
Ilang araw din sila pabalik-balik sa hospital pero wala pa ring magandang balita ukol kay Clio maliban na lang sa buhay siya pagkatapos ng operasyon. Sa ikatlong araw simula nang mangyari ang eskandalo, napagdesisyunan nilang pumunta sa lamay ni Solomon Nils.
Kahit lutang sa hangin ang pakiramdam ni Bastien, kahit na namamaga ang mga mata ni Laura at kahit laging nagtatagis ang bagang ni Donovan ay nilunok nila ang pride at kahihiyan lalo na’t pinagtitinginan sila.
Malalim talaga siguro ang pagsasamahan ng kanilang mga pamilya dahil tinanggap ng mga Nils ang taos-pusong pakikiramay ng mga Vivocente. Hindi hadlang ang kamatayan para buwagin ang ilang dekadang pundasyon ng relasyon ng dalawang angkan.
Hindi nga lang nila binanggit ang pangalan ni Clio Xanthe.
Nakatayo si Bastien at Tygo sa labas ng silid habang umiinom konti ng alak. Events were really dramatic for the past days and Bastien was honestly ashamed of what to say to his childhood friend. Pero alam niyang dapat may sabihin siya.
"Bro, in behalf of my family, pasensya na talaga sa mga nangyari," sabi ni Bastien.
Tiningnan siya ni Tygo at tumango ito. He pinched the bridge of his nose with his thumb and forefinger as if the action could erase the current problems. "Yeah... Mom's having a hard time now," he replied quietly. "How's your side coping up?"
Medyo namilog ang mata ni Bastien sa tanong ng kaibigan. Papaano niya sasabihin dito na si Clio ay comatose pa rin? Tama bang sabihin niya rito na fifty-fifty ang tsansang mabuhay ang kapatid?
In neutral voice he answered, "Medyo challenging ang sitwasyon naming ngayon. Si Clio kasi..." Huminto siya ng makita niyang dumilim ang mukha ng kababata.
Shit!
Bakit nasabi niya ang pangalang Clio? Pero kailangan niyang ilabas ang nasa loob niya. "Bro, we move in the same circles at hindi maiiwasan na magkikita tayo kapag may mga pagsasalo. Sorry kasi hindi namin mapigilan si Clio pagdating sa ‘yo. Hindi natin inasahan na ganito ang extent ng ginawa niya."
Tahimik lang ang kausap.
"Kaya as the next in line of the Vivocente family, I promise from this day that me and my family will never mention her name to you. We will stop her obsession towards you. We will do anything that we can that both your ways will not meet in the future. She will not contact or disturb you again."
Tinimbang ni Tygo ang mga sinabi ni Bastien. Inilahad nito ang kamay nito sa kaniya. "Good."
Nilamano ni Bastien ang kaibigan sa kanilang kasunduan. Ang tanging hiling niya sa araw na iyon ay sana maka survive si Clio at sana malimutan niya si Martin Tygo Nils.