Tahimik ito ng makabalik sila mula sa kanilang naging hapunan. Di niya maiwasang di mangamba na baka nagalit ito sa kanya. Oo man hater siya pero kagaya ng isang normal na babae ay gusto din naman niyang maranasan ang mga nararanasan ng mga normal na babaeng kaedad niya.
Naninibago lang siya sa pagiging tahimik nito ngayon. Sanay siya na lagi itong may sagot sa kanya kahit na gaano pa ito kagalit sa kanya. Mas gusto niya iyon kaysa ganitong tahimik lang ito, di niya kasi alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
Nakahiga ito sa kama at walang galaw pero dilat na dilat naman ang mga mata at tulalang nakatitig sa kisame na tila ba ay kay lalim ng iniisip. Naupo siya sa side table at hinarap ito. Mas sanay siyang malandi itong kausap kaysa yung ganito ito na tila problema ang utang ng Pilipinas.
"Hoy Ezekiel Lacsamana, anong-"
"Hsssh I'm concentrating, quiet!" Sabi pa ng baliw na lalaki.
"Baliw ka talagang hinayupak ka, akala ko naman kung ano na ang problema mo." Inis na hinampas niya ito sa balikat. Ngunit di paman dumadapo ang kanyang kamay sa balikat ng huli, ay hinagip nito ang kanyang kamay at malakas na hinila siya papunta sa dereksiyon nito.
Maagap nitong niyakap ang beywang niya. Napakunot ang kanyang noo ng mapuna ang matinding init ng singaw ng katawan nito. Dama din niya ang tila pagigil na yakap nito sa kanya.
"Hoy!" Inis na singhal niya matapos ang pagkakaupo niya sa kandungan nito.
"Haha, stay still!" Sabi pa nito na di man lang nag abalang bitawan siya. Dama niya ang eratikong t***k ng kanyang puso. Dama din niya ang t***k ng puso nito.
"Para kang baliw kakaiba talaga ang mga trip mo sa buhay." Naiiling na sita niya dito.
"Tsss hayaan mo na muna ako, pilit ko pang inaabsorb sa sarili ko na gusto mo ng makipag date sa iba." Tila himig nagtatampo pang sabi nito.
"Baliw makikipag date lang, di ko naman sinabi na mag aasawa ako. Ayokong magkaroon ng sakit sa ulo na kagaya ni Daddy at Lolo." Sabi niya dito.
"E bakit ka makikipag date kung wala ka naman pala balak na asawahin?" Kunot ang noo na tanong pa nito.
"Bakit kailangan ba pakasalan ang makakadate?" Balik tanong niya dito. Tila napaisip naman ito, di naman talaga kailangan na bahagi ng paghahanap ng asawa ang mga dates. Dahil it is just a getting to know pace. Di kailangan na nagkagusto agad kayo sa isat isa.
Nakakatakot din kasi na baka sa una lang masaya tapos sa huli sasaktan at iiwan ka din naman. Nakikita naman niya ang mga ganung scenario sa buhay ng mga kapatid niya. Nakaka trauma sa part niya na di paman nakakaranas na tumikim ng biyaya e nadala na agad.
"What if you fall in love with your date? Damn I will date you nalang para safe." Sabi nito agad. Kung alam lang nito na ito ang pangunahing rason kung bakit siya nagnanais na makipaglapit sa ibang lalaki. Baka sakaling mawala ang kanyang pagkakagusto sa lalaki.
"Baliw isang date lang in love agad OA a, tsaka ayaw mo ba nun di na ako tatandang dalaga." Sabi niya dito na bahagyang gumalaw.
"Tsss, okay papayag akong makipag date ka. Pero ako ang pipili ng makakadate mo." Sabi nito na di man lang nag abala na bitawan siya.
"Hala, bakit ikaw ang pipili, tatay ba kita?" Nakasimangot na tanong niya dito.
"May Tatay bang ganito yumakap? Pang boyfriend na tong yakap ko, practice para naman may idea ka sa matatamasa mong sarap pag pinatulan mo ako. Natural ako ang pipili ng ka date mo, mamaya niyan e adict ang nasumpongan mo. Mahirap na." Sabi pa nito na bahagyang inamoy amoy ang kanyang leeg.
"Hoy, Ezekiel baka mapagkamalan na naman ako na nakikipag lampungan sayo niyan." Saway niya dito.
Nung minsan na niyakap at hinalik halikan siya nito sa leeg ay nilagyan siya ng kiss mark sa leeg niya. The most embarrassing moment of her life. Imagine wala naman siyang nobyo pero may kiss mark siya.
"Anong masama dun?" Kunot ang noo na tanong nito.
"Anong masama, yun ay ang lagyan ako ng kiss marks. Bitaw na at maliligo pa ako!" Sabi niya dito. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad nito sa kanya bago siya binitawan nito.
"Wag kang masyadong magpabango a, baka sumakit ang puson ko." Sabi pa ng baliw na lalaki.
"Ano naman ang kinalaman ko sa puson mo?" Tanong niya sa lalaki na muling pumikit.
"Malalaman mo yan pag naging mag asawa tayo." Sagot pa nito.
"Baliw!"
"Alam ko! Ligo na." Sabi nito na ikinumpas ang mga kamay.
Napailing iling nalang siya sa ginawi nitong iyon. May mga pagkakataon na napapaisip na talaga siya kung ano ba talaga ang mga trip nitong gawin kasama siya. Alam niyang sobrang choosy ang lalaki kaya naman good luck nalang sa mga lalaking mapipili nito na ipa date sa kanya.
Kahit naman tumutol siya ay wala naman siyang magagawa sa kung ano ang maging pasya nito. Unless alam nito na kaya niyang panindigan na mga bagay bagay kasi di ito makakalusot sa kanya. Ipinaglalaban niya talaga hanggang sa umoo nalang ito.
Sa pakikipagdate naman kasi ay wala naman siyang alam sa kung paano ang mga ganung bagay. Kaya naman talagang maghahanap siya ng tao na maghahanap ng ka date para sa kanya. Balak niya sana sa mga katrabaho niya magpahanap ng ka date. Pero alam niya na pag aawayan lang nila pag hindi niya i konsedera ang gusto nito na ito ang pipili sa mga magiging ka date niya.
Gising pa ito ng matapos siyang maligo, naka pajama siya at oversized shirt lalo at katabi niya ito. Alam niyang maraming mga pagkakataon upang gumawa ng paraan na makahanap sila ng hotel para gawing tig isa sila ng silid. Pero mukhang gusto din naman ng bruho na mag clingy sa kanya.
Nahihirapan pa naman siya lalo at minsan napagkakamalan siya nitong ibang babae at kagaya nung nakaraan. Nagising siya na nilalamas nito ang kanyang malulusog na dibdib.
"Finally you're done, akala ko next year kapa lalabas e." Sabi nito na bumangon. Napangiwi siya dahil mukhang naiihi ito kanina pa, dangan nga lang at napatagal ang kanyang muni muni bago nag umpisa na maligo.
Mamaya maya pa ay narinig na niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Mukhang naligo nalang din ito, di naman kasi ito makatulog kung di makapag shower sa gabi bago matulog. Mas masarap naman kasi sa pakiramdam pag nakaligo.
Parang gusto niyang panawan ng ulirat ng lumabas na ito matapos maligo. He is wearing his briefs at pinupunasan ng towel ang ulo nito. Agad siyang napatabon ng unan sa mukha.
"Walang hiya ka talaga Ezekiel Lacsamana, dalaga ang kasama mo sa kama!" Inis na sita niya dito.
"Sus ang arte naman, ang ibang babae pag nakita akong naka ganito bubukaka agad." Natatawa pang sagot nito sa kanya.
"Pwes di ako ibang babae, magbihis ka nga!" Inis na utos niya dito.
"Kiss muna, tapos pakititigan ang katawan ko kung saan ako nagkulang at di mo ako magustohan?" Sabi pa ng baliw na lalaki. Naramdaman niya ang bahagyang paglapit ng mukha nito, mukhang tutuhanan talaga ang halik na hinihingi ng lalaki.
"Siraulo! Magbihis kana, sipain ko yang junior mo!" Banta niya dito.
"Subokan mo, didilaan ko yang mga pwedeng dilaan sayo. Itatali kita sa kama ipaparanas ko sayo ang mga nararanasan ng ibang babae." Sabi nito napatanggal siya ng unan na nakatabon sa mukha niya. She want to know kung talagang seryuso ang lalaki dahil seryuso ang tinig nito.
"Baliw ka talaga,magbihis na kasi!" Pigil na pigil niya na wag mapatingin sa ibabang bahagi ng katawan nito. Partikular na sa bagay na maumbok sa gitnang bahagi ng briefs nito. Nahawakan na niya iyon noon.
"Tsss coward!" Natatawang sabi pa nito bago naglakad papalayo. Gumagalaw galaw pa ang matambok nitong pang upo habang papunta sa luggage nito sa gilid.
Nang makabihis ay tumabi na sa kanya ng higa. Dinaig pa nila ang mag nobya, parang mag asawa na nga sila e. Lalo at may mga pagkakataon na pakiwari niya ay lumalagpas na sila sa boundaries ng kanilang pagkakaibigan.
"Goodnight Disney princess!" Sabi nito sabay dampi ng halik sa noo niya. Sa pisngi at isang matunog na halik sa labi niya.
"G-good night!" Nauutal pa niyang sabi dito. Naramdaman niya ang paghigpit ng pagyapos nito sa kanyang katawan. Tila ba ay ayaw siyang pakawalan.
Mamaya maya pa ay humihilik pa ang lalaki. Natutukso siyang damhin ang nakaumbok na tumutusok sa kanyang puwetan. Pero kaagad niyang sinaway ang kanyang sarili lalo at dalawa lang sila sa silid na iyon. Alam niya ang ibig sabihin ng pagtikas ng alaga nito.
Either naiihi o naghahanap ng mapapasukan, ayaw niyang mag assume na siya ang dahilan ng pagtigas niyon. Napahigpit din ang yakap niya ng napadiin ang katigasan nito sa kanya. Parang biglang sumikip ang paligid at uminit ang kanyang paligid.
Nakapikit ito kaya di nalang siya nagpahalata na nararamdaman niya ang paninigas ng alaga nito. Pinilit niyang matulog sa kabila ng kakaibang pakiramdam na hatid ng pagkakadaiti ng katigasan nito sa kanya.