BB1
"Ughh I'm too tired." reklamo ni Kiel, nakasandal ito sa sofa niya, they been best friends since the time they meet, that was Eight years ago. Nung una ay natakot siyang mapalapit dito, pero kalaunan ay naging maayos din ang lahat.
Inakala niyang isang supervisor sa LGC ang lalaki at kalaunan ay nalaman niyang anak pala ito ng may ari. Nung una iniwas iwasan niya pero makulit at pursigedo ito hanggang sa naging regular visitor na niya ang lalaki sa bahay niya.
"Lagi naman, kumain kana, mamaya nalang kita i massage, alam ko na yang ganyan mong mga mudos." sabi niya dito na pailing iling.
"Hay salamat nakaramdam, sige dahil diyan ay sagot ko na ang pizza mamaya, may bago akong movie dito, panoorin natin." sabi nito bago tumayo at lumapit sa kanya, pinatakan ng matunog na halik ang pisngi niya.
"Anong movie, baka naman porn yan ah, scensored bawal tayo niyan." biro niya.
"Tiniyak kung pwede sayo haha, anong ulam natin?", tanong nito, bago lumapit sa lamesa.
"Maka natin to, may ambag ka?", pinanlakihan niya ito ng mata. At tinaasan ng kilay kalaunan, may mga pagkakataon na magugulat nalang siya nasa bahay na niya ito. Nakikitulog pa nga madalas na at may sarili na din itong silid sa bahay niya, may mga damit na din kaya madalas siyang tinutukso ng kanyang mga kapatid na sila. Pero how she wished?.
Kilala na niya ito from head to toe kaya alam niyang iba ito sa mga lalaking nanloko sa kanila. Unang una sa listahan ng mga nanloko sa kanila ay ang sarili nilang ama na iniwan sila sa takot na mawalan ng mana, sunod ay ang lolo niya, nagpakamatay ang kanilang lola ng malaman na may tatlong kabet ang lolo nila at dalhin sa mismong bahay nila upang doon patirahin.
Simula nung mangyari iyon ay isinumpa niya na di siya matutulad sa Mama at sa Lola nila. Kaya naman ay allergy siya sa lalaki. Pero kagaya niya ay malapit din si Kiel sa kanyang mga kapatid.
"Hala di ba nagdala ng grocery si Manang Lucing dito?" tanong nito sa kanya.
"Ngee akala ko kay Tito Rico yun galing, haha kaya pala lakas ng loob makatanong ng 'ulam natin', adobo na manok." sagot niya dito.
"Wow, da best ka talaga, kaibigan kaya nagrereklamo na ang mga pantalon ko sayo e, masyado na akong malusog," sabi nito na itinaas ang damit, may pa abs ang lolo niya.
"O siya itago mo yang Tabs mo at baka maumay ako, mahambalos ko yan, este matouch ko yan." tumatawang biro niya.
"Sus, ikaw lang e, matagal ko nang ipinagduldolan sayo pero di mabenta pagdating sayo." Sabi nito na animo e nasaktan.
"Sige push mo yan, kung kumain ka nalang e, dami mong kuda." natatawang iniwan ang laptop niya.
Kumuha siya ng serving plate at nagsandok ng kanin at ulam, at ang magaling niyang kaibigan ay nasa mesa na tapping his fingers on the table.
"Bwesita lang ang peg natin a," na tinawanan lang nito.
"Nanlalambing lang sayo ang tao e." nakangusong sabi nito na kumikindat kindat pa.
"Sus, nanlalambing araw araw, abuso na ang tawag dun." sabi niya dito.
"Syempre, alangan sino lalambingin ko e ikaw lang naman ang binabahay ko." biro nito na nakatikim ng sabunot sa kanya.
"Balahura yang bunganga mo a, nakakapolute ka ng katinuan ko." reklamo niya, nang mabitawan ang ulo nito.
"Sus, arte mo naman, parang luging lugi kapa sa akin a, kung looks ang pag usapan, panalo kana, lalo kung sa abs at sa Junior deparment." sabi nito na sumusubo.
"Junior department?, ano yun?" taka niyang tanong, inginuso naman nito ang bandang puson nito.
"Ahhh, am so hate you na talaga, bastos kang damuho ka." pulang pula na ang mukha niya sa mga green jokes nito.
"Hala, im just stating facts here, o change topic naba tayo o gusto mo pa." pang aasar nito.
Pinandilatan niya ito.
"Nga pala, umuwe ka sa inyo?" tanong nito, ang tinutukoy nito ay sa pamilya niya.
"Ayon, hiwalay na si Budak at yung Magno na iyon, si Ate naman e, ayun pumuputak kasi nagdala ng babae ang hinayupak niyang asawa, wala na talagang matinong lalaki sa earth." himutok niya.
"Uy wag namang lahatin, ibahin mo ko, pag tayo ang nagkatuloyan paliligayahin lang kita, tapos di ako mambabae, kasi takot ko nalang sayo." depensa nito.
"Asa kang patulan kita, mapera ka pa, lalong turn off, ayoko sa mayaman." sabi niya pa.
"E di sige, donate natin lahat ng pera ko, di na rin ako magtatrabaho, kasi baka lalo pa akong yumaman." sabi nito sa seryusong tinig.
"Seryuso na kasi, alam mo sa kakaganyan nila, di na ako magtataka kung tatandang dalaga ako." himutok pa niya, Naghugas ito ng pinggan, kaya medyo basa pa ang kamay bago tumabi sa kanya ng upo.
"Alam mo kasi Shang, magkakaiba ang lahat ng tao, meaning ang kapalaran ng isa ay di kaparehas sa kapalaran ng iba, at ikaw at ang ate mo ay magkaibang magkaiba ang kapalaran nyong dalawa, kaya wag kang nega." Sabi nito na seryusong nakatingin sa kanya.
"Anong iba sa akin aber?" Taas ang kilay niyang tanong dito.
Ikaw alam mo na kung ano ang tama sa mali, e si Ate mo inuna ang magpamilya kaya ganun, minsan kasi it has nothing to do with the fate, but it's about the choice that we made, kalokohan naman kasi yung sinasabi ng iba na no choice na, may ibang choices kaya lang mas matimbang ang isang choice." sabi nito na hinubad ang butones ng polo nito.
"Wow ang lalim, salamat po sa words of wisdom, masyado akong na overwehlm, e sa kasabihang, it happened for a reason, naniniwala ka?" untag niya dito tumabi akong maupo sa sofa. Yung tabi is tabi talaga no space at all kaya lagi silang napagkamalan na mag jowa. Gusto niya ang pakiramdam na katabi ito lalo pag stress sya.
"Yeah, maybe, but it is always depend on your choices, if you choose to be happy, whatever happened, no one can take that happiness from you." sabi nito.
"Yeah, alam mo minsan ang talino mo, dapat ganyan palagi, ano bang nakain mo?," nakangisi niyang sabi dito.
"Wala pa nga akong kain e. Kain na tayo o." Sabi nito, napatili siya ng buhatin siya nito ng walang kahirap hirap. Iniupo siya nito sa may mesa alam na niyang ito na ang bahalang maghain. Sa kabila ng estado nito sa buhay ay marunong ito sa gawaing bahay. Pag may sakit siya ay ito ang kanyang katulong sa bahay, minsan nagpapadala ng katulong lalo pag nasa ibang bansa ito.
"Stay put kalang diyan, ako na ang bahala. Dapat mga ganitong lalaki ang hinahanap mo para mapangasawa mo. Para naman masaya ka." Biro pa nito. Natawa siya sa sinabi nito, ayaw niyang bigyan ng ibang kahulogan ang lahat lalo at ibang iba ang pagiging kaibigan sa ka ibigan. Ayaw niyang masira ang ilang taon nilang pagkakaibigan.
Kaya kahit ang paghalik nito sa kanya nung minsan na nagawi ito sa bahay niya, ay inilihim niya dito. Gusto niyang magalit dito matapos ang naging kapangahasan nito. Ngunit may sakit ito ng muling bumalik sa unit niya, ayon dito ay wala itong maalala nung gabing iyon. Alam niyang iisipin nitong ambisyosa siya pag sinabi niyang hinalikan siya nito at worst e mag away pa sila. Kaya naman itinago nalang niya.