El Nido Palawan
Makulimlim ang kalangitan pero di naman yung tipo na uulan O may bagyo na parating. Masarap maligo sa dagat o sa pool.
Mas pinili lang niya na manahimik sa isang tabi at namnamin ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan. Sa di kalayuan ay naroon ang kaibigan niya, abala sa pakikipag-usap sa ilang mga executives. Tindig palang ay mahahalata na agad na mga di basta bastang tao ang mga ito.
Pinayagan lang siya nito na lumayo layo konti, lalo na ng sabihin nito sa kanya na pawang mga lalaki ang magiging ka meeting nito ngayon. Kadarating lang nila pero agad agad na trabaho agad ang ginawa ng lalaki. Malalaking mga kompanya ang hawak ng kaibigan kaya naman ay di na nakapagtataka na abalang abala ang kaibigan. Pero mas madalas naman itong magpakita sa kanya.
Di naman sa ayaw niya itong makita, sadyang ayaw niya lang na masanay siya na palaging kasama ang lalaki. Lalo at alam naman niyang darating ang time talaga na kailangan na nilang harapin ang buhay buhay nila na magkahiwalay.
Man hater nga siguro siya pero exempted yata ang kaibigan niya sa mga iyon. Nakikita niya naman kasi na iba ito sa daddy niya lalong lalo na sa Lolo niya. Di ito ang tipo ng lalaki na nagsasabay ng dalawang babae sa pakikipag relasyon nito.
"Miss Shaira Abbigail, pinapatawag ka po ng boyfriend nyo." Sabi ng isang waiter na lumapit sa kanya sabay turo sa dereksiyon ng kaibigan niyang pinagtripan na naman siyang ipakilalang girlfriend nito.
Dapat ay sanay na siya pero nandiyan parin at di niya parin mapigilan ang kilig na dulot niyon sa kanya. Nakakatakot ang ganung pakiramdam. Lalo niyang ibinabaon ang sarili niya sa buhay ng kaibigan, alam niyang mahihirapan siya na mag move on pag dumating ang time na maikasal na ito sa iba.
Ilang beses siya nitong biniro na pikotin na niya ito. Lalo at halos gawin na siya nitong nobya, gaya ngayon iisang silid na naman ang kinuha ng damuho. Simula ng nangyari ang insidinteng nahawakan niya ang alaga nito ay iniiwasan na niyang mapagsolo sila sa kama. Ayos lang kung yakap yakapin siya nito sa sofa, sa sasakyan basta wag lang sa kama.
Hanggat maari ay iniiwasan niya na maulit ang tagpong iyon. Pero ang lalaki ay tila sinasadya pa nga at ito di man lang nag abala na mag inquire sa ibang hotel ng malaman na iisa nalang ang natitirang available room.
Picked season kaya naman ay alam niya na wala talaga, maganda ang hotel na kanilang inuukopa at alam niyang di naman ito kukuha ng mumurahin para sa ganitong mga travel lalo pag kasama siya.
"Sige salamat." Sabi nalang niya. Bago tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ng kanyang kaibigan. Dinig ang tawanan ng mga kasama nito, may mga gwapo din na kasama ang mga ito. Kagaya ni Red, Reeve, Damon at ang kapatid nito na si Eric. May kasama na dalawang matanda ang mga ito.
"O ito na pala asawa mo Pre." Si Red ng makita siya. Agad niya itong pinanlakihan ng mgA mata.
"Red!" Saway niya dito.
"Bakit? Kasal nalang naman ang kulang sa inyo." Tudyo pa ng lalaki sa kanya.
"Hay naku Abby, alam naman ng sambayanang filipino na halos gawin kanang asawa nitong best friend mo kuno. Di na kami magugulat kung isa sa mga araw na darating ay magka panganay na agad kayo." Biro ni Damon.
"Tigilan nyo nga kami sa kakaganyan nyo. Pag ako nainis aanakan ko nalang talaga to." Saway ni Kiel sa mga kasama pero may bakas ng kalokohan sa mga ngiti nito. Hinagip pa nito ang kanyang balikat at inakbayan siya.
Mabuti nga at wala si Dom at si Yael, tiyak na katakot takot na pang aasar ang aabutin niya sa kaibigan nitong iyon. Idagdag mo pa ang pasmado ang bunganga na si Jhai.
"Ayee ang sweet, tara kain na tayo." Aya sa kanila ni Red na mukhang kagaya niya ay gutom na din. Nauna ng dating ang mga ito sa kanila, nauna ng ilang minuto lang naman.
Alas kwatro kanina ng madaling araw ng gisingin siya ng kaibigan. Halos tulog pa siya ng maligo kanina, parang gusto niya pang magsisi na pumayag siyang karay karayin ng lalaki kung saan saan.
"Do you want to pursue the contract with the Gardoza?" Untag ni Warren kay Kiel.
"Si Dos ang makikipag deal sa kanila, I don't want to get involve with that family again. Personal or business man, ayokong bigyan na naman ng kulay ni Hazel ang lahat." sagot nito na di man lang nag abala na alisin ang kamay nito sa balikat niya.
"Sabagay kahit naman kung ako ang nasa sitwasyon mo, I will definitely do the same thing lalo at napaka agresibo ni Hazel na makalapit sayo." Si Gio.
"Akala ko ba nagkabalikan na sila ni Senator Ted?" Tanong ni Thunder na nakakunot ang noo.
"I don't know and I don't care, mas magagalit ako pag ito ang mag love life." Sabi ng kaibigan na itinuro pa siya.
"Ngee ayoko nga, ayokong magaya kina Mama at lola no!" Ingos niya.
"Tsss pag inasawa kita di ka naman magagaya sa kanila. Aanakan kita taon taon at gabi gabi kang pagod." Sabay kindat pa ng damuho.
"Aysus may assurance na o, anong hinihintay mo grab mo na babe." Biro naman ni Eric.
"Ang harot mo talagang lalaki ka. Kung ano ano na naman ang pumapasok diyan sa utak mo!" Inis na sabi niya sa lalaki na tumawa lang. Hoe she wish na ganitong lalaki ang mapangasawa niya. She know how responsible her best friend is.
Ito ang tipo ng lalaki na mataas ang pagpapahalaga sa pamilya. Saludo siya dito sa bagay na iyon, pero minsan naiisip niya na masyado itong perpekto para sa isang kagaya niyang durog na durog ang tiwala.
"Nagsasabi lang ng totoo, don't smile!" Sabi nito na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong. Napalinga siya at nakita niya ang lalaki sa dulo na halatang halata ang ginagawang pagtitig sa kanya.
"Someone is staring at you," sabi pa nito na halatang naiinis.
"Wag ka ngang ganyan di naman siguro ako ang tinitigan niya Apaka over protective mo, iparanas mo naman sa akin ang maligawan." Nakangusong sabi niya sa lalaki.
"Wag kasing over protective, alalahanin nyo best friend lang kayo." Sabi ni Gio na halata ang pang aasar sa mukha nito.
"Tss paano kung saktan ka nila?" Halata ang disgusto sa mukha nito.
"Date lang di ko pa naman aasawahin!" Singhal niya pa dito at nauna ng maglakad palayo dito. Baka sakaling pag makakita siya ng ibang lalaki na mabait din sa mga babae ay maibaling niya ang kanyang pagtingin sa mga lalaki.