BB7

1321 Words
First date Nagulat pa siya ng makita si Feby na kasama nito na naghihintay sa kanyang pagdating. Ngayon nakatakda ang unang pakikipag date, at syempre pa ay ito ang pumili sa kanyang makakadate. Di niya kailanman naging close si Feby lalo at ex ito ng lalaki. Alam niyang may hidden agenda ang babae sa pakikipag lapit nito ngayon. Nag break ang mga ito ng dahil sa kanya, di naman niya makita ang sense ng paninibugho nito sa kanya. Una palang naman ay nilinaw na nila na magkaibigan lang sila ni Ezekiel. Pero di nagpapaawat ang babae noon at halos saktan pa siya nito physically kung di lang mabilis ang naging pag awat ni Gio ay baka nagpang abot sila. Di rin naman niya pinangarap na makaplastikan ang babae, masyado itong agresibo na babae to the point na halos ito na ang gumagawa ng paraan para masilo ang kanyang best friend. "Hi?" Parang ayaw na tuloy niyang pumunta sa date na iyon. "Hello." Halata naman na pilit ang ngiti na pinakawalan nito. Pero care niya ba? Di naman siya magugutom kung peke man ang lahat lahat sa babae. Mula sa mukha hanggang sa ugali nito peke. "Si Ezekiel?" Tanong niya dito, sakto naman na nakita niya sa kusina ang kaibigan. "Sa loob, bakit ngayon mo lang naisipan na makipag date. Di sana di kami naghiwalay ni kiel." Sabi nito, di man lang nagpanggap ang gaga na close sila. Sadya na agad na ipinakita ang ugali nitong pagkabaho baho naman. Di man lang nag effort na mag acting, kunwari ay close close ba. Masyado itong proud sa ugali nitong patapon, as if naman titiklop siya dito. "Walang kinalaman sa pagiging makitid ng utak mo ang pakikipag date ko. Single or in a relationship man ako labas na po ako sa mga affairs ni Ezekiel." Sagot niya, pinag diinan niya ng po para naman tuboan ng galang kahit wamport lang. "Ako pa ang makitid ang utak, don't you think na mas bagay sa iyo ang adjective na makitid ang utak?" Mataray na asik nito. Pupusta siya mamaya pag pasok ni Kiel parang di makabasag ng itlog ang mukha ng babae. "Adjective ba yun? Bagay na bagay sayo yun bhe, puro kalang naman ganda pero bakante ang space ng utak mo." Patutsada niya, nakapaskil ang ngisi sa mukha. Kung trip nitong makipag asaran sa kanya ngayon at di niya ito uurongan. "Idiot! Alam mo na noon paman na pinagseselosan kita, pero panay parin ang siksik mo sa kanya na akala mo girlfriend ka." Tila mangangain na ng tao ang mukha nito. Pero alam niyang masyado itong composed at di nito magagawa na makapanakit pag nasa paligid si Kiel. Alam nito kung gaano ka over protective ang lalaki sa kanya. Sa aming dalawa ay alam ng babae na mas kakampihan siya ni Kiel kaysa dito. Bukod kasi sa mas matagal na silang magkaibigan ay itinalaga na nito sa isip nito na poprotektahan siya nito sa kahit na sino. "Correction lang tayo friend, siya ang habol ng habol not the other way around." Sabi niya na tinaas taasan pa ng kilay ang babae. "You are not my friend and we will never be." Halata sa maganda nitong mukha ang matinding disgusto sa kanya. Will the feeling is mutual, sukang suka siya sa mukha nito na double sided. "Lalo naman ako no. Hayst ano pala ang ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito. "She insisted to help." Dinig niyang sabat ni Ezekiel. Mukhang natunogan na nito ang kanilang alitan na dalawa. Halata sa sa babae ang pagiging kontrabida, kaya di na kataka taka pa, lalo na at di na yata nito kayang ikubli ang kasamaan ng ugali nito. "Di mo man lang sya nasabihan na di siya welcome dito, nasaan naba yung aso mo?" Tanong niya sa kaibigan na halata ang kaaliwan sa mukha sa nagaganap na bangayan nila ng babae. Mahilig talaga ang mga lalaki sa sabong, malamang e gwapong gwapo na naman ito sa sarili nito ngayong tila pinag aagawan nila ito. "E di hindi welcome! Masyado kang maarte akala mo ba ikinaganda mo yan? Desperada! Kailangan pa ng taga organize ng date. Wala man lang ba gustong makipag date sayo?" Puno ng panunuya na sabi nito. Medyo nasapol siya sa sinabi nitong iyon, matagal tagal na din naman ng huling may nagtangka na manligaw sa kanya. Lagi silang napagkamalan na magkasintahan ng kanyang best friend, kaya naman safe siya sa mga lalaking gustong maisahan lang siya. Dumadaan sa mga kamay nito ang lahat ng lalaking gustong mapalapit sa kanya. At di naman na siya interesado sa mga iyon. "Meron kaya nga kailangan ko ng taga organized. Ikaw kasi paisa isa lang kaya go agad, kailangan pa kasi na mag set ng date kung kailan ako available kaya kailangan may taga organize." Ngising aso na sagot niya sa babae. "Feelingera, aalis na ako. Anyway see you around Kiel." Sabi nito na humalik pa sa pisngi ng lalaki. Mabilis na kinuha niya ang wet wipes na nasa table at ipinunas sa pisngi ng kaibigan. Sinigurado niya na makikita ng bruha. "Masyadong makamandag ang laway nya, mahirap na mahal ang anti rabies vaccine ngayon." Sabi niya sa kaibigan na tatawa tawa. "Di talaga kayo mapag sama sa iisang lugar." Komento ng lalaki ng makita ang pag walk out ng babae. "Masyado kasi siyang toxic kaya ganun." Sabi niya na naupo sa couch. Tila nahapo siya sa pakikipagtalo sa babae, goodluck nalang sa kaibigan niya pag ang babae ang nakatuloyan nito. Ito ang tipo ng babae na babad sa night life, mahilig ito sa mga gimmick, shopping at mga outing. Isa iyon sa mga idinadaing ng lalaki, lalo at ilang beses din na nagbabanta ang babae na magpapakamatay pag nakipag break daw ang kanyang kaibigan. Kaya ginawa siyang shield ng lalaki kaya naman di na nakakapagtaka kung abot langit ang galit ng babae sa kanya. "Yang babae mo naman kasi, naku sinasabi ko sayo kung yun ang balak mong asawahin pag aralan mo ng wag makipagkita sa akin. Ayoko ng gulo sa buhay ko, baka tuloyan na akong makapatay ng tao." Inis na sermon niya sa lalaki. "Break na kami uy, loyal na ako sayo. Magpaganda kana dun." Sabi niya sabay turo sa loob. Pumasok naman siya sa loob pero di pala ito nag iisa dahil nasa loob si Sonia ang isa sa mga babaeng nalilink sa lalaki. Parang gusto niyang mag back out nalang, kung sana pumayag lang ang lalaki na siya na ang bahala sa lahat total siya naman ang makikipag date. Pero kung matigas ang paninindigan niya ay matigas din ang pag insist na ginagawa nito. Panay ang harutan ng dalawa habang inaayusan siya ng babaeng make up artist. Di naman niya kailangan na magandang maganda siya para sa araw na iyon pero wala naman siyang choice. Nakakarindi pa ang ingay ng hagikhik ng babae na akala mo ay kinikiliti ang tinggil. "You really so funny huh!" Panggagaya niya sa babae ng mag cr ito. "Haha lahat nalang ayaw mo." Sabi nito sa kanya. "Wala man bang matino sa kanila, lahat may deprensya." Inis na reklamo niya, bigla naman na napaurong ang kanyang dila at naisip niyang baka ma offend niya ang lalaki at mukhang nililigawan ng kaibigan ang babae. "She is better than Feby, pero kung may gugustohin man akong mapangasawa. I want it to be you." Sabi nito sa kanya na ikinatigil yata ng mundo niya. Hanggang matapos ang pag aayos sa kanya ay di na bumalik ang easiness sa kanya. Parang naiwan siya sa time na sinabi nito na I want it to be you. Parang iba kasi ang datingan ng sinabi nitong iyon. Parang may pahiwatig ayaw niya lang bigyan ng pansin at baka biro na naman nito iyon. Inihatid siya ng mga ito sa kanyang date, sa labas lang ng resto. Ayon dito isang mabuting lalaki ang napili nito para sa kanya. Kaya good luck sa kanya. l
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD