Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov (Chess’ White Queen)
“Sigurado ang kapatid mo na iyan ang grupong pinamumunuan ni Ravena?” tanong sa akin ni Hydra na abala sa paglalagay ng bala sa hawak niyang sniper gun. “Hindi pamilyar ang mukha ng mga iyan eh.”
Tumango ako. “Nandiyan ang dalawa sa mga pinatakas ni Ry kaya nakakasiguro sila na iyan ang grupong nagpakilalang Ravena na siyang tumambang sa kanila.”
“But what do you think?” tanong ni Cassiopeia na nagmamanman sa grupong iyon. Silang dalawa naman ang kasama ko dito sa observation tower para bantayan ang kilos ng mga kalaban na nasa bungad ng lupain namin. “May kinalaman ba kay Ravena ang grupong iyan?”
Napakamot ako ng ulo. “Sa totoo lang ay hindi ko alam.”
Kunot ang kanilang noo ng bumaling sa akin.
“Well, we all know Ravena,” sabi ko. “Hindi niya kakalabanin ang mga taong alam niyang may kakayahan na balikan siya. And torturing someone from Royal University will bring nothing but death to him and to the people that he loved.”
Aware ang lalaking iyon sa power struggle na nangyayari sa mundo. Alam din niya kung paano gumalaw ang mga taong may malaking pangalan, malaking pera at impluwensiya.
Kaya nga sobra ang pag-iingat na kanyang ginagawa sa tuwing may papasukin silang laban sa Underground.
Lagi niyang sinisiguro na laban para sa pera ang papasukin niya nang sa gayon ay kahit may mapatay sila ay walang babalik para gumanti.
Kaya napakaimposible na siya ang pinuno ng kakalabanin namin ngayon.
Pero sa isang banda…
Ibinalik ko ang tingin sa direksyon kung nasaan ang kampo ng kalaban.
“But that woman is there,” mahina kong sambit.
“Woman?” sabay na tanong ng dalawa.
“Iyong babae na may suot na gray sailor uniform at may hawak na puting kaha ng katana,” sabi ko.
Agad nilang kinuha ang kanilang binocular at agad na hinanap ang babaeng sinasabi ko.
“Oh?” ani Hydra. “Sino ang babaeng iyon?”
“That was his wife or something,” sagot ko. Though, hindi ko alam kung natuloy ang kasal niya sa babaeng ito.
Pero alam ko kung gaano niya kamahal ang babaeng ito kaya natuloy man o hindi ang kanilang kasal ay mananatili pa din siya sa tabi nito.
“Iyan ang commander ng squad na susugod sa atin, hindi ba?” ani Hydra.
Tumango ako. “Isa iyan sa gumugulo sa isip ko kaya hindi nawawala sa isip ko ang posibilidad na ang grupo ngang iyan ay ang pinamumunuan ni Ravena.” Napakamot ako ng ulo. “Possessive ang lokong iyon. At minsang nabanggit ni Ravena sa akin noon bago ako tuluyang lumayo sa kanila na gusto ng babaeng ito na sumali sa grupo nila. Noong una ay ayaw niya pang pumayag ngunit nagtangka itong sumali sa ibang grupo kaya wala na siyang nagawa kundi isali ito sa grupo niya.”
Para sa kanya, mas gugustuhin na niyang sa mismong grupo niya kasali ang babaeng mahal niya nang sa gayon ay mabantayan niya ito at maportektahan kaysa sa ibang grupo na mayroon pang posibilidad na makalaban nila.
Hay nako!
Halos anim na buwan lang naman kaming nakakulong sa loob ng Royal University. Pero napakalaking ng mga pagbabagong naganap sa buong bansa nang lumabas kami.
At isa na doon ang grupong ito.
Huminga ako ng malalim. “Well, I guess I don’t really have any choice but to look for an answer myself.”
Nakakapagod din na mag-isip ng mga teorya. Kaya mas mabuting habulin na lang ang katotohanan.
Bumaling ako kina Hydra at Cassiopeia. “Tawagin niyo na sina Phoenix. Magsisimula na ang laro.”
Ngumisi sila pagkuwa’y agad nilang binitbit ang mga baril nila tsaka bumaba ng tower.
“Sana lang ay makapag-hold back ako kapag siya na ang kaharap ko,” mahina kong bulong habang nakatitig sa babaeng iyon. “Kakailanganin ko ng sagot sa mga katanungan ko bago harapin si Ravena.”
********************
3rd person’s Pov
Habang abala sa kani-kanilang trabaho ang Chess at ang mga royal blood na pansamantala nilang pinapatuloy sa kanilang estate ay abala din si Zhairell at ang kanyang grupo sa operasyon na kanilang gagawin.
Sa pamumuno ng Chess’ white queen, palihim na pumuslit ang kanyang mga underlings palapit sa grupo ng Ravena na abala pa din sa kanilang paghahanda para sa plano nilang pagsugod sa tirahan ng Chess.
At lingid sa kanilang kaalaman, mula sa dilim ng hating gabi, isa-isa nang nababawasan ang kanilang mga kasama.
Zhairell and her underlings manage to sneak inside Ravena’s base and start to take down their men, one by one.
They will sneak behind them, covering their mouth to make sure that they will not make any kind of sound and stab them in the neck to finish the job.
They keep doing that and no one in the enemy’s group manages to notice what is happening around them.
Even Caira, commander of Ravena’s squad, who was resting in her tent.
Kaya naman hindi na siya nakagalaw ng maramdaman niya ang malamig at matalas na patalim na ngayon ay nakatutok sa kanyang leeg habang nasa kanyang likuran ay si Zhairell na suot ang kanyang maskara.
“I don’t really know who to greet you,” sabi ni Zhairell. “But well, I guess it is nice to meet you, Caira.”
“W-who are you?”
“The one that you are supposed to attack?” Kinuha ni Zhairell ang posas na kanyang dala at agad iyong isinuot sa magkabilang braso ni Caira matapos niya itong payakapin sa makapal na poste na nagsisilbing haligi ng tent na tinutuluyan nito.
Maliban pa doon ay ipinosas din nito ang dalawa nitong paa sa dulo ng mabigat na bakal na kanyang nakita habang papunta dito.
Nang masigurong hindi na ito makakatakas pa ay nagpwesto siya ng upuan sa harap nito at naupo dito. “Hindi ko alam kung paano ba natin uumpisahan ang pag-uusap nating ito.”
“Sa tingin mo ba ay makukuha kang impormasyon sa akin?” matapang na sambit ni Caira kahit ang totoo ay kinakabahan na siya sa kanyang nararamdaman habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya.
Hindi niya ito kilala ngunit ramdam niya ang nakakatakot at delikado nitong aura na siyang nagpapanginig ng kanyang katawan ngunit hindi niya iyon maaaring ipakita dahil malinaw na kalaban niya ang isang ito.
“Oh well. Why don’t we start with a simple introduction since it looks to me that you don’t know me.” Inalis ni Zhairell ang kanyang maskara at nakangiting tumingin dito. “I am Zhairell Kheina Xermin-Mirchovich.”