Mairon Pyxis H. Vienna’s Pov (White Queen’s Pawn - Phoenix)
Halos ilang buwan ko na ding kasama ang mga kaibigan ni Zhairell na siyang mga naging underlings niya nang tuluyang mabuo ang ikalawang henerasyon ng Chess.
Pumayag sila na ako ang maging second-in-command ni Zhairell bilang white queen. Pumayag sila na ako ang maging leader nila kapag wala si Zhairell pero hanggang ngayon ay wala pa din akong masyadong nalalaman tungkol sa kanila.
Ang nag-iisang bagay na nalalaman ko tungkol sa kanila ay ang pagiging foreigner nila sa bansang ito at nag-migrate sila dito dahil sa isang tao.
Si Zhairell.
Wala akong ideya kung paano niya nakilala ang mga ito. Ni ayaw din nilang sabihin sa akin.
Ang naikwento lang nila ay iyong encounter nila sa cruise ship. Maliban doon ay wala nang may gustong magkwento.
At base sa kanilang mga reaksyon ay hindi iyon maganda na para bang isa iyong nakakahiyang pagkakataon sa buhay nila.
“How are things here?” Bumaling ako kay Zhairell na kakadating lang.
Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa labas ng Chess Estate. Mayroon kasing observation tower dito kung saan tanaw namin ang kabuuan ng lupain.
At mula dito ay tanaw namin ang kampo ng kalaban na walang kaalam-alam na nakikita na namin ang bawat kilos nila pagtapak pa lamang nila sa lupain ng Chess.
Hindi kasi halata na isa itong observation tower. Mukha lang itong ordinaryong poste ng kuryente ngunit kaysa ang dalawa hanggang tatlong tao sa loob nito.
Isang disguise para sa seguridad ng Chess Estate.
Maliban dito sa main gate, mayroon din nito sa bawat corner ng estate, maging sa apat pang gate nito sa dalawang gilid at likod.
“Tingin ko ay mamayang gabi pa ang plano nilang pagsalakay sa atin,” sabi ko. “Nagsasaya pa sila eh.”
“Oh.” Tumangu-tango sila. “Iniisip ba nila na ganoon lang kadaling sugurin ang estate porket wala dito ang unang henerasyon ng Chess?”
“Well, hindi pa naman natin naipaparating sa buong mundo ang nagawa natin sa loob ng RU kaya hindi na nakakapagtaka na ina-underestimate nila tayo,” paliwanag ko. “Higit pa doon, hindi ba’t pinalabas ng Jagare na sumabog ang RU, kasama ang lahat ng naroon kaya iniisip ng lahat na hindi tayo threat para sa kanila.”
“Well, you have a point there,” aniya. “And I don’t really mind being underestimated. Mas gusto ko ngang nakikita iyong gulat sa mga mukha nila oras na makita nila ang kakayahan ko.”
At muli na naman sumilay ang mala-demonyong ngiti sa kanyang labi na hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakasanayan.
Halos wala pa ngang isang linggo nang malaman ko na tulad ni Tita Zaire ay may nakakatakot din palang side itong si Zhairell.
Buong akala ko ay isa siyang mala-anghel na babae dahil wala siyang ipinakita sa akin noon kundi kabutihan.
At sa totoo lang, pakiramdam ko noong una ay napaglaruan ako dahil hindi ko siya lubusang nakilala gayong halos sabay na kaming lumaki. Naging magkaibigan at higit pa doon ay minahal namin ang isa’t-isa.
She never gave me the chance to see the whole side of her.
But now that I finally see all of it, tingin ko ay tama rin ang ginawa niya.
Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin na makita ang side na itinago niya sa akin. Masyado iyong intense para sa isang tulad ko na puro sariling pangarap lang ang inintindi.
Baka kung noon ko iyon nakita ay masira din maging ang pagkakaibigan namin na siyang natitira na lamang sa amin ngayon. I am not strong enough to face that side of her.
Kaya tanggap ko na ang kinahantungan ng pagmamahal ko sa kanya. At sapat na sa akin na maging second in-command at kaibigan niya.
“Hey…”
Natauhan ako at bumalik sa wisyo nang pitikin ni Zhairell ang noo ko.
Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “Anong nangyayari sayo?” tanong niya. “Ang lalim ng iniisip mo, ah.”
Umiling ako habang hinihimas ang noo ko. Medyo masakit ang pagkakapitik niya sa akin. “Hindi pa lang din ako nasasanay sa tuwing nakikita ko iyang mala-demonyo mong ngiti.”
“Oh.” Muli ay tumangu-tango siya pagkuwa’y pinag-krus ang kanyang mga kamay sa dibdib niya. “Well, naiintindihan ko naman at hindi kita masisisi. Hindi ito ang pagkakakilala mo sa akin.”
“Yeah,” sabi ko. “Kaya may mga pagkakataon pa din na natutulala ako dahil naiisip kong hindi ganyan ang ngiti na madalas kong makita sayo.”
“Alam mo, minsan ay iniisip ko na paano kung ipinakita ko sayo ang buong ako noong panahong tayo,” aniya. “Matatanggap mo kaya ako?”
Bumuntong hininga ako. Kasabay ng pagpapakita niya sa akin ng ganitong side ay ang pagiging prangka niya kung saan hindi siya nagdadalawang-isip na sabihin kung anuman ang tumatakbo sa isip niya.
Kahit alam niyang makakalikha lang iyon ng nakakailang na sitwasyon.
“Just be honest with me,” sabi niya. “Paano kung itong nakikita mo sa akin ngayon ay ipinakita ko na noon pa? Sa tingin mo ba ay kakayanin mo akong makasama araw-aaraw?”
Muli akong bumuntong hininga. “I will be honest with you,” sabi ko. “Ang totoo niyan, iniisip ko na hindi kita matatanggap at baka ako pa ang unang lumayo sayo dahil dito.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”
“Maybe because one of the reasons why I fell in love with you is your angelic attitude,” sagot ko. “You were so nice and understanding. You always do everything calmly and even though someone is trying to harm you, it seems like it never upsets you and keeps your composure while trying to deal with the situation.”
“So, you will not love me if you see my demonic side?”
“Hindi naman siguro sa hindi kita mamahalin,” paglilinaw ko. “Siguro hindi lang sa punto na maglalakas ako ng loob na ligawan ka. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi kaya ng ego ko kung mas malakas at mas maangas pa sa akin ang girlfriend ko.”
“Ah, typical man’s ego.”
Bahagya akong natawa ngunit tumangu-tango din bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. “Let’s just face reality. Karamihan talaga sa mga lalaki ay naghahanap ng babaeng nangangailangan ng proteksyon nila. Most of them wanted to feel needed badly. Some wanted to look cool in front of a woman. And some are using that so they could control a woman.”
“And you?” tanong niya. “Ano ang dahilan bakit mas gusto mo iyong babaeng ikaw ang magpo-protekta?”
“Siguro gusto ko lang patunayan sa sarili ko na malakas din ako tulad ni Mommy at Crolhaine,” sagot ko. “Siguro gusto ko lang makita na tulad nila ay kaya ko ding protektahan ang taong mahalaga sa akin.”
“Well, siguro ay tama na din pala ang ginawa kong iyon noon,” sabi niya. “At least we got to know how to love each other. And let’s just be honest that our previous relationship is one of the reasons why we become compatible to work with each other. You know, me being the Chess’ White Queen and you being my pawn who will first move so that I could make my own move.”
Well, I couldn’t agree more.
Kung ang iba ay sinasabi na hindi maaaring maging magkaibigan ang mag-ex, well, isa kami sa patunay na kahit mag-ex kami ay marami pa din kaming magagawang maganda na ikabubuti ng mga kaibigan namin.