Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
Gusto kong matawa habang nakatingin sa gulat na mukha ni Caira nang alisin ko ang aking maskara at banggitin ko ang pangalan ko.
Hindi ba nasabi sa kanya ng mga kasama niya kung sino ang kakaharapin nila sa lugar na ito para magulat siya ng ganyan?
“X-Xermin…” mahina niyang sabi habang nakatitig sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi mo kilala ng haharapin mo sa lugar na susugurin mo?”
“They just told me that I will fight some royal bloods that manage to get out of Royal University!”
Kung kanina ay labis-labis ang pagpipigil niya na itago ang takot na nararamdaman niya, ngayon naman ay hindi na siya nag-abala pa. Nagsimula na nga din siyang maluha at bakas ng pagmamakaawa ang kanyang mga mata.
Itinuro ko ang sarili ko. “I am one of those RU students that managed to get out of there and decided to reside here.”
“Oh s**t! s**t!” Sunod-sunod ang kanyang mura at hindi na natigil pa ang pagluha niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung umaarte lang siya para maawa ako sa kanya dahil parang pinapakita niyang nalinlang lamang siya ng mga kasamang nagpadala sa kanya dito.
Baka gumagawa lang siya ng paraan para makatakas ng buhay gayong naunahan na namin sila sa pagkilos.
Pero iba ang pakiramdam ko dito eh.
Is she some kind of distraction?
Oh well! I don’t really care about that. It is not like I didn’t prepare something just in case of every situation that I might think of.
“So, since it looks to me that you didn’t expect that you will face someone like me in this operation, I think I can give you some offer to spare your life.”
Doon ko nakita ang bahagyang pagliwanag ng mukha niya. “R-really?”
Tumango ako. “I will let you live in exchange of useful information.”
Natigilan siya at hindi na nakakapagtaka iyon dahil kapag nakarating sa mga kasama niya na nakipag-deal siya sa akin ay kamatayan din ang hahantungan niya.
But like what I said before, I am not that heartless. I can prepare something for her to stay alive. Lalo na’t kilala ko si Ravena na alam kong asawa niya.
Well, that actually depends on the information that she will give.
“So?” Tinaasan ko siya ng kilay. “I will ask you a question and you will simply answer it truthfully. Just so you know, I will know if you lie to me and I will not think twice about killing you where you stand if you do that. Are we clear on that?”
She desperately nodded her head. “I…I will tell you what you want to know.”
Ngumiti ako at tumango. “Good.” Inilabas ko ang dagger na dala ko at itinapat iyon sa kanya. “First question is why are you here?”
“Nakakuha kami ng impormasyon sa isa sa mga RU student na na-torture namin,” panimula niya. “Sinabi niya na tuluyan nang nakalabas ang lahat ng estudyante ng Royal University at kasalukuyang naglalagi sa Hellion Residence na dating pag-aari ng Chess.”
“And you don’t have any idea that the second generation of Chess, that was composed of the original Chess’ children, were part of the RU’s students?”
Umiling-iling siya. “W-walang binanggit sa amin ang estudyanteng iyon,” giit niya. “H-hindi na din kami nag-abala pang alamin iyon dahil alam naming abala ang Chess sa pakikipaglaban sa border para pigilan ang mga dayuhan na pumuslit papasok dito.”
“So, ano ang kailangan nyo sa mga RU students?”
Umiling siya. “W-wala kaming kailangan sa kanila,” sagot niya. “We are just using them to find Jin Sun Shiraishi and his royal guards. They are our real objective.”
“Oh.” Tumangu-tango ako. “The head of Royal University. What do you need from them?”
“We are working under Aletta's order,” she said. And that actually made me shocked because I never really thought that Ravena would actually bow down to the people who knew nothing but bully the weak.
Which is against his principles before.
Oh, maybe he already changed from what I knew about him before.
“They wanted Ravena to handle everything about capturing Jin and his royal guards while their main force set their foot at the Royal University in search of something,” dagdag niya.
Mukhang tama nga ang hinala namin ni Kuya Zhaiken.
Aletta was just using Kit’s death for them to enter the Royal University without much of a hassle. Pero hindi nila inaasahan na hindi nila makukuha ang suporta ng palasyo kaya naman napilitan na silang gamitin ang kanilang buong pwersa.
And there are a lot of things that they will surely after at that place.
The gold of Carmello Mafia that was hidden by Harith, if we are not mistaken. The diamonds that Zhairy found in its soil confirmed that there are diamond mines in that mountain. The rare plants and flowers that only grow in that place… and so on.
That mountain’s resources were the real goal of Aletta.
Though, hindi pa ako sigurado kung kaanib nila ang Jagare. Wala pa akong nakikitang koneksyon sa dalawang grupo kaya nahihirapan akong pagdugtungin ang mga bagay na nangyayari ngayon.
“I understand.”
“I-ibig bang sabihin niyan—” Itinaas ko ang kamay ko sa harap niya upang pigilan siya sa kanyang pagsasalita.
“Hindi pa ako tapos magtanong.”
Napakagat siya ng labi.
“I still have things that I want to know,” sabi ko. “About Ravena.”
Kumunot ang noo niya. “W-what do you mean?”
“To be honest, I personally know him.” I said. “And the last time I saw him was when you were his fiancee. So, can you tell me what happened to him in the past months? Do that and I will let you live.”
I need to know what happened to that man before I faced him.
Nakausap ko na sina Attila kanina at sinabi nila na hawak na nila si Ravena. Dinala nila ito sa isang private room na mayroon kami sa Underground at ako na lang ang hinihintay nila.
At kahit gusto ko nang makaharap ang lalaking iyon nang sa gayon ay maliwanagan ako sa nagaganap sa grupo niya ay hindi naman maaaring humarap ako sa kanya ng walang nalalaman tungkol sa kanya.
Hindi sapat ang kung ano ang pinagsamahan namin noon para magawa ko siyang mapagsalita kung bakit bigla nilang naisipan na makipagtulungan sa mga Alleta.