Prologue
Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
As we get out of Royal University, isang malaking problema naman ang agad naming hinarap dahil bago pa man kami makababa sa paanan ng bundok na siyang kinalalagyan ng eskwelahan ay sinalubong na kami ng main force ng Aletta Army.
At dahil hindi pa naghihilom ang mga sugat namin ay pinaubaya ko na sa mga kapatid ko ang pagliligpit sa mga iyon. Ayaw ko namang mapagalitan pa ako ni Rayzsel kapag muling bumuka ang sugat ko na katatahi lang niya.
Pagkatapos noon ay nakakuha kami ng impormasyon sa isa sa mga mersenaryo na nagtatrabaho sa mga Aletta na hindi pa tuluyang inilalabas ng mga ito ang kanilang pwersa.
Sila pa lamang ang unang hukbo na ipinadala ng mga ito upang siguruhin lamang na mababawasan ang bilang ng mga estudyanteng lalabas ng Royal University.
Para pa nga itong nasisiraan ng bait dahil tumatawa ito habang paulit-ulit na sinasabing hindi namin kakayanin ang hukbong inipon ng mga Alleta at maghanda na raw kami sa kamatayan na aming kakahrapin.
At dahil wala ako sa mood makinig sa mga walang kwenta niyang sinasabi ay ako na ang tumapos ng buhay niya.
Nagsimula na ang giyera sa pagitan ng Avenir at ng mga bansang nagpipilit pumasok sa loob ng teritoryo namin kaya hindi ko na kailangan pang isipin kung royal blood ba o hindi ang isang taong kikitilan ko ng buhay.
“So?” Bumaling ako sa lahat. “Ano na ang plano natin?”
“Umuwi muna tayo sa Hellion Residence,” sambit ni Zhairy. “Nandoon ang lahat ng gamit na kakailanganin natin at sigurado pang hindi tayo basta masusugod ng kalaban kaya makakapag pahinga tayo ng maayos.”
Itinuro ko ang mga royal blood na kasama namin. “Paano naman ang mga iyan? Pababayaan na natin?”
“Their country is now engaging war against our country,” singit ni Kuya Zhaiken. “Kaya wala na tayong responsibilidad sa kanila.”
“Pero hindi ba’t hindi pa din sila basta makakaalis ng mainland?” tanong ni Crescent. “Traps were placed all over our country’s border. At alam nating lahat na nilagay ang mga iyon para pigilan na makaalis ang sinumang nasa loob pa ng bansa.”
“Like what I said, that is not our problem anymore,” giit ni Kuya. “Mayroon tayong mas malaking bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga brats na walang ibang ginawa kundi ang pahirapan tayo.”
“Ahm…” Lumapit sa akin ang ilan sa mga tauhan ng Jagare na pinili kong buhayin. “What about us? I thought…”
“You are working under me so you don’t have to worry,” paniniguro ko sa kanila. “I will provide you with everything you need as long as you do your part, okay?”
Nafta-trabaho lang naman ang mga taong ito sa Jagare dahil pinangakuan sila ni Achim at Yoo na babayaran ng malaking halaga oras na matapos ang mga plano nila.
Ngunit hindi naman nila inaasahan na mala-halimaw pala ang mga taong kinalaban ng dalawang iyon kaya nang magising sila ay agad silang nagmakaawa para sa buhay nila at nangako na gagawin ang lahat para pagbayaran ang tangka nilang pagkalaban sa amin.
At dahil hindi maganda ang sitwasyon ng bansa, naisip ko na kailangan namin ang lahat ng tulong na malilikom namin dahil hindi nga naman biro ang problemang kinakaharap namin.
The Aletta army is one thing. Pero paano pa ang mga grupo na mula sa iba’t-ibang bansa na siyang makakapuslit papasok dito?
So, I offered them food and shelter, plus money that Achim and Yoo owed to them in exchange of their loyalty
Gumawa pa si Capricorn, isang licensed lawyer, ng kontrata upang maging legal ang kasunduan namin nang sa gayon ay traydurin man nila ako ay hindi ako mananagot sa anumang mangyari sa kanila.
Proteksyon din na gawing legal ang bawat kasunduan na papasukin namin, isang bagay na laging pinapaalala sa akin ni Mommy noong nagte-training pa lang ako.
“Ken…” Bumaling kami kay Kheeryn, ang crown princess ng Avenir, nang lumapit siya sa amin. “Please don’t abandon these people.” Tukoy niya sa mga royal bloods na kasama namin. “It was not their choice to put our parents in that kind of situation.”
Kheeryn is also our second cousin but we are not that close to her. Lagi kasi siyang nakakulong sa palasyo habang bihira naman ang pagbisita namin doon kaya bihira lang din namin siyang nakakasama.
“But it was their choice to become our burden,” giit ni Kuya Zhaiken. “I only promised Mom to take them out of the school’s premises alive and I already fulfilled that promise. Ngayon ay hindi ko na problema kung ano ang gagawin nila para maka-sur—”
“I have a proposition to make!” Sumingit ako sa harap ni Kuya Zhaiken at Kheeryn. “I will give them the same offer that I gave to these people.” Itinuro ko ang mga mersenaryong magta-trabaho sa akin. “Food and shelter. Protection and a place to survive until everything was over.”
“In exchange for our loyalty?” singit ni Farah na agad kong inilingan.
“I don’t really need your loyalty,” sabi ko. “Hindi kasi kayo direktang magtatrabaho sa akin. But you have to earn what you keep. If you are going to come with us to Hellion Residence, you have to work to operate all the facilities we have there.”
“Hey!” alma ni Zhairy. “Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan?”
Bumaling ako sa kanya at nakangiting tumango. “Like what you said earlier, Hellion Residence is the safest place for all of us. And these people,” Itinuro ko ang mga ka-schoolmates namin. “Yes, kaya nilang lumaban kung sakali man na makaharap nila ang tauhan ng mga Aletta ngunit hindi sapat ang nalalaman nila para talunin ang mga iyon. They need a safe place and we have that kind of place.”
“And you are inviting them over,” sabi ni Crescent. “Just to remind you that most of them actually tried to kill Chess.”
“But they didn’t do it,” balik ko sa kanya. “Why?” Itinuro ko si Jin. “Because they still respect Jin and they are willing to restrict their bloodlust if Jin asks for it.” Ibinalik ko ang tingin sa mga schoolmates namin. “Right?”
Hindi sila sumagot ngunit isa-isa silang nag-iwas ng tingin sa akin na para bang nakakabawas ng pagiging cool ang pag-amin sa isang bagay na ipinangalandakan ng iba para sa kanila.
“Surviving doesn’t really need respect,” dagdag ko. “As long as you did your job, you will have a place inside Hellion Residence.”
Aba, lubusin na nila ang pagiging mabait ko. Dahil kapag tinanggihan pa nila ito ay talagang mawawalan na ako ng pakialam sa kung anuman ang mangyari sa kanila sa daan.
Maliwanag ang babala sa amin ng mga mersenaryo ng Aletta na nakaharap namin. They have orders to kill everyone in sight, especially when they are seen around Trost City.
“That is the only offer I can give to you,” sabi ko. “You either take it or leave it. Wala lang tayong sisihan sa kung ano ang mangyayari sa inyo sa desisyon na gagawin nyo.”