Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
At tulad ng plano ay agad na akong pumunta ng Underground para harapin si Ravena, ang leader ng grupong naiwan dito sa Avenir’s mainland para mang-hunting ng mga royal bloods na kanilang makikita at kumuha ng impormasyon mula sa mga ito nang sa gayon ay malaman nila kung nasaan sina Jin Shiraishi at ang royal guards nito.
“Napaaga ang dating mo, Boss,” sambit ni Vela nang salubungin kami sa labas ng Underground. “Hindi ba’t bukas ka pa dapat pupunta dito?”
“Something happened,” I said. “May mga dapat akong asikasuhin agad kaya kailangan ko nang matapos ang problema kay Ravena.”
“Oh?” Ngumisi siya. “I like the sound of your voice when you said that. Ibig bang sabihin niyan ay personal mo nang haharapin ang mga Aletta?”
Ngumiti ako at tumango. “It was actually Cloud’s idea. Mukhang matatagalan kasi sina Kuya Ken at Ry sa misyon nila kaya kailangan na ng tulong sa pagha-handle sa mismong base ng kalaban.”
“Oh, great!” Napatalon pa siya sa tuwa. “Mukhang magiging exciting ang gagawin natin niyan.”
Natawa ako at tinapik ang balikat niya. “Relax, okay?” Napailing-iling pa ako. Minsan ay naa-amaze pa din ako kapag nakikita ko ang reaksyon nila tuwing mayroon akong delikadong bagay na ipapagawa sa kanila.
Hindi ko naman kasi iyon nakikita sa mga barkada ko pero itong mga underlings ko? Aba, parang laging sabik sa labanan.
Well, hindi ko sila masisisi. Ang pakikipaglaban ang ginagamit nilang stress reliever para sa mga nakaka-stress nilang normal jobs.
“Anyway, ready him for me,” sabi ko. “Mukhang hindi magiging madali ang pakikipag-usap na gagawin ko sa kanya.”
Sa mga nangyari kay Ravena, nasisiguro kong hindi nito basta-basta ilalaglag ang mga Aletta.
Masyadong malalim ang koneksyon niya sa mga ito kaya mahihirapan din akong makakuha ng impormasyon mula sa kanya.
But I need to do it quickly. Observing the Aletta army personally will give us more advantages than getting information from their men.
“And looks who is here,” nakangising sambit ni Ravena nang makita ako pagpasok pa lang sa silid kung saan siya dinala nila Cancer. “Long time no see, Zhairell Mirchovich.”
Ngumiti ako at naupo sa mahabang sofa na nakapwesto sa harap niya.
Nakaluhod siya ngayon sa sahig habang nakatali ang mga kamay niya sa mismong paa niya upang pigilan ang kahit anong pagtatangka niyang makatakas. Nakatali din ang katawan niya sa poste bilang paniniguro.
“Yeah, it is really a long time, Raiven Asker,” sabi ko. “Or should I just call you Ravena?”
“So?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi ko akalain na ikaw pala ang amo ng mga ito.” Tukoy niya kina Cancer na nakaupo sa gilid niya. “Kung alam ko lang na ikaw pala ang may gustong kumausap sa akin ay hindi na sana ako nanlaban pa.”
“Oh, well.” Sinenyasan ko sina Cancer na alisin na ang tali nito.
Akma pa ngang tututol si Attila ngunit tinanguan ko lang siya bilang senyales na walang magiging problema kahit alisin ang tali nito.
“Sorry about that,” tukoy ko sa pagkakatali niya. “My underlings are just a bit cautious since I talked highly about you.”
Tumayo siya at nag-inat.
“Especially now that you are working beside our enemy,” dagdag ko.
Natigilan siya at tumingin sa akin nang nakakunot ang noo. “Kalaban nyo ang mga Aletta?”
Tumango ako. “Pinsan ko ang isa sa may-ari ng Royal University na gusto nilang kunin. At ako, kasama ang iba ko pang kapatid, pinsan at kaibigan ay estudyante din ng eskwelahan na iyon.”
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin na para bang tinitimbang pa ang sitwasyon.
Medyo tensionado pa ang mga kasama ko at mataman na nakatingin sa kanya. At hindi ko sila masisisi lalo na’t ang lalaking ito ang pinuno ng isang grupo ng Aletta na siyang nananakit ng mga nahuhuli nitong RU’s students.
Bumuntong hininga siya pagkuwa’y ginulo ang kanyang buhok. Naupo siyang muli sa sahig. “s**t! Hindi man lang kami nasabihan na isa ka sa posible naming makaharap sa trabahong ibinigay nila sa amin.”
“Oh?” Tinaasan ko siya ng kilay. “You accepted a job without even asking who you might face?”
Nakahiga ako ng maluwag kahit paano dahil hindi siya nagtangkang lumaban ngayon. Sa totoo lang ay gagawa pa siya ng paraan para makalayo sa akin at walang kahit anong sasabihin sa dahilan kung bakit nga ba siya nandito.
“It was an urgent notice by the head of Aletta clan,” sabi niya. “I was planning to get out of the mainland when the palace issued an evacuation notice. Pero hindi ako natuloy dahil ipinatawag ako ng mga Aletta.”
“Nalaman ko na may malaki kang utang na loob sa mga Aletta kaya ka nagtatrabaho sa kanila ngayon.”
Muli siyang natigilan ngunit ngumiti na lamang ng mapait.
Siguro ay inaasahan na din niyang alam ko kung bakit nga ba siya nagtatrabaho sa mga Aletta, ngayong alam niyang ako ang nagpakuha sa kanya.
“I guess it is the most stupid thing that I did in my life,” mahina niyang sambit. “Kung alam ko lang na ganito ang magiging kapalit ng mga tulong nila sa akin noon.”
Sinenyasan ko ang mga kasama ko na lumabas muna ng silid.
Bakas ang pagtutol sa kanilang mga mata at akma pang magrereklamo si Cancer ngunit binigyan ko sila ng masamang tingin kaya kahit masama ang loob ay iniwan nila kaming dalawa ni Ravena.
“Why didn’t you call me?” I asked. “Sinabihan ko naman kayo, lalo na ikaw… na kapag may naging problema kayo ay tawagan niyo agad ako. Kaya bakit sa ibang tao ka pa humingi ng tulong at hindi sa akin?”
Tumingin siya sa akin. “Sa tingin mo ba ay madaling maniwala sa pangako ng isang tulad mo?”
Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”
“Come on, Kheina…” Itinuro niya ako mula ulo hanggang paa. “You are part of the richest family in the whole world. People believed that you were basically the owner of this land. Habang kami ay normal na mamamayan lang ng bansang ito. Kaya paano nga ba kami makakasigurado na tutulungan mo kami gayong sandaling panahon lang naman tayo nagkasama.”
Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng kaunting kirot mula sa aking dibdib matapos marinig iyon. Ito ang unang pagkakataon na nahusgahan ang pagkatao ko dahil sa pagiging kabilang ko sa dalawang pamilya na itinuturing na pinakamayaman sa buong mundo.
I mean, I never faked myself to all the people that I face. Mabait ako sa mga taong mabait sa akin. Masama ako sa mga taong masama sa akin.
At lagi kong pinaparamdam sa mga nakakasalamuha ko na handa akong tumulong sa kanila sa abot ng makakaya ko, especially if it is a life and death situation.
Mismong phone number ko pa nga ang ibinibigay ko sa kanila para direkta nila akong ma-kontak kung sakali man na kailangan ng tulong ko.
Hindi sa pagyayabang pero marami na akong natulungan, dahil iyon ang pangako ko. Ito lang ang unang pagkakataon na mayroong mag-iisip na walang laman ang pangako ko sa kanila nang sabihing handa akong tumulong sa kahit na anong pagkakataon.
Huminga ako ng malalim. “Well, if that is what you think then I don’t really need to feel bad because I couldn’t help you.”
Tumitig siya sa akin.
“I made sure that you will feel my sincerity when I promised you that I would help you with everything I can, you just have to call me,” sabi ko. “So, hindi ko na kasalanan kung hindi niyo naramdaman ang sinseridad kong iyon.”
“Kheina…”
Ngumiti ako at tumayo. “Well, wala na akong kailangan na malaman mula sayo,” sabi ko. “Pwede ka nang umalis.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Papakawalan mo ako?”
Tumango ako. “But the next time we see each other and you are still part of the Aletta squad, I will not hold back.” Naglakad ako palapit sa kanya at nananatili ang ngiti ko hanggang tuluyan akong makarating sa harap niya. “I will not hesitate to kill you and anyone with you.”
This is just a warning for him.
Gusto ko lang malaman niya na handa akong talikuran ang pinagsamahan namin noon kung mananatili sila sa panig ng Aletta.
Dahil wala akong ibang gagawin sa angkan na iyon kundi ang pabagsakin lalo na’t puro problema lang naman sa bansa ang ibinibigay nila sa amin.
“And oh…” Ipinatong ko ang aking kamay sa balikat niya. “Lilinawin ko lang sayo na ginagawa ko kung ano ang sinasabi ko. Kaya pag-isipan mong mabuti ang susunod mong gagawin.” Unti-unti kong inalis ang ngiti sa labi ko at matalim siyang tiningnan. “Goodluck na lang.” Tinapik-tapik ko ang balikat niya at tuluyan siyang iniwan.
Sinalubong ako nila Cancer at mga nakakunot pa ang noo nila.
“Hahayaan mo siya?” tanong ni Vela. “Baka nakakalimutan mong malaki ang utang na loob niya sa mga Aletta kaya hindi iyan basta titiwalag doon.”
“Just let him live for now,” sabi ko. “If he still chooses to fight for Aletta and you face him in the field, then you don’t need to hold back. Kill him if you want.”
“Sure ka diyan, boss?” tanong ni Cancer. “Hindi ba—”
“Siya na mismo ang pumutol ng ugnayan namin,” tugon ko. “Kaya kung mananatili siya sa panig ng mga Aletta, ituturing natin siyang kalaban.”
Tinitigan nila ako ngunit hindi na nagsalita at bumuntong hininga na lang.
“Then, let’s go home.”