Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
“You’re pushing yourself too hard, Strea,” sambit ko dito nang makita na walang lakas nitong binagsak ang sarili sa sofa. “Ilang araw ka nang labas-pasok dito sa estate para makakuha ng impormasyon.”
“Gathering information about what is happening around are the most important things we need right now,” sagot niya. “Lalo na para sa mga susunod na hakbang na gagawin mo.” Tumingin siya sa akin. “Kahit gaano ka kagaling, kailangan mong paghandaan ang lahat ng hakbang na gagawin mo.”
“She is right,” sabat ni Cloud. “Ngayon lang naman maghihirap si Strea. Kapag ikaw na ang kumilos, puro pahinga na lang iyan dito dahil wala na din naman siyang ibang gagawin sa susunod.”
Napaismid ako. “Sa tingin mo ay makakapagpahinga iyan kung may alagain siyang pasaway tulad ng pinsan niyang saksakan ng arte?”
She may be instructed to train and help us but her real objective of sticking with us is still because of her cousin, Kheeryn. She needs to take care of her and protect her.
May dugong Xermin man ang babaeng iyon ay hindi siya tulad namin na dumaan sa matinding training kaya mayroon kaming kakayahan na protektahan ang sarili namin.
Pinalaki kasi siyang spoiled dahil nag-iisang anak at siyang tagapagmana ng trono ng Avenir kaya kinailangan pang ipadala ng hari si Strea para lang bantayan iyon.
Bumuntong hininga ako. “Please don’t push yourself too hard, okay?” sabi ko. “Mas mahihirapan kami kapag ikaw ang nagkasakit.”
Aba, wala ni isa sa aming magbabarkada ang kayang tagalan ang ugali ni Kheeryn. Si Strea lang ang mayroong pasensya na pakisamahan ang brat na iyon kaya kailangan na manatili na maayos ang kalusugan niya.
“Huwag kang mag-alala masyado, Kheina,” ani Strea. “Inaalagaan din naman ako ni Rayszel kaya hindi ako basta magkakasakit.”
At eksakto namang dumating si Rayzsel na may dala itong isang pitsel na may lamang juice. Nagsalin siya sa isang baso at iniabot iyon kay Strea.
“It is made with herbs,” sabi ni Rayzsel. “Hinaluan ko na din ng prutas para hindi masyadong malasa ang mga herbal na hinalo ko. Makakatulong iyan sa inyo para makabawi kayo ng lakas.”
Tumingin sa akin si Cloud na para bang pinahihiwatig na wala akong dapat ipag-alala.
Bumuntong hininga ako at ibinalik ang tingin sa mga papel na binigay ni Strea.
Well, tama naman kasi sila. Hindi lang mga serum, drugs at medicine ang ginagawa ni Rayzsel gamit ang mga halaman at bulaklak na nakuha niya sa garden ni Jyn.
Kahit mga herbal na pwede niyang ihalo sa inumin at pagkain na magbibigay ng mga bitamina na magpapalakas ng resistensya namin.
At nakikipag-coordinate siya kina Klari at Milly upang siguruhin na maayos ang pangangatawan namin, lalo na sa mga panahon aalis kami para sa mga misyon namin.
“What about you?” Tinaasan ako ng kilay ni Strea. “Hindi ba’t masyado ka ding abala sa mga trabaho dito lalo na’t wala ang mga kapatid mo?”
“Iyong ginagawa ko ay walang-wala sa kung anong ginagawa mo,” sabi ko sa kanya. “Aba’y doble kaya ng trabaho ko ang pag-aalaga na ginagawa mo kay Kheeryn.”
“Don’t say that, Khei.” Pinaningkitan niya ako ng mata. “She is still a princess of this country. You should keep respecting her position.”
“Sa sitwasyon ng bansa natin, useless ang pagiging prinsesa niya!” ismid ko. “She is just a spoiled brat in my eyes and you can’t change that. Kahit pa bumalik sa normal ang lahat, isa pa din siyang brat.”
Kung si Tito Zephyr ang masusunod, sigurado akong ipaparanas nito ang matinding training, tulad ng dinanas ni Strea. Iyon lang kasi ang paraan upang masiguro na kahit walang kasama ay mananatili itong ligtas dahil kaya nitong protektahan ang sarili.
Pero hindi naiintindihan ni Tita Kheen ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ni Kheeryn bilang kabilang sa angkan ng Xermin at nag-iisang tagapagmana ng trono ng Avenir, kaya sinisiguro nito na hindi mabigat ang training dadanasin nito.
Kaya heto, kailangan pa siyang bantayan ni Strea.
“Don’t let your mother hear that,” sabi ni Cloud. “They may not agree on how Queen Kheen raised her daughter, but she still wants us to respect them.”
Napaismid lalo ako.
I don’t really understand why they sheltered Queen Kheen and Kheeryn so much about the danger they might face, as part of Xermin-Avenir. Higit na madugo ang sitwasyon ng mga Xermin sa palasyo. Maraming tao sa Royal Region ang hindi sang-ayon sa pagkakabilang ng isang Xermin sa royal family.
Dapat ay aware sila sa mga posibleng panganib na maaari nilang kaharapin.
Pero dahil mahina ang loob ng reyna ay wala silang magawa ngayon kung hindi ang iasa ang kaligtasan nila sa mga taong higit na malakas sa kanila.
“Tama na ang ang ganitong usapan,” sambit ko. “Kahit anong sabihin niyo ay hindi ko maiintindihan kung bakit masyado niyong inilalayo si Kheeryn sa reyalidad ng buhay niya bilang kabilang sa angkan ng Avenir. Sigurado ako na kapag bumalik na sa normal ang lahat, magsisimula na ang mga branch family ng Avenir ang lahat para alisin siya sa posisyon niya. Or did you forget what they did to Princess Leana when they saw that she didn’t deserve to be part of the Avenir Clan?”
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Kumuha lang ako ng baso na naglalaman ng juice na gawa ni Rayszel tsaka lumabas ng bahay.
Princess Leana, the sister of Kheeryn’s grandfather, was exiled from the palace when she got framed for a crime she didn’t commit. The people behind that incident insisted that they only did what was best for the Avenir Clan.
Sa isip nila, problema lamang ang dala ng prinsesang iyon sa kanila at magiging dahilan pa ito upang humina ang impluwensiya ng Avenir sa bansa.
At dahil doon ay nalagay sa panganib ang buhay nito.
Nang tuluyang maresolba ang problemang iyon ay pinili nitong manirahan sa ibang bansa upang kalimutan ang lahat ng masasakit na alaala na dinanas dito.
At posibleng iyon din ang kahahantungan ni Kheeryn kung ipagpapatuloy nila ang pagprotekta sa kanya.
Salubong ang kilay ni Klari nang makita akong nakatayo sa pintuan ng clinic kung saan abala sila ni Milly sa pag-o-organize ng mga gamot na mayroon dito.
“Himala at napadpad ka dito,” aniya. “Hindi ba’t ayaw mong nagpupunta dito?”
Tuluyan akong pumasok at naupo sa kama sa gilid. “May itatanong lang naman ako,” sagot ko. “Kasama sa paghahanda para sa misyon na ibinigay sa akin ni Cloud.”
Tumigil si Milly sa ginagawa tsaka humarap sa akin. “What is it?”
“Do you have any lethal poison that doesn’t have any taste or smell?” tanong ko. “Well, Keira Alleta might not be the smartest person I know but she has a sharp intuition that helps her from any danger that comes her way. So I had to come up with a lot of ways to take her down.”
Iyon lang ang disadvantage namin sa babaeng iyon.
Kung kawalang-puso lang naman ang pag-uusapan ay kaya ko siyang tapatan doon. I can kill anyone who comes my way. But killing that brat will never going to be easy even if I manage to get close to her.
“And poisoning her is one of those ways?”
Tinanguan ko si Klari. “Pero kung wala kayong ganoon ay pwede na iyong lason na paunti-unti siyang manghihina hanggang sa huli na ang lahat kapag nalaman niyang nilalason siya.”
Nagtinginan sila at bakas sa mga mata nila na hindi sila sang-ayon sa plano ko pero sa huli ay bumuntong hininga sila tsaka muling bumaling sa akin.
“Are you sure about your plan?” tanong pa ni Milly. “Killing someone slowly makes you look like a cold-blooded bitch.”
“I intended to make myself look like that,” sagot ko. “Kailangan nilang makita na mali ang desisyon nilang kalabanin ang sinumang kabilang sa atin.”
Muling bumuntong hininga si Klari. “Sa basement ng bahay ni Tita Lenalee nakatago ang mga lethal poison na mayroon dito sa Chess Estate. And only a handful of people can get inside there.”
Napakamot ako ng ulo. “Ibig sabihin ay wala pa kayong access doon?”
Umiling siya. “We can only have access there once we pass the board exam,” dagdag niya. “That is the only condition that Mom has before we deal with poisons because according to her, we were trained to save lives, not to take it.”
“Why don’t you ask Rayszel?” ani Milly. “She is also developing poison, right?”
“As far as I know, wala pa siyang nade-develop na odorless poison kaya hindi pa ako nagpupunta doon.” Ibinagsak ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame.
I was planning to take down Keira slowly but surely using poison. Iyon ang deserve niya pero kung ganitong walang available dito as Chess Estate, I guess I have to think of something else.