Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
I was planning to go to the Underground earlier than scheduled because I really wanted to face Ravena and ask him more things about what happened to him.
Pero mukhang hindi ito ang tamang oras para muli kaming magkaharap.
Agad akong pinabalik ni Crolhaine sa Chess Estate upang salubungin si Strea na kababalik lang mula sa pagtatangka nitong makalapit sa Royal Region kung saan hinihinala naming nananatili ang mga mamamayan ng Avenir na inilikas palayo dito.
At dahil nga wala sina Kuya Zhaiken, Zhairy at Crescent ay ako ang gusto nilang mag-analisa ng sitwasyon gayong priority din talaga namin ang makausap ang mga magulang namin.
“So, you are saying that we are right about our assumptions?” tanong ko kay Strea na agad niyang tinanguan.
“The citizens of this country are safe in the Royal Region,” sabi niya.
Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang marinig iyon.
Well, kung ligtas ang mga Avenirian, siguradong ligtas din ang mga magulang namin. Maliban pa doon ay nasisiguro kong wala ni isang pwersa ng dayuhan ang nakapuslit papasok ng mainland.
“That is the good news,” sabi ni Strea na ikinatigil ko.
“May bad news?” tanong ko.
Muli siyang tumango. “We can’t leave the mainland even though we manage to get past the traps that they put in every border.”
Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”
“Nang subukan kong lumapit sa isa sa mga isla ng Royal Region, agad na lumabas ang mga police at walang pagdadalawang-isip nila akong pinaputukan ng bala,” aniya na ikinalaki ng mga mata ko. “Tingin ko ay mayroong order sa kanila na agad barilin ang sinumang magtatangkang pumasok sa isla na manggagaling sa kahit na anong direksyon.”
“And they don’t bother to ask for any identification?”
“Maybe they are having a hard time communicating with each island,” singit ni Crolhaine. “Just like us. Kaya mahihirapan silang i-confirm ang identity na ibibigay ng kung sinumang makaharap nila kaya iyon na lang ang naisip nilang gawin kung sakali na dumating sa ganoong sitwasyon.”
“Our parents knew that if it was us, we could manage to dodge those bullets. That is why they let the king issue that order,” singit ni Zarah.
Well, hindi ko masisisi sina Mommy kung bakit pumayag sila sa utos na iyon ng hari. They are just protecting thousands of lives.
At kahit gustuhin ay hindi nila maaaring pairalin ang pagiging makasarili lalo na’t hindi maganda ang sitwasyon ng bansa.
“What about the situation at the border?” tanong ni Samara. “Are they still holding the enemy’s force?”
“To be honest, I didn’t get any information about that.” Bagsak ang balikat ni Strea nang sabihin iyon. “Wala akong makitang bangka sa kahit saang port na napuntahan ko. Kahit iyong maliliit na bangka na ginagamit sa pangingisda ay wala din akong nakita.”
It looks like they really made sure that no one will be able to get out of the mainland. Tinanggal nila ang lahat ng sasakyang pandagat nang sa gayon ay hindi maging sagabal sa nangyayaring laban sa border ang mga Aletta na nananatili dito sa mainland.
Bumaling ang lahat sa atin.
“Wala ang mga kapatid mo dito kaya ikaw ang magdesisyon kung ano ang gagawin natin,” sabi ni Francess. “Just don’t make it reckless.”
Napakamot ako ng ulo.
Sa totoo lang ay ayaw kong magsabi kung ano ang dapat nilang gawin dahil hindi naman ako tulad ni Zhairy na gumagawa ng plano na mayroong pag-iingat para sa kaligtasan ng mga kasama namin.
Iba kasi ang mga kaibigan at pinsan ko. They are still not accustomed to the danger that we are facing right now. And death is still not registered in their mind as normal in this kind of situation.
Siguradong hindi nila kakayanin kung ano ang magsasabi ng gagawin nila kaya agad akong nakahinga ng maluwag nang makita si Cloud.
Mabilis ko siyang nilapitan at hinila palapit sa mga kasama namin. “So, he is one of the Chess Player kaya siya ang tanungin nyo kung ano ang dapat gawin sa sitwasyon na ito.”
Agad kong ipinaliwanag kay Cloud ang mga nalaman ni Strea at tumangu-tango lang ito habang nakikinig.
Nang matapos ako ay agad siyang kumuha ng papel at nagsulat doon. Medyo natagalan pa siya dahil mahaba-haba ang isinulat niya ngunit pagkatapos noon ay ibinigay niya ito sa akin.
“Do that,” sabi niya. “There is no danger in any of that so you can rest assured of your safety. Oh well,” Itinuro niya ako. “Maliban sa gagawin mo.”
Itinuro ko ang sarili ko. “Ako?”
Tumango siya. “ Now that you brothers and Moon are out there, handling the first force of Aletta, I’ll let you shoulder all of the dangerous tasks.”
“I don’t mind that,” I said. “Pero bakit ako lang?”
Crolhaine and Strea are also fond of dangerous things. Kaya bakit ako lang ang aasahan niya sa pagdating sa panganib?
“Crolhaine is handling the whole Chess Estate so I can’t put her in any kind of danger,” paliwang niya. “And Strea needs to stay beside Kheeryn because that is her real mission. She can’t just abandon that just because we are in this kind of situation.”
“Oh.” Tumangu-tango ako.
May point naman siya. Maliban kay Jeremiah, si Crolhaine lang ang may kakayahan na panatilihing tumatakbo ang lahat sa loob ng Chess Estate.
Kaya nga siya ang pinili ni Zhairy na maging in-charge sa lahat.
Well, Jeremiah has that kind of ability too but she is too timid. Hindi niya kayang utus-utusan ang ibang royal blood na narito kaya minsan ay nahihirapan siya kapag siya ang iniiwang in-charge ni Zhairy.
Hindi tulad ni Crolhaine na walang pakialam kahit sino pa ang kaharap. She has that strong personality that even the next leader of a powerful country will not dare to oppose.
And Strea, well, she really needs to stay beside Kheeryn. Lalo na ngayon na sinimulan na ng Aletta na targetin ang Chess Estate.
Kailangan na pangalagaan ang susunod na pinuno ng bansang ito gayong walang kasiguraduhan sa kung ano ang nagaganap sa border ng bansa.
Binuklat ko ang papel na ibinigay ni Cloud at napangiti na lang ako. “Well then, let’s do our job.”
Isa-isa kong binigay sa mga kasama ko ang mga gagawin nila at maluwag nila iyong tinanggap. Si Cloud naman kasi ang nagbigay noon kaya talagang wala silang reklamo.
Matapos noon ay agad na kaming naghiwa-hiwalay habang ako ay naghanda ng mga gamit na dadalhin ko para pumunta sa Underground.
Sa ngayon kasi, ang kailangan naming siguruhin ay ang kaligtasan ng lahat ng naninirahan dito sa Chess Estate.
At dahil nagpapadala na ang Aletta ng mga susugod dito ay kailangan naming magtalaga ng mga poprotekta dito habang wala ang mga kapatid ko na siyang humaharap ngayon sa unang pwersa ng Aletta Army.
Kaya ang mga Chess Guards, kasama ang Chess Knight at Rook ang siyang nakatalaga sa mga observation towers na nasa paligid ng estate.
Habang ang mga Chess Bishops naman ang inatasan ni Cloud na lumabas ng syudad para magmasid sa mga galaw ng kalaban. Sila din ang magsisilbing communication network namin gayong hindi gumagana ang mga cellphones namin.
Ang Chess Spies ay inatasan na ni Cloud na hanapin ang iba pang royal bloods na hindi sumama sa amin sa pagpunta dito.
Mas mabuti na iyong mabawasan ang masasaktan na royal blood nang sa gayon ay may panghawakan kami laban sa mga bansang nangtatangkang sumakop sa amin.
Ang mga Chess Medic ay mananatili lang na nakaantabay habang ang mga Chess Dealer ay kakailanganin na ding lumabas upang kumalap ng mga armas na magagamit namin kung sakali man na tuluyang lumabas ang buong hukbo ng Aletta.
At ako?
Well, tulad ng sinabi ni Cloud, ako ang haharap sa pinakadelikadong trabaho at hindi ko naman tatanggihan iyon.
Gusto lang naman niyang pumunta ako sa mismong base ng Aletta at personal na manmanan ang kilos ng mga ito.
Walang problema sa akin ang trabahong ito. At siguradong hindi magdadalawang-isip ang mga underlings ko na sumama sa akin.
Ang iniisip ko lang ay siguradong hindi magugustuhan ni Zhairy kapag ginawa ko ito. Ang pagpunta ko sa mismong base ng kalaban ay para na ring pagpapakamatay lalo na’t talaga namang sinanay ng mga propesyonal ang bawat isang sundalong nakalap ng mga Aletta.
“You are still doing it, right?” sambit ni Strea na nakasandal sa gilid ng pinto ko. “Kahit alam mong mag-aalala sina Zhairy.”
Ngumiti ako. “Mas makakabuti kung may mga mata tayo sa mismong base nila, hindi ba?”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Ako ba ang kinukumbinsi mo o sarili mo?”
Napakamot ako ng ulo.
Bumuntong hininga siya. “Well, we don’t really have any choice in this kind of situation so I will just pray that you have a lot of good luck.” Tumalikod siya sa akin. “Mukhang kakailanganin mo iyon.”
“Maybe you can just trust me, Strea,” sabi ko. “I am not my mother’s daughter for nothing.”
Muli siyang bumaling sa akin. “What do you mean?”
Ngumiti lang ako sa kanya at isinukbit ang bag na dadalhin ko sa aking balikat. “I just want to assure you that I will not die. So, relax ka na, okay?” Tinapik ko ang balikat niya nang lumabas ako ng silid ko.
Para saan pa ang training na ibinigay sa akin nila Mommy kung hindi ko lang din iyon gagamitin para sa ikaka-advantage ko sa sitwasyon?