REIGHN SELESTINE
Okay na ang pakiramdam ko pero tanghali na ako nagising. Narinig ko kasi na may nagdoorbell kaya naman bumangon na ako. Pagbukas ko ng pinto ay may delivery ako. Pero wala naman akong natatandaan na may order ako. Nang silipin ko ang laman ng bag ay nakita ko na forridge ito at may iba pang mga pagkain. Ang bango at halatang masarap pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Sino naman kaya ang nagpadala sa akin ng pagkain na ito?” tanong ko sa sarili ko.
Mas pinili ko na hindi muna ipasok sa loob ng bahay ang pagkain. Mabilis kong tinawagan si Kian para magtanong. Baka kasi siya lang ang nagpadala sa akin. Umuwi yata siya sa bahay ng daddy niya ngayon. Ring lang ng ring ang phone niya pero hindi niya ako sinasagot. Pero hindi ako sumuko dahil paulit-ulit ko siyang tinatawagan.
“Fvck! Why are you calling me?!” galit na tanong niya sa akin habang naririnig akong may umuungol sa background niya.
“Sorry, Kian. Itatanong ko lang sana kung ikaw ba ang nagpadala sa akin ng pagkain?” tanong ko sa kanya.
“Reighn? Sorry, akala ko kung sino. O-Oo ako ang nagpadala sa ‘yo, natanggap mo na ba?” tanong niya sa akin.
“Oo, thank you and sorry kung naistorbo kita. Sige na ituloy mo na ‘yan,” natatawa na sabi ko sa kanya.
“It’s not what you think,” sabi niya sa akin.
“Hahaha, okay lang kilala na kita. Salamat ulit, bye.” sabi ko sa kanya at binaba ko na ang tawag.
Mabilis akong lumabas para kunin na ang pagkain. Nagugutom na rin ako at hindi pa ako kumain dahil nga sa kakagising ko lang. Kaya naman masayang-masaya ako at natatakam talaga ako sa pagkain na pinadala sa akin ng kaibigan ko. Halos lahat kasi ng paborito ko ay nandito.
Or should I say lahat ng mga niluluto sa akin noon ni Kuya Vin. Sa kanya lang naman ako natutong hindi dapat maging maarte sa pagkain dahil maraming bata ang nagugutom. Lagi niyang sinasabi sa akin tuwing pinapanood ko siya na magluto na ang swerte ko daw dahil hindi ko naranasan na magutom kaya dapat hindi ako maging maarte sa pagkain.
Nilagay ko ang kalahati ng lugaw sa mangkok at tinikman ko ito. Napapikit pa ako sa sarap. Ang dami na namang alaala ang bumalik sa akin. Nitong mga nakaraang mga araw ay sunod-sunod kong naalala si Kuya Vin sa pagkain.
Sa totoo lang masarap talaga siya magluto. Papasa nga siyang chef kung gugustuhin niya. Medyo naiinis rin kasi ako dahil lahat ng mga pagkain na kinakain ko ngayon ay mga pagkain na naalala ko siya.
Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang lahat ng ito. Umaasa pa rin talaga siguro ako na nandito siya at magpapakita siya sa akin. Pero kung totoo na nandito siya ay ano naman ang dahilan niya para hindi magpakita sa akin.
Kung iisip ng mabuti ay siya nga itong may kasalanan sa akin dahil hindi man lang niya ako tinawagan. Limang taon na ang dumaan pero ganun pa rin siya wala pa rin siyang paramdam sa akin. Ako lang naman yata ang nakaalala sa kanya pero siya hindi.
Pero noong birthday ko ay bigla na lang may dumating na gift at itong necklace na ito. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng Ren-ren at wala ng iba pa. Kaagad kong pinalig ang ulo ko para tumigil na sa mga iniisip ko.
Ang sabi ko sa sarili ko ay kalahati lang ang kakainin ko pero naubos ko lahat ang pagkain ko. Kaya ito ako ngayon busog na busog. At dahil sa sobrang busog ako ay tinatamad na tuloy akong gumalaw. Humilata na lang ako maghapon dito sa sahig ko sa may sala.
Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Kuya Lance na lalabas kami ngayong alas kwatro kaya naman naligo na ako at nagbihis. Ang sabi niya ay pumunta daw kami ngayon sa festival.
Excited naman ako dahil kaming dalawa lang ang gagala ngayon. Hindi naman nagtagal ay dumating na siya kaya umalis rin kami agad. Tuwang-tuwa talaga ako. Para akong bata na ngayon lang nakalabas dahil ang saya ko talaga sobra.
Naglakad-lakad kami at bumili ng mga pagkain na nagustuhan namin. Hanggang sa may nakita akong cute na mascot. Mabilis akong lumapit at niyakap ko ito. Hindi ito gumalaw kaya bigla na lang akong sumimangot hanggang sa nagulat ako dahil niyakap rin niya ako. Sunod ay binuhat na talaga niya ako. Masaya naman ako dahil ang laki nitong mascot pero ang lambing niya.
Kuya Lance took a photo of me habang naaliw ako sa mascot. Pagkatapos kong magpapicture sa cute mascot ay nagpatuloy kaming dalawa sa pag-iikot. Hanggang sa napagod kami at umupo na muna para kainin ang mga binili namin.
Umiiwas ako ng tingin kay Kuya dahil nakakakaba kasi ang paraan ng pagtingin niya. Masyado siyang gwapo na kahit na wala naman siyang ginagawa ay kinikilig na ako. Habang kumakain kami ay masaya kaming nagkukwentuhan. Ang dami namang napag-usapan.
Iba-ibang topic hanggang sa bigla na lang niya akong tinawag.
“Reighn, may sasabihin sana ako sa ‘yo. Huwag ka sanang mabibigla.” Sabi niya sa akin.
“Ano po ba ‘yon, kuya?” tanong ko sa kanya.
“Kasi…”
“Kasi, ano kuya?”
“Gusto ko sana na…”
“Na…”
“Kuya, sabihin mo na sa akin. Ano ba talaga ang sasabihin mo?”
“Gusto sana kitang ligawan.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
“A—Anong sabi mo, kuya?” Nauutal na tanong ko sa kanya.
“Alam ko na mas matanda ako sa ‘yo. Pero gusto sana kitang ligawan. Kung okay lang sa ‘yo?” Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
Ako naman ay biglang umiwas. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ay kinikilig ako ngayon pero iba ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako at natatakot ako.
“Kuya, kung gusto mo akong ligawan ay sa daddy ko ikaw magpaalam.” Sabi ko sa kanya.
“Magpapaalam ako kay, gov.” Nakangiti na sabi niya sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagkailang. Ganito ba dapat ang reaksyon ko? Alam ko crush ko siya pero bakit parang hindi naman ako masaya? Ewan ko ba nagtataka na ako ngayon.
Pagkatapos namin dito ay hinatid na niya ako sa apartment ko. Ito na rin ang huling beses na magkikita kaming dalawa.
“Puwede ba kitang tawagan lagi?” Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at tumango ako.
“Babalik ako dito pero sa ngayon ay kailangan ko munang bumalik sa Pilipinas. Bye, see you next month Reighn” Nakangiti na sabi niya at bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi.
“Ingat ka sa byahe mo, kuya.” sabi ko sa kanya kahit pa nagulat ako sa ginawa niya.
“Okay lang ba kung Lance na lang ang itawag mo sa akin?”
“Okay, Lance. Ingat ka,” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng apartment ko.
Nang makapasok na ako ay napasandal ako sa may pintuan. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na liligawan niya ako. Like, seryoso ba siya? Gusto niya ako? Hindi naman siguro niya ako liligawan kung hindi niya ako gusto.
Narinig ko na may kumakatok kaya kumunot ang noo ko. May nakalimutan pa kaya siyang sabihin. Mabilis ko naman na binuksan ang pinto.
“May nakalimutan ka ba, La—”