CHAPTER 1
WARNING MATURE CONTENT! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.
(SEQUEL OF NINONG GOVERNOR STORY)
REIGHN SELESTINE
I’m 13 years old at nag-decide ako na gusto kong pumunta sa US para doon na mag-aral. I was diagnosed with anxiety and depression pero ngayon ay okay na ako. I want to explore at gusto ko rin na maging independent woman like my mom.
Gusto kong sanayin ang sarili ko na maging malakas. Ayaw ko ng matakot kapag mag-isa ako. Masaya ako na pinayagan ako ng daddy ko at supportive siya sa akin. Nandito pa kami sa Pilipinas dahil ang daddy ko ang maghahatid sa akin. Kailangan pa naming tapusin ang eleksyon bago kami pumunta doon.
Pero ngayong gabi ay sobrang lungkot ko na naman. Hindi dahil sa aalis ako kundi sa pag-alis ng isang tao na mahalaga sa akin. Ang taong palagi kong kasama at nag-aalaga sa akin kapag wala ang parents ko.
Hindi ko mapigilan ang luha ko kapag naalala ko na malapit na siyang umalis. Naiinis ako dahil inilihim pa nila sa akin ang pag-alis niya. Sanay na ako na nasa tabi ko siya pero ngayon ay aalis na pala siya.
“Ren-ren, umiiyak ka naman ba?” tanong sa akin ni Kuya Vin.
“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ka pa kasi bumababa. Hinihintay ka na ng daddy at mommy mo dahil dinner time na.” malumanay na sagot niya sa akin.
“Hindi ako nagugutom,” sagot ko sa kanya at hindi ako tumitingin sa kanya.
“Diba nag-usap na tayo kahapon? Bakit umiiyak ka na naman?”
“Ano ba ang pakialam mo?! Wala ka namang pakialam sa akin diba?” naiinis na sabi ko sa kanya at tumaas na ang boses ko.
“Lalabas na ako. Sasabihin ko na lang sa kanila na tulog ka na,” sabi niya sa akin at lumabas na siya sa room ko.
Mas lalo akong naiinis sa kanya. Kung noon ay kinukulit niya akong kumain ngayon naman ay lumabas na lang siya dito sa room ko. Sa sobrang inis ko ay nagtalukbong na lang ako ng kumot at na tulog na ako.
*****
Nagising ako dahil nauuhaw ako. Sa tingin ko ay hating gabi pa lang ngayon. Nang kukuha na sana ako ng tubig sa dispenser ko ay wala na pala itong laman kaya wala akong choice kundi ang lumabas sa room ko. Hindi naman madilim dahil dim ang ilaw dito sa hagdan.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ako sa ref ng tubig. Pero biglang tumayo ang mga balahibo ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. At nang lumingon ako ay halos atakehin ako sa puso dahil nasa harapan ko na ngayon si Kuya Vin.
Si Kuya Vin ang bodyguard at driver ni daddy. Sa pagkakaalam ko ay dati siyang sundalo pero mas pinili na lang niyang maging normal na tao. At sa daddy ko siya nagtatrabaho. Matanda na rin siya nasa thirty plus na siya pero babyface pa rin.
Gwapo, matangkad at mabait na lalaki si Kuya Vin. Isa sa pinagkakatiwalaan ng daddy ko. Matagal na rin siya sa amin kaya sobrang nalulungkot ako sa pag-alis niya. Gusto ko nga siyang makasama sa US pero alam ko na mas kailangan siya ng pamilya niya. Lalo na ang tatay niya.
Nagtatampo lang ako dahil malapit na siyang umalis.
“Nagugutom ka ba?” tanong niya sa akin.
“Hindi, nauuhaw lang ako kaya kumuha ako ng tubig. Wala na kasing laman ang dispenser ko sa room ko.” sagot ko sa kanya at dumaan ako sa tabi niya.
Hindi naman siya nagsalita pero nagulat ako dahil nakasunod siya sa akin at may buhat-buhat na tubig. Hindi na lang ako nagsalita kasi alam ko naman na dadalhin niya ito sa room ko at tama nga ako.
“Tuwing gabi ay ‘wag mong bubuksan ang pinto mo dito. Hindi natin alam ang panahon. Baka mamaya ay may umakyat dito at may gawing masama sa ‘yo.”
“Ano naman ngayon kung may gawin?!” mataray pa rin na sabi ko sa kanya.
“Sinasabi ko lang para alam mo. Bakit ang taray mo na ngayon? Hindi ka naman ganyan dati ah. Tapos ngayon lagi ka ng galit sa akin,” sabi niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at humiga na ako sa kama ko. Alam ko na hindi pa siya umaalis. Naramdaman ko na tumabi siya sa akin at hinaplos niya ang buhok ko.
“Ren-ren, ingat ka palagi sa US. Mami-miss kita. ‘Wag ka ng magalit sa akin. Malay mo magkita pa tayo ulit,” malumanay na sabi niya sa akin.
“Mas mabuti na hindi na tayo magkita pa. Kung aalis ka ay mas mabuti na ‘wag ka ng bumalik o magpakita sa akin.” sabi ko sa kanya habang umiiyak ako.
“Kung ‘yan ang gusto mo,” sabi niya sa akin.
“Galit ako sa ‘yo.” sabi ko sa kanya.
“I’m sorry, Ren-ren.” sabi niya at hinalikan niya ang noo ko bago siya lumabas sa room ko.
Umiiyak na naman ako at naiinis na talaga ako. Ewan ko ba pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako, nalulungkot ako pero nagagalit rin ako. Nakatulog na lang ako sa sobrang pag-iyak ko.
****
Kinabukasan ay pinilit ko na maging masaya. Ayaw ko ng ipakita sa kanila na nalulungkot ako. Ginagawa ko ang para maging okay na ako. Lumabas ako dahil may kailangan akong bilhin sa mall at kasama ko si Kuya Vin.
Habang nag-iikot kami ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kaya naman nagpaalam ako sa kanya na pupunta lang ako sa banyo.
Nataranta ako ng makita ko na may dugo ang panty ko. Kaagad kong tinawagan ang mommy ko at sinabi ko sa kanya.
“Baby, tatawagan ko ang kuya Vin mo. Hindi naman kita mapuntahan diyan dahil dalawang oras pa kami nakakarating diyan ng daddy mo.”
“Mommy, nakakahiya po.” sabi ko sa kanya.
“Kaya mo pa bang maghintay sa amin?”
“Sige po, tawagan mo na lang si Kuya Vin.” sabi ko kay mommy.
“Don’t worry dahil maghahanap ang kuya mo ng tutulong sa ‘yo. Congratulations, anak ko dahil dalaga ka na talaga.” sabi sa akin ni mommy.
“Natatakot po ako, mommy.”
“Don’t be scared because that’s normal. Maninibago ka pero masasanay ka rin parte ‘yan ng pagiging babae mo.” malumanay na sabi sa akin ni mommy.
“Thank you po, mommy.” sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.
Nanatili lang ako dito at hinintay ko ang pamalit ko. Narinig ko na may kumatok kaya naman kinuha ko ang pamalit ko. Marunong naman na ako dahil tinuruan ako dati ni mommy. Hindi ko lang talaga napaghandaan ang araw na ito.
Paglabas ko ay nakatayo si Kuya Vin sa labas ng restroom. Nagpasalamat siya sa babae na tumulong sa akin. Nainis ako dahil hinalikan pa siya nang babae sa pisngi.
Kaya naman nauna na akong naglakad papunta sa parking lot.
“Ren-ren, okay ka lang ba?” tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot at pumasok na agad ako sa backseat.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik kami pareho.
“Thank you,” sabi ko sa kanya.
“Komportable ka ba? Kasya ba ang?” tanong niya sa akin.
“Komportable naman ako at kasya naman sa akin,” sagot ko sa kanya.
“Mabuti naman,” mahina niyang sabi pero nalinaw kong narinig.
Ayaw kong isipin na siya ang bumili ng underwear ko. Iniisip ko pa lang ay umiinit na ang pisngi ko sa hiya. Binata pa si kuya kaya sigurado ako na nahihiya siyang bumili ng mga kailangan ko lalo na ang panty at pads. Pero sa tingin ko naman ay ‘yung babae kanina ang bumili ng shorts at panty ko, ganun rin sa pads.
Nang makarating kami sa bahay ay natulog ako agad dahil inaantok ako. Nang magising ako ay saktong nakarating na si mommy. May mga sinabi siya sa akin at ipinaliwanag niya ng malinaw ang mga bagay-bagay. Tumagal ng limang araw ang period ko at sa buong limang araw ay tinatamad akong lumabas sa room ko.
****
Dumating na ang araw na aalis na si Kuya Vin ang buong akala ko ay sa susunod na araw pa pero bigla na lang siyang nagpaalam na aalis na pala siya ngayon.
Habang palabas siya sa gate namin ay nakatingin lang ako sa kanya. Pinigilan ko talaga ang luha ko dahil ayaw kong umiyak. Ayaw kong ipakita sa kanya na umiiyak ako sa pag-alis niya.
“Goodbye, Kuya Vin.” saad ko sa isipan ko at may pumatak na luha sa mga mata ko nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.