REIGHN SELESTINE
“K-Kuya, ang aga mo po.” Sambit ko dahil si Kuya Lance ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto.
“Naiinip kasi ako kaya pumunta na ako dito ng maaga. Ito pala ang mga pasalubong ko sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya naman napangiti na lang ako.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto para naman makapasok siya. Tutulungan ko sana siya na ipasok ang mga dala niya pero ayaw naman niya kaya pumasok na ako sa loob.
“Kuya, ang dami naman po nito.” Sabi ko sa kanya.
“Kaunti lang ito, wala pa ang iba mong mga paborito dito.” Sabi niya sa akin.
“Ang bait nito po talaga, kuya. Ang swerte ng magiging girlfriend mo.”
“Alam ko kasi na nami-miss mo ang mga pagkain natin kaya naman lagi kitang dadalhan dito. At sana nga magka-girlfriend na akin,” sabi niya sa akin.
“Kuya, alam ko naman na busy ka sa mga laro mo. At isa pa mahal ang babayaran mo kapag dala mo ang mga ito palagi.” Sabi ko sa kanya.
“Marami naman akong time at marami rin akong pambayad,” sagot niya sa akin.
“Pero kahit na, dapat mas inaatupag mo na ang makipag-date.”
“Makikipag-date na talaga ako.” Sabi niya sa akin na nagbigay sa akin ng munting lungkot.
Nakangiti pa siya ngayon kaya nagkunwari na lang ako na hindi ako apektado sa kanya. Masama ang pakiramdam ko kaya nagpaalam ako sa kanya na papasok muna ako sa room ko.
Humiga ako dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko at nahihilo ako. Parang hindi ko kayang gumalaw ngayon.
“Reighn, papasok ako ha.” Narinig ko na sabi ni kuya Lance.
“Sige po,” sagot ko sa kanya.
“Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” Nag-aalala na tanong niya sa akin.
“Medyo po, nahihilo po ako.” Sagot ko sa kanya.
“Sige, hindi na muna tayo aalis ngayon. Aalagaan na lang muna kita.” Sabi niya sa akin.
“Okay lang po ako, kuya. Sorry kung hindi na matutuloy ang dinner natin sa labas.”
“It's okay marami pa namang next time. Aalagaan na lang muna kita sa ngayon,” sabi niya sa akin.
“Hindi ba kita naabala?” Tanong ko sa kanya.
“Of course not,” sagot niya sa akin.
“Thank you po, kuya.”
“Sige, lalabas na ako para magluto ng dinner natin. Magpahinga ka na muna dito.” Sabi niya sa akin at lumabas na siya.
Matutulog na sana ako pero bigla na lang nagring ang phone ko at si Kian pala ang tumatawag. Sinabi ko sa kanya na masama ang pakiramdam ko at si Kuya Lance ang nag-aalaga sa akin. Kahit masama ang pakiramdam ko ay natawa pa rin ako sa kanya dahil halatang ayaw niya talaga kay Kuya Lance. Kung anu-ano kasi ang sinasabi niya sa akin.
Nagulat na lang ako dahil nandito na siya ngayon sa loob ng kwarto ko. Ang bilis niya wala pa yata g isang oras mula nang mag-usap kami.
“Nagdala ako ng tinola para maka-higop ka ng mainit na sabaw,” sabi niya sa akin.
“Thank you,” sabi ko sa kanya.
“Kinulit ko pa kuya ko para lang magluto niyan.” Sabi niya sa akin.
“Sino naman na kuya mo?” Tanong ko sa kanya sabay higop ng sabaw.
“Secret,” nakangisi na sagot niya sa akin.
“Bakit mo ba inaabala ang kuya mo? Diba busy ‘yon lagi?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi siya busy lalo na kapag ika—lalo na kapag humihingi ako ng tulong sa kanya.” Sagot niya sa akin.
“Kahit pa close kayo ay ‘wag mo naman siyang idamay sa mga ginagawa mo. Pero pakisabi na salamat sa tinola. Ang sarap parang luto ni…”
“Nino?” Tanong niya sa akin.
“Wala,” sagot ko sa kanya at ngumiti na lang ako.
Naiinis na talaga ako sa lalaking ‘yon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagpapakita sa akin. O baka bumalik na rin siya sa Pilipinas. Gusto kong tawagan si daddy para sana magtanong pero nahihiya naman ako. Lalo na limang taon na ang lumipas.
Dapat nga nakalimutan ko na siya pero hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin. Tulad na lang ngayon, kahit sa ulam ay naaalala ko siya. Kahit na hindi naman dapat.
“Reighn, dinner is ready.” Nakangiti na sabi ni Kuya Lance.
“Sumabay ka na rin sa amin, Kian.” Sabi niya sa kaibigan ko.
“Sasabay talaga ako. Hindi kita hahayaan na maging masaya,” masungit na sabi nito kaya naman pinalo ko ang kamay niya.
Pero hindi niya ako pinansin at nauna pa siyang lumabas. Inalalayan naman ako ni Kuya Lance na tumayo. Paglabas namin ay nakasimangot na nakaupo si Kian. Para talaga siyang bata kung umasta.
Maalaga si Kuya Lance, siya ang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Akmang kukuha sana siya ng tinola pero pinigilan siya ni Kian.
“Kay Reighn lang ‘yan,” sabi niya kay Kuya.
“Kian, okay lang naman. Marami naman ito,” sabi ko sa kanya.
“Okay lang, Reighn. Sawa na pala ako d’yan.” Natatawa na sabi ni Kuya Lance kaya lalo siyang gumugwapo sa paningin ko.
“Sawa na rin naman ako sa adobo,” hindi talaga magpapatalo itong si Kian.
“Kumain na lang tayo. Kung kayo sawa na ako naman minsan lang kumain ng ganito.” Sabi ko sa kanila.
Tumahimik naman sila at nagsimula na kaming kumain. Mabuti na lang talaga at hindi na sila magulo. Naisip ko naman na hindi ko puwedeng pigilan si Kian lalo na ayaw niya kay Kuya Lance. Bahala na silang dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako sa room ko para magpahinga. Pero bumangon rin ako dahil narinig ko na naman silang dalawa. Mukhang nagbabangayan na naman sila.
“If you stay, I’ll stay.” Sabi ni Kian.
“Ako na ang mag-aalaga kay Reighn,” sabi naman ni Kuya.
“Ako na, kaya ko na. Umuwi ka na lang at magpahinga dahil alam ko na may pasok ka.” Sabi ni Kuya.
“Ayaw ko, ikaw na lang ang umuwi.”
“Umuwi na lang kayong dalawa.” Sabi ko sa kanila.
“No, dito lang ako. Hindi kita hahayaan na makasama mo ang lalaking ‘yan dito—”
“Mukha ba akong gagawa ng masama?” Tanong naman ni Kuya Lance kay Kian.
“Oo, mukha ka naman talaga—”
“Alam niyo, umuwi na kayong dalawa. Mas lalo yata akong magkakasakit kapag nandito kayo.” Naiinis na ako sa kanilang dalawa at talagang mas sasama ang pakiramdam ko kung magtagal pa sila dito.
“Aya—”
“Magagalit na ako sa inyo,” sabi ko sa kanila.
“Okay, babalik na lang ako dito bukas.” sabi sa akin ni Kuya Lance.
“Ako rin,” sabi ni Kian at nauna na siyang lumabas.
“Pasensya ka na, kuya.” sabi ko sa kanya.
“It’s okay, sige na alis na ako. Magpagaling ka na para makapag-dinner na tayo sa labas bago ako umuwi sa Pinas,” sabi niya sa akin.
“Opo, sige po. Ingat ka, kuya.” sabi ko sa kanya.
Nang makalabas na siya ay agad kong sinara ang pinto at bumalik na ako sa room ko. Uminom muna ako ng gamot bago ako humiga. Sa loob ng limang taon ay nasanay na akong alagaan ang sarili ko ng mag-isa. Maliban na lang noong nakaraang buwan na nahimatay ako sa daan at may nagdala sa akin sa ospital. Gusto ko talagang pasalamatan ang taong ‘yon pero hindi naman siya nag-iwan ng contact niya.
Habang nakahiga ako ay nakahawak na naman ako sa kwintas ko.
“Kuya Vin, magpakita ka na sa akin. Nakakainis ka na,” sabi ko sabay pikit ng mga mata ko.
Habang nakapikit ako ay muling lumitaw sa alaala ko ang gwapo niyang mukha. Naiinis ako sa kanya pero sobrang nami-miss ko siya. Wala yatang araw na hindi ko siya naaalala.
“Ano ba itong nararamdaman ko?” tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil ang bilis ng t*bok ng puso ko.