REIGHN SELESTINE “May nakalimutan ka ba, La—” Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa taong nakatayo sa harapan ko. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko yata kayang pigilan ang mga luha ko dahil kusa na lang silang pumatak mula sa mga mata ko. Totoo ba ang nakikita ng mga mata ko ngayon? Tanong ko sa sarili ko. “Ikaw ba ta—” Hindi ko na nagawa na tapusin ang sasabihin ko dahil may bigla na lang lumapat sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko man lang namalayan na nandito na siya sa loob ng apartment ko. Binuhat ba niya ako? Totoo ba ito? Si Kuya Vin ba talaga ang nasa harapan ko? Siya ba talaga? At ngayon ay nakadikit sa labi ko ang labi niya. Hinalikan niya ako? Hinahalikan niya ako. Bigla yatang nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi ko rin alam kung ano ba a