REIGHN SELESTINE “Ano ba ang problema mo, kuya?” tanong ko sa kanya na para bang naiiyak ako dahil feeling ko galit na naman siya sa akin. “Ang problema ko, ik—” “Alam ko naman na ako ang problema, kuya. Hindi mo na kailangan pang sagutin ang tanong ko. Ihatid mo na lang ako sa apartment ko dahil gusto ko ng magpahinga.” sabi ko sa kanya at nilagyan ko ng earpods ang tainga ko at mabilis kong pinunasan ang luha na pumatak sa mata ko. “Ren-ren,” tawag niya sa akin pero nagkunwari ako na hindi ko siya naririnig. “Saan mo gustong kumain? Nagugutom ka na ba?” tanong niya sa akin at tinanggal niya ang earpods ko. “Hindi ako gutom, kuya. Kung gusto mo ay ibaba mo na lang ako dahil kaya ko naman umuwi mag-isa. Isa pa baka kailangan mo ng umuwi sa inyo. Mukhang may naghihintay na sa ‘yo,” sa