REIGHN SELESTINE “Ren-ren, kasi…..” “Kasi?” “Kasi, ano kuya?” tanong ko rin sa kanya. “Excuse me, I need to take this call.” Sabi niya sa akin dahil bigla na lang may tumatawag sa phone niya. Mabilis naman akong umalis sa kandungan niya at lumabas ako sa room ko para makapag-bihis siya. Mabilis akong uminom ng malamig na tubig at pinaypayan ang sarili ko dahil parang biglang uminit. “Ano ba ang nangyayari sa akin?” Tanong ko sa sarili ko. Hindi na muna ako bumalik sa room ko. Umupo na lang muna ako sa sofa habang hinihintay ko siya. Binuksan ko ang tv at nanonood ako nga pambata na palabas. “Alis na tayo,” narinig ko na sabi niya kaya lumingon ako sa kanya. Feeling ko parang nag slow motion ang lahat habang nakatingin ako sa kanya. Simple lang ang suot niya pero lalo yata siya