THIRD PERSON POV (FLASHBACK) “Tara na, umuwi na tayo.” sabi ni Vin kay Reighn na ngayon ay nakayakap sa kanya. “Ayaw ko pa, gusto ko pang uminom, kuya.” kahit pa nakapikit ito ay nagsasalita ito na ayaw pang umuwi kahit pa lasing na ito. “Iinom ka pa? Sabi mo umiikot na ang paligid?” tanong naman ni Vin. “Oo, pero ayaw ko pang bumalik sa hotel room ko. Gusto ko dito kasi ang daming pogi. Ang sarap sa mata kasi ang gwapo, wala yatang pangit dito.” natatawa na sabi ni Reighn. “Reighn,” he warned dahil hindi niya nagustuhan ang narinig niya. “Bakit? Nakakunot na naman ang noo mo. Marami naman talagang gwapo dito. Hindi lang ikaw ang gwapo sa mundo. Malay mo dito ko maisuko ang bataan ko. Kaya gwapo ang unang experience ko,” lasing na sambit ng dalaga. “Ang kulit mo talaga. Talagang in