REIGHN SELESTINE “Anong nangyari kagabi?” Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako kay Kuya Vin na nakahiga sa tabi ko. Mukhang mahimbing ang tulog niya. Muli kong sinilip ang sarili ko at talagang wala talaga akong suot na kahit ano sa ilalim ng kumot na ito. Sa sobrang inis ko ay sinipa-sipa ko si Kuya Vin para gisingin siya. Pero nakailang sipa na ako ay tulog pa rin siya kaya hindi ako tumigil. “Hmmm, inaantok pa ako.” sabi niya kaya mas lalo akong nainis. Malakas ko na siyang sinipa dahilan para mahulog siya sa kama. Dahil ginawa ko ay tuluyan na siyang gumising. “Nakakailan ka na sa akin ha. Mapipilayan na yata ako sa ginagawa mo,” sabi niya at bigla na lang siyang tumayo kaya mabilis kong tinakpan ang mga mata ko pero narinig ko lang siyang tumawa. “Oh c’mon parang hindi m