REIGHN SELESTINE “Oh my gosh!” sigaw ko. “What happened?” tanong sa akin ni kuya at lumapit pa siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya. Hinila ko palabas sa hotel room ko. Alam ko na nagtataka siya sa akin. “Kuya, sorry. Bye,” sabi ko at mabilis akong pumasok sa loob. Pagsara ko pa lang ng pinto ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa sahig. “Nakakahiya ka! Oh my gosh! Ang kapal ng face mo na harapin pa siya. Oh my G talaga! Bakit self? Bakit mo ginawa ang mga bagay na ‘yon? Wala ka ngang sinabi na gusto mo siya pero nilaro mo naman. Nakakainis ka!” saad ko sa sarili ko at hinila ko ang buhok ko. “Ouch! Ang sakit!” napa-daing rin ako dahil nasaktan din ako sa ginawa ko sa sarili ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Tumakbo ako at mabilis na dumapa sa kama sabay