5 YEARS LATER
REIGHN SELESTINE
“Happy 18th birthday, sweetie.” masaya na bati sa akin ni daddy via video call. Tawag nila ang gumising sa akin.
“Thank you, daddy.” malambing na pasasalamat ko.
“Ppy beyday, aate.” bati sa akin ng two years old ko na kapatid.
“Thank you, lalab ko. I love you po.”
“Happy birthday, ate!” narinig ko na sigaw ng kambal kong kapatid.
“Happy birthday, baby ko.”
“Thank you, everyone.” malambing na sabi ko.
Ang pinakahihintay ko na babati sa akin ay ang mommy ko. Sobrang saya ko dahil kumpleto pa rin kami kahit na malayo kami sa isa’t isa.
Today is my birthday. Nandito pa rin ako sa US at hindi na ako umuwi sa Philippines. Kinaya kong mag-isa sa loob ng limang taon.
Kahit na debut ko na sana ngayon ay hindi ako umuwi. May pasok pa kasi ako sa school kaya naman mag-isa ko lang i-cecelebrate ang birthday ko. Hindi rin kasi makapunta ang family ko dahil busy rin sila. May pasok rin kasi sa school ang mga kapatid ko. Kapag holiday season naman ay pumupunta sila dito sa akin.
Sa loob ng limang taon ay nasanay na akong mabuhay na mag-isa. Masaya ako dahil may mabait akong kaibigan na nag-aalaga sa akin. Mabait si Mama Veron. Noong bago pa lang ako dito ay gusto niya na nanay ang itawag ko sa kanya pero parang mas gusto ko ang mama kaya pinalitan ko.
“Sweetie, sorry kung walang bonggang party.” Sabi sa akin ni daddy.
“Daddy, hindi naman po ‘yun kailangan. May pasok po ako sa school at ganun rin ang mga kapatid ko na makukulit. Alanganin po sa bakasyon ang birthday ko. Masaya na po ako malaman na ang handa ko ay binigay niyo sa mga bata.” Sabi ko sa kanya.
“Magpapadala ako ng video para makita mo kung gaano sila kasaya na makatanggap ng regalo mula sa ‘yo.” Nakangiti na sabi sa akin ni mommy.
“Thank you, mom.”
Mas pinili ko na ibigay sa orphanage ang mga pagkain na ihahanda ko sana ngayong birthday ko. Isa ito sa mga itinayo ng mommy ko noong dalaga pa siya. Marami siyang natulungan na mga bata at may mga matatanda rin.
Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang mommy ko. Siya pa rin ang babae na tinitingala ko kaya gusto kong maging better version ng sarili ko. Limang taon na ang lumipas at ganun pa rin. Masaya ako na makitang masaya ang parents ko. Na masaya ang pamilya ko.
Papasok na sana ako sa banyo para maligo dahil may pasok pa ako sa school pero may narinig ako na nag-doorbell. Naglakad ako papunta sa pinto para silipinkung sino pero wala naman akong nakita.
Nang buksan ko mismo ang pinto ay may bumungad sa akin na bulaklak. One bouquet of red roses. May note itong kasama.
“Happy 18th Birthday!”
Iyon lang ang nakalagay at wala ng iba. Binilang ko ang mga bulaklak at saktong 18 pieces rin siya. Inamoy-amoy ko ito at napangiti ako. Hindi ko alam kung kanino galing but it made my day. May napansin ako na maliit na kahon na nakasiksik sa bulaklak. Nang buksan ko ay isang necklace na may pendant.
Nakatulala ako sa pendant.
“Ren-ren.” ang nakasulat.
Lumabas ako at hinanap ko ang taong nagbigay sa akin ng bulaklak na ito. Isang tao lang ang kilala ko na tumatawag sa akin ng Ren-ren at si Kuya Vin lang. Siya lang at wala ng iba. Ibig bang sabihin ay alam niya kung nasaan ako? Pero bakit hindi siya nagpakita sa akin? Ibig bang sabihin ay nandito rin siya sa Amerika? Pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan siya pero hindi ko magawa. Lumipas man ang limang taon ay nami-miss ko pa rin siya. Naalala ko pa rin siya at walang nagbabago tuwing naaalala ko siya. May pumapatak pa rin na luha sa mga mata ko.
Ang buong akala ko ay nakalimutan na niya ako. Pero ngayon ay nagpaparamdam siya sa akin. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap. Marami akong gustong itanong sa kanya. Marami akong gustong malaman sa nangyari sa kanya sa loob ng limang taon. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at ipinasok ko sa loob ng apartment ko ang bulaklak. Palabas na ako sa kwarto ko ng marinig ko ang tawag ni Mama Veron.
“Happy Birthday,” nakangiti na bati sa akin ni Mama Veron.
“Thank you po, mama.” sabi ko sa kanya.
“Kanina pa panay silip si Kian kung gising ka na ba? May binili si Kian na cake para sa ‘yo.” sabi sa akin ni mama.
“Thank you, Ki.” nakangiti na sabi ko.
“Make a wish,” nakangiti na sabi ng kaibigan ko.
Pumikit naman ako at nagwish na ako. Hinipan ko na ang kandila sa cake.
Naging kaibigan ko ang bunsong anak ni mama. Magkasing edad lang kaming dalawa ni Kian. Mas matanda lang siya sa buwan sa akin. Mabait siya at gwapo rin. Pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
“Papasok ka ba ngayon sa school, anak?” Tanong sa akin ni mama.
“Opo, mama. May exams po ako,” sagot ko sa kanya.
“May lakad ka ba after ng class mo?” Tanong niya sa akin.
“Wala naman po,” sagot ko sa kanya.
“Magluluto ako ng handa mo mamaya.”
“Mama, okay lang po. Baka mapagod po kayo. Puwede naman po tayong kumain sa labas.” Sabi ko sa kanya.
“Diba, miss mo na ang mga pagkaing pinoy? Iluluto ko ang mga paborito mo,” sabi niya sa akin.
“Okay po, pero ‘wag po kayong masyadong magpagod.” Sabi ko sa kanya.
“Malakas pa ako, anak.”
“Thank you po, thank you sa inyong dalawa. Dahil po sa inyo kaya hindi ako mag-isa.”
“Sige na, maligo ka na. Baka ma-late ka pa,” sabi niya sa akin habang nakangiti.
Bumalik na sila sa apartment nila. Hindi naman sila laging nandyan. May bahay kasi sila dinadalaw-dalaw lang nila ang apartment nila.
Pero palagi naman kaming nagkikita ni Kian sa school. Iisang school lang kaming dalawa.
Tumunog ang phone ko at nakita ko na si Kuya Lance ang tumatawag. Kakagising ko lang kaya naman hinanap ko ang suklay at sinuklay ko ang buhok ko. Naglagay rin ako ng liptint bago ko sinagot ang tawag niya.
“Happy birthday, Reighn.” Nakangiti na bati niya sa akin.
“Thank you so much, Kuya.”
“Next week na lang ang gift ko.”
“Pupunta ka dito, kuya?” Nakangiti na tanong ko sa kanya.
“Oo, kailangan ko kasing puntahan ang pinsan ko.” Sagot niya sa akin.
“Pupuntahan mo ba ako?” Tanong ko sa kanya.
“Of course, sasabihan ko rin ang mommy mo para maipadala niya ang mga pasalubong mo.”
“Okay, kuya.”
“Sige na, may practice pa ako. Call you later. Happy birthday again, Reighn. Dalaga ka na,” nakangiti na sabi niya.
“Bye, kuya.”
Pilit kong tinatago ang kilig ko. Ewan ko ba tuwing nakikita ko siya ay kinikilig pa rin ako. Limang taon na ang lumipas ay crush ko pa rin siya. Sa tingin ko nga hindi na lang basta crush itong nararamdaman ko. Mukhang gusto ko na talaga siya.