CHAPTER 5

1621 Words
REIGHN SELESTINE Kanina pa ako nakatitig sa kwintas na hawak ko. Hindi ko ito sinuot pero dinala ko dito sa school. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit hindi man lang nagpakita sa akin si Kuya Vin? “Siya ba talaga ang nagbigay nito sa akin?” Tanong ko sa sarili. “Hey, are you okay?” Tanong bigla sa akin ni Kian na bigla na lang lumitaw sa tabi ko. “I’m good, it’s just that…Nevermind,” sabi ko sa kanya. “It's your birthday and why are you sad? You can tell me anything. I’m willing to listen” sabi pa niya sa akin. “Don’t mind me. I’m totally fine,” sabi ko sa kanya. “You miss your family?” “Yeah, I miss them. It’s been five years. And I also miss someone. He was like a brother to me but I know that he doesn’t miss me,” hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na magsabi sa kanya. “Cheer up, mommy will cook some of favorite food later.” “I know, there’s a lumpia and pansit.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Alam mo dapat kasi kinakausap mo ako ng tagalog.” sabi ko sa kanya bigla. “Why? We’re in America.” “Baka kasi makalimutan ko na ang kinalakihan ko kapag panay english ako. Tagalog ka naman kasi talaga pero panay ka english.” “Sanay na kasi ako,” sagot niya sa akin with slang accent. “Sanay na kasi ako,” ginaya-gaya ko pa siya habang tumatawa ako. Kaya tumawa na lang rin siya. Alam ko kasi na inaasar lang niya ako kaya ganun rin ako sa kanya. “Legal age ka na. Siguro ay puwede ka ng mag-boyfriend.” biglang sabi niya sa akin kaya naalala ko na naman si Kuya Lance. “I don’t know pero may crush na kasi ako. I mean long time crush ko,” sagot ko sa kanya pero napansin ko na bigla na lang siyang sumimangot. “May problema ba?” tanong ko sa kanya. “Sino ‘yan? Si Lance ba?” tanong niya sa akin. “Grabe ka naman maka-Lance. Mas matanda siya sa atin kaya gumalang ka. Kuya Lance dapat.” sabi ko sa kanya. “Ayaw ko nga! Bakit ako magkukuya sa kanya? Kapatid ko ba siya? For your information mas gwapo ang kuya ko sa Lancesot na ‘yon.” sabi pa niya sa akin. “Lancesot?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Oo, Lancesot.” pag-uulit pa niya. “Lance ang name niya. Hindi siya Lancesot. Ang tangkad niya kaya, tapos ang galing pa mag-basketball. Bakit ang kuya mo ba matangkad din? Magaling din ba siya magbasketball?” tanong ko sa kanya. “Oo naman, matangkad ang kuya ko. Gwapo na magaling pa.” sabi niya sa akin. “Wala akong pakialam sa kuya mo. Saka na ako maniniwala kapag nakita ko na siya. Eh five years na ako dito pero never ko pa siyang nakita.” “Busy ang kuya ko kaya hindi mo talaga siya makikita. Habulin pa ng mga babae ang kuya ko.” sabi pa niya sa akin na halatang ipinagmamalaki niya ang kuya niya. “Mabait ba ang kuya mo?” “Medyo, masungit siya pero alam ko mabait siya.” sagot niya sa akin. “Teka lang, bakit ba ang kuya mo ang naging laman ng usapan nating dalawa?” tanong ko sa kanya. “Malay ko, basta mas gwapo kuya ko sa Lancesot mo.” sabi pa niya sa akin na halatang iniinis niya ako. “Ewan ko sa ‘yo. Wala naman akong pakialam sa kuya mo. Basta crush ko si Kuya Lance at siya ang gusto kong maging first boyfriend,” sabi ko sa kanya. “Hindi kayo bagay?” “At sino ang bagay sa akin?” tanong ko sa kanya. “Marami ang bagay sa ‘yo basta hindi ang Lancesot na ‘yon.” sabi niya sa akin. “Bakit feeling ko type mo si Kuya Lance? Crush mo ba siya?” pang-aasar ko sa kanya. “Hoy! Lalaki ako at babae ang gusto ko. Hindi kami talo!” sabi niya sa akin. “Alam ko kaya ka nga babaero eh.” “Naniniwala kasi ako na dapat i-enjoy ang buhay habang bata pa kaya ito ako ngayon. Nag-eenjoy sa pakikipag-fling. Sarap kay–” “Tumigil ka nga! Ang bastos ng bibig mo,” saway ko sa kanya. “Sorry may bata pala akong kasama.” natatawa na sabi niya sa akin. “Pero seryoso hindi ka pa ba talaga nakipagkiss?” tanong niya bigla sa akin. “Ano ba ang tanong ‘yan?” “Curious lang naman ako. May first kiss ka na ba?” tanong pa niya sa akin. “Wala at hindi naman ako interesado.” sabi ko sa kanya. “Gusto mo ako na lang ang–” “Tigilan mo ako baka suntukin ko ‘yang bibig mo.” putol ko sa sasabihin niya. “Alam mo ang hinhin mo magsalita pero minsan nakakatakot ka.” sabi niya sa akin kaya naman tinarayan ko siya. “Kita mo, ang feminine mo pero ang taray mo.” sabi niya sa akin. “Alam mo tigilan mo na ako. Puntahan mo na lang ang mga sisiw mo dahil hinahanap ka na nila. Pasalamat ka dahil wala ka sa Pinas. Kapag ganito na babaero ka doon baka sapak pa ang matanggap mo sa mga babae mo.” sabi ko pa sa kanya. Ubod kasi ng pagka-babaero. Halos yata linggo-linggo ay iba-iba ang girlfriend niya. Palibhasa kasi famous siya dito kaya ganyan siya. Mabait naman siya at nagkakasundo kami. Siya na kasi ang naging bff ko dito simula noong nakilala ko siya. Sanay na ako sa kanya pero minsan kasi walang preno ang bibig niya. Kung anu-ano na lang kasi ang lumalabas sa bibig niya. Nagpaalam na siya sa akin at naiwan lang ako dito sa school yard. Mas gusto ko kasi dito gawin ang mga school works ko. Mamaya pa ako uuwi dahil gusto ko pang tumambay dito. Hindi naman ako malungkot. Masaya naman ako kahit pa malayo ako sa pamilya ko. Kasi kahit pa malayo ako ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Sa bawat special occasion na mayroon sila sa Pilipinas ay nakikita ko at nasaksihan ko. Palagi kaming nag-uusap ni mommy at daddy. Tuwing nakakaramdam ako ng lungkot ay tatawag lang ako sa kanila. My mom is the best mom in this world. She always listened to my rants, for all my sad and happy moments ay nakikinig siya. Hindi niya pinaparamdam sa akin na ayaw niya akong kausap. Kasama ko siyang tumawa, mainis at umiyak. I’m blessed to have her in my life, in our lives. Kahit ang daddy ko ay supportive mabait at maalalahanin siya. Kahit na malayo ako ay ramdam ko ang pagmamahal nila at pag-aalala sa akin. Higit sa lahat ay ramdam ko ang support nila sa lahat ng nais kong gawin sa buhay. They let me live and enjoy my life. Kay ginagawa ko rin ang lahat para maging proud sila sa akin. I’m top of my class at hindi naman ako pressure kasi kahit ano pa ang ma-achieve ko ay alam ko na masaya ang pamilya ko. Unlike before na para akong nanlilimos ng pagmamahal. Pero ang lahat ng ‘yon ay mga alaala na lang dahil matagal ko ng napatawad ang tunay kong ina. Bago pa ako bumalik sa nakaraan ay niligpit ko na ang mga gamit ko para umuwi. Hindi naman malayo ang apartment ko kaya naglalakad lang ako palagi. Magandang exercise rin ito sa akin. At habang papalapit ako sa apartment ko ay may nakita akong matangkad na lalaki na lumabas sa apartment nila Mama Veron. Hindi ko rin nakita ang mukha niya dahil tanging likod lang niya. Sumakay na ito sa kotse niya at nang malapit na ako ay pinatakbo na niya ang kotse. “Sino kaya ‘yon?” tanong ko sa sarili ko at naglakad na ako papunta sa apartment ni Mama Veron. “Oh, nandito ka na pala, anak.” nakangiti na sabi niya sa akin. “Mama, may nakita po akong lalaki sa labas. Kilala niyo po ba ‘yon?” hindi ko mapigilan na hindi magtanong sa kanya. “Ahh, ‘yon ba? Ang anak ko na panganay, inutusan ko kasi siya na bumili ng kulang na sangkap para sa pansit. Sayang at hindi kayo nagpang-abot. Nagmamadali rin kasi siya kasi may emergency daw sa work. May dala nga siyang cake. Regalo niya sa ‘yo,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Sa akin po?” “Oo, sa ‘yo. Kinukwento kasi kita sa kanya at nabanggit ko na birthday mo ngayon. Kaya siguro bumili ng cake at mango graham. Nasa ref tingnan mo na lang,” sabi ni mama sa akin. “Pakisabi po, mama na thank you.” sabi ko sa kanya. “Makakarating, anak.” nakangiti na sabi ni mama habang naghahalo ng niluluto niyang pansit. Ako naman ay pumunta sa ref para tingnan ang cake at mango graham. Pero nang buksan ko ang box ay napangiti ako dahil mango ang flavor ng cake. Kinuha ko rin ang tupperware na may lamang mango graham. Kumuha ako ng platito at kutsara dahil hindi na ako makapaghintay pa na tikman. Nang tikman ko ay natigilan ako. Pamilyar sa akin ang lasa. Kahit pa ang itsura nitong mango graham ay pamilyar rin sa akin. “Tumigil ka, Reighn. Mali ang iniisip mo.” saway ko sa sarili ko dahil naalala ko na naman ang taong dapat ay kina-kalimutan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD