REIGHN SELESTINE “Aalis na ako,” sabi niya at tumalikod na siya. Wala akong lakas ng loob na magbigay ng sagot ko sa kanya. Ayaw kong sabihin na ayaw ko na siyang makita kung sa loob-loob ko naman ay gusto ko naman talaga na makita pa siya ulit. Ayaw ko lang kasi talaga sa ugali na ipinakita niya sa akin ngayon. Nalungkot ako ng tuluyan siyang nawala sa paningin ko. Naglakad ako papunta sa may pintuan at nakita ko siyang sumakay sa kotse niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko dahil pinatakbo na niya ang kotse niya. Naglakad ako papunta sa kung saan ang sira kong phone. May pambili naman ako kung gugustuhin ko dahil sobra naman palagi ang allowance na binibigay sa akin ni daddy. “Kawawa ka naman,” kausap ko sa phone ko at dinampot ko na ito. Kahit ang sketch pad ko