REIGHN SELESTINE “Bakit mo sinira ang phone ko?” umiiyak na tanong ko sa kanya. Hindi siya sumasagot at madilim lang ang mukha niya na halatang galit sa akin. Ako naman ay hindi na nakagalaw sa kung saan man ako dahil sa pagkagulat. Tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa phone ko na sira. Sa lakas niya ay talagang basag ang phone ko. “Bakit ka galit sa akin? Ano ba ang ginawa kong mali para itapon mo ang phone ko? Bakit mo sinira ang phone ko, kuya?” umiiyak pa rin ako habang tinatanong ko siya kung bakit ba niya sinira ang gamit ko. “Papalitan ko na lang,” sabi niya sa mababang boses. Nasaktan ako sa naging sagot niya na para bang ang dali lang para sa kanya na sabihin na papalitan niya ang phone ko. Oo madali lang naman palitan ang phone ko pero hindi ang laman nito. “Hindi mo ka