REIGHN SELESTINE Kinabukasan ay mabilis akong bumangon dahil may narinig ako na kalabog sa labas ng room ko. Pagbukas ko ng pinto ng room ko ay nagulat ako sa bumungad sa akin. “A—Anong ginagawa mo dito?” Nauutal na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. “Bawal ba ako dito? Mas gusto mo ba na si Lance ang pumunta dito?” suplado na tanong niya rin sa akin. “Ano bang sinasabi mo? Ikaw nga itong ngayon lang nagpakita sa akin,” sabi ko sa kanya dahil bigla akong nainis sa kanya. Hindi siya nagsalita at patuloy lang siyang nagluluto. Ako naman pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha ko. Paglabas ko ay nagluluto pa rin siya. “Paano ka nakapasok dito?” tanong ko sa kanya habang nagsusuklay ako ng buhok. “Sa bintana mo, nakalimutan mong i-lock.” sagot niya sa akin. “Hindi ko alam