REIGHN SELESTINE
“May problema ba, anak?” tanong sa akin ni Mama Veron.
“Wala po, mama. May naalala lang po ako.” sagot ko sa kanya.
“Hindi ba masarap ang mango graham?”
“Masarap po, na-miss ko lang po ito. Ngayon na lang po kasi ulit ako kumain ng ganito.” sagot ko sa kanya.
“Mabuti naman at nagustuhan mo.”
“Po?”
“Sige na, kumain ka na d’yan.” nakangiti na sabi niya sa akin.
Habang hindi pa tapos si mama na magluto ay lumabas muna ako dito sa kusina. Umupo ako sa sala nila at dito ko kinain ang mango graham na ito. Masaya ako na nakakain ako ng ganito pero kasi naman bakit ko ba iniisip ang lalaking ‘yon. Bakit ba kasi ang dami ng mga alaala na iniwan niya sa akin? Naiinis tuloy ako kapag naaalala ko.
Habang kumakain ako ay biglang dumating si Kian at may dala siyang isang bouquet ng pink roses.
“Happy birthday, bruh.” nakangiti na sabi niya.
“Why naman may pa-flowers pa ulit? Kanina may bulaklak na mayroon na naman,” sabi ko sa kanya.
“Kunin mo na lang kaysa magreklamo ka d’yan.” sinungitan na nga ako pero tumawa lang ako.
“Ano ‘yan?” tanong niya sa akin.
“Ang alin?”
“‘Yan,” turo niya sa pagkain ko.
“Mango graham,” sagot ko sa kanya.
“Saan galing?” tanong niya sa akin.
“Ang sabi ni Mama ay sa kuya mo.” sagot ko sa kanya at kumain ulit ako.
“Kuya? Pumunta dito si Kuya? Nagkita ba kayo ni kuya?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Hindi, hindi ko siya nakita pero paalis na siya noong pagdating ko.” sagot ko sa kanya.
“Ganun ba? Mabuti na lang at—”
“Wait lang ha, kailangan ko itong sagutin. Excuse me,” sabi ko sa kanya dahil tumatawag sa akin si Kuya Lance.
Lumabas muna ako sa apartment nila.
“Hello, kuy—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nasa tapat ng pintuan ko si kuya Lance.
“Kuya,” sambit ko habang nasa tainga ko pa rin ang phone ko.
“Reighn,” nakangiti siyang lumingon sa akin.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.
“I want to surprise you,” nakangiti pa rin na sagot niya sa akin.
Nagulat ako sa narinig ko mula sa kanya.
“Happy birthday, Reighn.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Akala ko hindi ka pa pupunta dito?”
“Actually, kahapon pa ako narito.” nakangiti pa rin siya sa akin kaya nahihiya ako.
“Sinong—”
“Hi, Kian.” nakangiti na bati ni Kuya Lance sa kaibigan ko.
“Why are you here?” medyo masungit na tanong ni Kian.
“Gusto ko lang i-surprise si Reighn sa birthday niya.”
“Luto na ang pans—it.”
“Mama, nandito po pala si Kuya Lance. Okay lang po ba kung maki-join siya sa atin?” tanong ko kay Mama Veron.
“O–Oo naman, anak.” parang nauutal na sagot niya sa akin.
“Thank you po.” masaya na sambit ko.
“Nakakahiya,” bulong sa akin ni Kuya.
“Huwag kang mahiya sa kanila, kuya. Sila ang pamilya ko dito. Mabait po silang lahat,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
Hindi ko muna dinala dito ang mga pasalubong ko sa ‘yo. Bukas na lang dahil balak ko sana na yayain ka na magdinner tayo sa labas.”
“Next time na lang, kuya. Nagluto po kasi si Mama Veron ng mga Filipino foods kaya dito na lang po tayo. Masaya po kapag marami tayo, mas masaya po ‘yon.” sabi ko sa kanya.
“Oo nga, mas masaya nga.” sabi niya sa akin.
Nagpaalam muna ako sa kanya na papasok lang ako sa kusina. Pagpasok ko ay nakasimangot si Kian.
“Kian, alam ko na hindi mo siya gusto pero hayaan mo sana siya na magstay dito. Kahit ngayon lang, iregalo mo na ito sa akin.” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Okay, no problem.” masungit na sagot niya sa akin.
“Okay na sa ‘yo? Hindi ka na galit?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
“Pasalamat ka birthday mo.” sabi niya sa akin.
“Thank you so much,” nakangiti na sabi ko at niyakap ko siya.
“Eww, ‘wag mo nga akong yakapin.” maarte na sabi niya kaya natawa na lang ako.
Ang arte talaga niya pero okay lang. Ganito naman talaga siya kahit noon pa. Nilalambing ko siya bilang best friend pero ayaw niya kaya hindi ko na ginagawa at ngayon na lang ulit ako naglalambing sa kanya.
“Ang arte mo talaga.” natatawa na sabi ko.
“Kayo talaga, tama na ‘yan. Puntahan niyo na si Lance doon. Wala siyang kasama doon. Ihahain ko na ito para makakain na tayo,” sabi ni mama sa amin.
“Tulungan na po kita, mama.”
“Ako na, anak. Madali lang naman ito.”
“Mama, pagod na po kayo magluto kaya hayaan niyo na ito sa amin ni Kian.”
“Sige na nga, alam ko naman na hindi mo ako titigilan kapag nangulit pa ako.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Hindi po talaga. Thank you po, mama. I love you po,” malambing na sabi ko sa kanya.
“Ang lambing talaga ng anak ko. Masaya ako na nakilala kita, anak. Alam mo ba na gusto kitang maging manugang pero hindi naman ako sure kung may magugustuhan ka ba sa mga anak ko.” sabi sa akin ni Mama.
“Hahaha, si mama talaga mapagbiro.” sabi ko sa kanya.
“Sige, labas na ako.” sabi niya akin.
Naiwan naman ako dito. Kung puwede lang ay bakit hindi. Mabait si mama at ang tulad niya ang gusto kong maging biyenan. Pero hindi ko naman alam kung mangyayari ba ‘yon.
Kaysa mag-isip ng kung anu-ano ay inayos ko na ang mga pagkain at inilabas ko na. Inilabas ko rin ang cake na binigay sa akin. Lahat ng paborito ko ay nasa harapan ko ngayon. Niluto lahat ni mama. Mabilis ko itong kinunan ng pictures dahil ipapasa ko mamaya kay mommy.
Alam ko na matutuwa siya kapag nakita niya ito.
“Kain na tayo,” sabi ko sa kanila.
“Nagmamadali ka ba? Ayaw mo bang kantahan ka namin?” masungit na tanong sa akin ni Kian.
“Okay na, hindi na kailangan.” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you.” bigla na lang kumanta si Kuya Lance kaya napangiti ako na may halong kilig.
“Wish ka na, anak.” nakangiti na sabi sa akin ni mama.
Pumikit naman ako at muli akong nag-wish. Hinipan ko na ang kandila. Lumapit sa akin si mama at may binigay siya sa akin na maliit na box.
“Regalo ko sa ‘yo, anak.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Thank you po, mama. Sana po ay hindi na kayo–”
“18th birthday mo na kaya special ang araw na ito.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Pero, mama. Sobra-sobra na po itong ginawa mo ngayong araw para sa akin. Sobrang saya ko na po dito.”
“Hayaan mo na ako, minsan lang naman eh.” sabi niya sa akin.
“Okay po, thank you po.” nakangiti na sabi ko at binuksan ko ang maliit na box.
Bumungad sa akin ang isang pares ng hikaw. Alam ko na hindi lang ito simpleng hikaw kundi halatang mamahalin ang hikaw na ito. Gusto ko sanang pagsabihan si mama na hindi dapat siya gumastos ng ganito pero mas pinili ko na lang na magpasalamat dahil baka magtampo na siya sa akin.
Habang kumakain kami ay nagulat ako kay Kian.
“Mama, nandito po si kuya!” sigaw niya mula sa labas ng pinto.
“Ang kuya mo?” nakangiti na tanong ni mama.
“Opo, si kuya po.”
Tumayo ako dahil balak ko na magpasalamat sa kuya niya. Naglakad ako papunta sa labas at may lalaki na lumabas sa kotse na nakaparada sa harap ng apartment namin.