REIGHN SELESTINE “Kumain na tayo, kuya.” sabi ko sa kanya at ako na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Ayaw ko ng magtanong pa tungkol sa babaeng sinasabi niya. Nilagyan ko rin ang plato ko ng pagkain. Pero nagsimula na akong kumain ay hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya. Nagtataka ako dahil nakatingin lang siya sa akin. Ilang minuto rin kaya naiilang na ako. “Ayaw mo bang kumain, kuya?” tanong ko sa kanya. “Kakain,” sagot niya sa akin at hinawakan na niya ang spoon niya. Hindi na ako nagsalita at kumain na ulit ako. Baka kasi hindi siya komportable na nag-uusap kami. O baka ayaw niya na maingay ako kaya naman tatahimik na lang ako. “Hindi pala kayo natuloy ni Lucas? Bakit?” tanong niya sa akin at siya na ang bumasag sa ilang minuto naming katahimikan. “Masama kasi an